Story By LICueto
author-avatar

LICueto

ABOUTquote
Life is not daijoubu but it’s kimochi. I love watching anime, reading books, and playing online games. Please visit Wowlicueto Dreame on Facebook for more updates.
bc
Maid For The Montero Siblings
Updated at Jan 13, 2024, 15:51
Dahil sa malaking sahod, hindi na tinanggihan ni Aina ang alok na magtrabaho sa mansyon ng mga Montero. Ngunit laking gulat niya nang bumungad agad ang malalang gulo at kalat sa unang araw pa lang ng kanyang pagpasok. Mula sa anim na magkakamukhang lalaki na may malaking pagkakaiba ng personalidad. Makakayanan niya kayang tumagal kasama ang nagguguwapuhan pero magugulong Montero Siblings?
like
bc
Kaizen Academy 1: Waiz Catalinuhan
Updated at Aug 30, 2022, 22:46
Madalas mapag-trip-an si Waiz Catalinuhan dahil sa hina ng kanyang kokote. Palagi niyang hinihiling na maging matalino para irespeto kaya nagpupursige siyang mag-aral nang mabuti at mapatunayan ang sarili. Ngunit paulit-ulit pa rin siyang bumabagsak. Bago matapos ang huling taon bilang junior high school student ay bumisita sa kanilang paaralan ang mga tauhan ng kilalang school na Kaizen Academy. Nagpa-exam ang mga ito para mabigyan ng tsansa ang makakapasang estudyante na makapasok sa sikat na paaralan. Sa hindi inaasahang resulta, siya lang ang nag-iisang nakapasa. Napuno ng mga tanong ang isip ni Waiz ngunit mas nadagdagan pa ito nang nakapasok na siya sa loob ng Kaizen Academy. Nagulantang siya nang malaman na matatalino ang kanyang magiging mga kaklase at may natatanging kakayahan na hindi nagagawa ng isang normal na tao.
like
bc
His Naughty Ways
Updated at Jan 27, 2022, 00:03
Desperado na si Con na kumita ng pera dahil sa patong-patong na utang ngunit tanging pagguhit lang ang kaya niyang gawin. Hanggang sa hindi inaasahang nagtagpo ang kanilang landas ni Dom, isang hot writer na mahilig sa adult manga. Inalok siya nito na maging private illustrator sa gagawing adult manga kapalit ng malaking halaga. Oportunidad na ito para kay Con dahil bukod sa walang trabaho ay passion niya ang gumuhit at pangarap na kilalanin sa gano’ng larangan. Ngunit mayroon siyang pag-aalinlangan dahil hindi niya gusto ang paraan na inaalok ni Dom. Tatanggapin niya pa rin ba ito kahit taliwas sa inaasahan niyang paraan para maipakita ang kanyang talento? This is a story of passion, dreams, and love.
like
bc
Vampire Series 3: Wyatt Delacroix
Updated at Dec 26, 2021, 21:48
Hindi malilimutan ni Fleur Sebastian ang mabuting bampirang nagligtas sa kanyang buhay noong siya ay sampung taong gulang pa lamang. Dahil doon ay nahilig siya sa pananaliksik ng impormasyon tungkol sa mga bampira. Sa kanyang paghahanap ay nakilala niya ang wirdong si Iris Dela Vega na pinaghihilaang mangkukulam. Sinabi sa kanya nito ang tungkol sa alamat na Crescent University, ang paaralan ng mga bampira. Dahil sa kuryosidad at pagnanasa na makita ang bampirang nagligtas sa kanya ay hindi na siya nagdalawang-isip na hanapin ang nasabing unibersidad. Nagtagumpay si Fleur nang makita ang paaralan at ang lalaki. Ngunit laking gulat niya nang malaman na hindi ito ang kanyang hinahanap. Napag-alaman niya na matagal nang patay ang bampira at si Wyatt Delacroix na kakambal nito ang nakilala niya. Ibang-iba rin ang katangian nito, masama at walang pusong halimaw na may malaking galit sa mga tao. Ilalapit niya pa rin ba ang sarili kay Wyatt kahit malaking kapahamakan ang naghihintay sa kanya?
like
bc
The Mischievous President
Updated at Nov 3, 2021, 04:51
Paano ba maging isang magaling na leader? Si Reina Cabales ay isang responsableng class president sa kanilang section, pero wala na siyang balak pang magkaroon ng mas mataas na posisyon para mamuno sa kanilang school. Ngunit nagbago ang kanyang pananaw nang alukin siya ng campus crush na si Harry Vasquez para tumakbo bilang vice president nito. Sa pag-aakalang doon magsisimula ang love story nila ni Harry, tumakbo siya bilang vice president at pinalad na manalo sa eleksyon. Ngunit ang pangarap niyang makasama ito bilang president ng Student Government Organization ay nagunaw nang lumabas ang resulta ng botohan. Sa dinami-rami ng mananalong kandidato, si Uno Sebastian pa na mas tamang tawaging ‘panggulo’ dahil sa mga kalokohan nito ang nanalong pangulo ng SGO. Ang inaakalang magandang panaginip ni Reina ay bigla na lang naging napakasamang bangungot. Sa paghahanap ng paraan para mapatalsik si Uno sa posisyon, hindi inaasahan ni Reina ang katotohanang mahahanap sa bawat kakulitan ng bagong presidente ng SGO. Masasabi kaya niya ang katagang ‘Don’t judge the book by its cover,’ kapag nalaman na niya ang tunay na mukha sa likod ng makulit na pagkatao ni Uno?
like