bc

His Naughty Ways

book_age18+
9.6K
FOLLOW
81.1K
READ
sex
boss
comedy
sweet
bxg
humorous
ambitious
city
office/work place
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Desperado na si Con na kumita ng pera dahil sa patong-patong na utang ngunit tanging pagguhit lang ang kaya niyang gawin.

Hanggang sa hindi inaasahang nagtagpo ang kanilang landas ni Dom, isang hot writer na mahilig sa adult manga.

Inalok siya nito na maging private illustrator sa gagawing adult manga kapalit ng malaking halaga.

Oportunidad na ito para kay Con dahil bukod sa walang trabaho ay passion niya ang gumuhit at pangarap na kilalanin sa gano’ng larangan. Ngunit mayroon siyang pag-aalinlangan dahil hindi niya gusto ang paraan na inaalok ni Dom.

Tatanggapin niya pa rin ba ito kahit taliwas sa inaasahan niyang paraan para maipakita ang kanyang talento?

This is a story of passion, dreams, and love.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 “Sh*t! Saan ba ako pupunta?” inis kong tanong sa sarili ko habang tumatakbo. Kahit saan, huwag lang nila ako maabutan. Lumingon ako sa likuran. Nanlaki ang mga mata ko nang makita na parami nang parami ang mga lalaking humahabol sa akin. Ano na’ng gagawin ko? Pumasok ako sa eskinita at nagpasikot-sikot sa bawat daan. Nang mapansin kong wala nang sumusunod sa akin ay agad akong huminto para magpahinga muna. Hindi ako puwedeng umuwi dahil siguradong nakabantay ang iba sa bahay. Malakas akong napasipa sa lupa nang mapansin na wala nang ibang daanan. “F*ck!” Lumingon ako sa daan. Tumindi ang kaba ko nang makitang naglilibot sila sa buong paligid. “Sh*t naman! Ano nang gagawin ko?” Napansin ko na papalapit na sila sa aking direksyon. Lagot na! Sumandal ako sa pader para hindi nila makita. “F*ck, Con, sa tingin mo makapagtatago ka talaga sa ganito?” bulong ko. Napatingin ako sa isang lalaking chill na dumaan sa harapan. F*ck! Wala na akong ibang choice. Agad kong hinawakan ang braso ng lalaki at hinila papunta sa akin. Sh*t! Mukhang mapapasubo ako. Napalingon ako sa direksyon ng mga lalaki na humahabol sa akin. Ngayon ay papunta na sila sa direksyon ko. “Bakit mo ako–” bigla kong siyang hinalikan at niyakap. Siguradong kahihiyan itong ginawa ko pero ito lang ang naisip kong paraan para makapagtago. Nagulat siya sa ginawa ko pero mas nabigla ako nang agad siyang nag-respond. Niyakap niya ako nang mahigpit at diniin ang pagkakahalik. Hala! Ang galing niya! Sinilip ko ng tingin ang mga lalaki, nakalagpas na sila ngayon. Nang tuluyan na silang nakaalis ay agad kong tinulak ang lalaki. Nagulat siya sa ginawa ko. Binigyan ko siya ng masamang tingin at akmang aalis na pero agad niyang hinawakan ang braso ko. “Pagkatapos mo akong halikan, aalis ka na lang ng ganyan? Panindigan mo ‘ko.” Kunot-noo ko siyang tiningnan nang marinig ang sinabi niya. Lumingon siya sa direksyon kung nasaan ang mga lalaki kanina. Binalik niya ang tingin sa ‘kin. “Mukhang may tinataguan ka, magnanakaw ka, ‘no?” tanong niya. Sinubukan kong alisin ang aking braso sa pagkakahawak niya pero ang higpit nito. “Hindi ako magnanakaw! Kaya bitawan mo na ‘ko!” sigaw ko habang nagpumiglas. “Hindi raw magnanakaw, ninakawan mo nga ako ng halik,” nakataas-kilay na sabi niya. Napansin ko na tumingin siya sa ‘king dibdib. Mabilis ko itong tinakpan at tiningnan siya ng masama. “Babae ka ba?” nakakunot-noong tanong niya. Aba! Bastos ‘to, ah! “Pervert!” sigaw ko. Sasapakin ko na sana siya pero agad niyang hinarang ang kanyang kamay sa kamao ko. “Manyak!” Lumingon siya sa daan. Aalisin ko sana ang kamay niya at pipilipitin pero nilapit niya ang kanyang mukha sa tainga ko. “Bumalik ang mga humahabol sa ‘yo” bulong niya. Gulat akong lumingon sa daan. Mas nanlaki ang mga mata ko nang makitang papunta sila sa direksyon namin. “F*ck,” mahina kong mura habang nag-iisip ng paraan para makatakas. Hindi na ako puwedeng tumakbo. Bahala na! Inis akong tumingin sa bastos na lalaki. “Isama mo ako kung saan ka pupunta,” sabi ko at humawak sa kanyang braso. Napangiti naman siya. “Sure. Okay lang ba kung sa bahay? Para maipakilala kita sa kama ko,” nakangisi niyang sagot sabay kindat. Umismid ako at pasimpleng kinurot ang braso niya. “Ara–” dadaing pa sana siya pero hinila ko na siya paalis. Nang tuluyan na kaming makalayo ay agad ko siyang siniko. “Aray! Bakit mo ginawa ‘yon?” daing niya habang nakahawak sa kanyang tagiliran. Hindi na ako nagsalita pa. Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad paalis. “Wait!” Napahinto ako. “I haven’t introduced you to my bed, yet. Tapos iiwanan mo na agad ako” aniya. Hindi ko na lang siya pinansin at tumuloy na sa pag-alis. Komportable na akong naglalakad sa gilid ng kalsada. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero alam kong ligtas na ako, sa ngayon. Malalim akong napabuntonghininga. “Hey! Bakit ang tahimik mo?” Halos mapatalon ako sa sobrang gulat nang may magsalita sa likuran ko. Lumingon ako roon, bumungad ang mukha ng lalaking bastos na nakangiti sa ‘kin. “B-bakit?” nauutal kong tanong. Inakbayan niya ulit ako. “Gusto mo pala sa Hotel, bakit hindi mo agad sinabi? Pinasunod mo pa ‘ko,” sabi niya at hinila ako sa paglalakad. “Ano ba’ng ginagawa mo? Bakit mo ba ako sinusundan?” naiiritang tanong ko sa kanya. “Curious lang ako kung bakit ka hinahabol ng mga pangit na lalaking ‘yon?” “None of your business kaya layuan mo na ‘ko!” pagtataboy ko. “Makapagsabi ng none of your business, parang hindi ako chinansingan kanina,” nakangising sagot niya. Arg! Napipikon na talaga ako sa lalaking ‘to! “Hmm, sige. Magkuwentuhan tayo, ako ang magsisimula para maging komportable ka sa ‘kin.” Nakakairita na nga ang boses, napakadaldal pa. Wala bang pinagkakaabalahan ang lalaking ‘to sa buhay kaya ako ang ginugulo niya? “Ano ba ang ikukuwento ko? Gusto ko sanang mag-joke pero baka pagtawanan mo lang ako,” aniya. Napairap na lang ako sa hangin. Malala na siya. “Ah! Alam ko na! Pero hindi puwede.” As if namang may pakialam ako. “Ikukuwento ko sana ang tungkol sa Junior ko pero masyadong mahaba.” Huminto ako at agad na pinilipit ang kamay niya. “Bastos!” “A-aray naman!” daing niya. Inambahan ko siya ng suntok pero natigil ako nang makita ulit ang mga lalaki na papunta sa direksyon namin. Sh*t! Agad kong binitawan ang kamay niya saka siya niyakap para makapagtago. “Akala ko ba–” Tiningnan ko siya ng masama. “O . . . kay.” Kumalas siya at inakbayan ako. “Babe, alis na tayo,” nakangiti kong sabi sabay lingon sa mga lalaking naghahanap sa akin. “Babe? Kailan?” nagtataka niyang tanong pero sinagot ko siya ng masamang tingin. “Ang baduy naman. But sure, Babe. Habang hindi pa tayo nakakarating, kakantahan muna kita para hindi ka ma-bored, pagpasensyahan mo na kung pangit ang boses ko pero gagandahan ko ‘to para sa ‘yo,” pagdadaldal niya habang naglalakad na kami palayo. Kailangang kalmado lang kahit naiirita na ako sa kanya para hindi kami mapaghalataan. “Okay, sisimulan ko na, para sa ‘yo ito kaya makinig ka.” He cleared his throat. “Malaki ang titik O, titik O, titik O, malaki ang titik O, sukatin mo ‘to.” Nagulat ako nang kumanta siya. Bukod sa ang bastos ng kanta, ang pangit pa ng boses niya. “Teka? Si Con ba ‘yon?” Nakaramdam ako ng kaba nang marinig ang boses ng lalaking tinatakbuhan ko. “Sir, mawalang galang na.” Napahinto ang bastos na lalaki. Tinapat niya ang kanyang mukha sa tainga ko at bumulong. “Itago mo ang mukha mo,” malamig niyang sabi. Niyakap niya ako gamit ang kanang braso niya at humarap sa mga lalaki. Sumubsob lang ako sa kilikili niya para maitago ang mukha ko. Infairness ang bango. Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. “Sir, sino ang kasama n’yo?” Narinig kong boses ni Mr. Zamora. ‘Yong lalaking inutangan ko at tinataguan. “Girlfriend ko,” tipid na sagot ng bastos na lalaki. “Bakit mo tinatago?” “Dahil ayokong may ibang tumitingin sa kanya. Alam mo ba ang nangyayari sa mga lalaking tumitingin sa girlfriend ko?” Nananakot na tono ng kanyang boses. “Nagiging panda lang naman ang mukha, kaya kung ayaw n’yong maging panda umalis na kayo,” pagbabanta niya sa mga lalaki. Hindi ko inaasahan na magiging seryoso at nakakatakot ang lalaking ‘to. “Sorry, Sir, sige aalis na kami. Sorry sa abala.” “Dapat lang.” Tinalikuran na namin ang mga lalaki. “Let’s go, Babe, guguluhin pa natin ang kama,” wika niya. Naglakad na kami palayo sa kanila. Hindi ko nakikita ang daan kung saan kami pupunta kaya sumusunod na lang sa bawat hakbang niya. Napansin ko na sa isang masikip na eskinita kami nakarating. Nang naramdaman ko na wala na talaga sila ay nakahinga na ako ng maluwag. Kailangan ko nang umalis. Bumitaw na ako sa lalaki. “Salamat.” Tumingin ako sa kanya. Nagulat ako nang makita ang seryoso niyang hitsura, nakakatakot siya. Bigla niya akong sinandal sa pader at hinarangan ng magkabilang kamay niya. Ano’ng ibig sabihin nito? “A-ano’ng gagawin mo?” kinakabahan kong tanong. “We will make love.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Marahas niyang hinawakan ang magbilang kamay ko at dinikit sa pader. Mas ikinagulat ko pa nang idikit niya ang kanyang mukha sa ‘kin. Hindi maganda ‘to. Rape!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.7K
bc

His Obsession

read
72.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
90.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook