bc

Vampire Series 3: Wyatt Delacroix

book_age16+
825
FOLLOW
2.7K
READ
goodgirl
powerful
bxg
icy
realistic earth
superpower
special ability
like
intro-logo
Blurb

Hindi malilimutan ni Fleur Sebastian ang mabuting bampirang nagligtas sa kanyang buhay noong siya ay sampung taong gulang pa lamang. Dahil doon ay nahilig siya sa pananaliksik ng impormasyon tungkol sa mga bampira.

Sa kanyang paghahanap ay nakilala niya ang wirdong si Iris Dela Vega na pinaghihilaang mangkukulam. Sinabi sa kanya nito ang tungkol sa alamat na Crescent University, ang paaralan ng mga bampira.

Dahil sa kuryosidad at pagnanasa na makita ang bampirang nagligtas sa kanya ay hindi na siya nagdalawang-isip na hanapin ang nasabing unibersidad.

Nagtagumpay si Fleur nang makita ang paaralan at ang lalaki. Ngunit laking gulat niya nang malaman na hindi ito ang kanyang hinahanap.

Napag-alaman niya na matagal nang patay ang bampira at si Wyatt Delacroix na kakambal nito ang nakilala niya. Ibang-iba rin ang katangian nito, masama at walang pusong halimaw na may malaking galit sa mga tao.

Ilalapit niya pa rin ba ang sarili kay Wyatt kahit malaking kapahamakan ang naghihintay sa kanya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 WALONG TAON mula nang maligaw ako sa gubat. Aksidente akong nahulog sa bangin. Katapusan ko na noong mga oras na ‘yon pero may isang hindi maipaliwanag na nilalang ang biglang sumulpot at nagligtas sa ‘kin. Kasing-liwanag ng buwan ang kulay puti niyang buhok. Pulang-pula ang iris ng mga mata niya. Mayroon siyang dalawang matatalim na pangil. Maputla at malamig ang kanyang buong katawan. Isa siyang bampira. “Fleur, kumain ka kaya muna! Tigilan mo muna ang pakikipagharutan sa chat, sa umpisa lang ‘yan masaya!” Natatawa akong tumingin kay Rina. Pinagtaasan niya ako ng kilay at sumenyas na galawin ko na ang pagkain ko. Ayaw na ayaw talaga niyang pinaghihintay ang pagkain. “Sira! May binabasa lang ako,” sagot ko at nilapag na ang phone sa mesa. “Let me guess kung anong binabasa mo. About vampire ‘yan, right?” siguradong saad ni Bruno habang nakapatong ang baba sa dalawang kamay niya na magkasaklob. Ngumiti ako ng malapad at nagtaas-baba ng kilay bilang tugon. “Marami na akong nakitang proof na nag-e-exist talaga ang mga bampira. May kutob ako na malapit ko nang mahanap ang bampirang kinukuwento ko sa inyo,” natutuwang sagot ko. Dahan-dahan siyang napatango at ngumiti ng pilit. “Ow, nice ‘yan,” nag-aalangang sabi niya. Sanay na ako sa respond ni Bruno. Hindi siya naniniwala sa supernatural creatures pero sinusuportahan niya ang mga sinasabi at ginagawa ko tungkol sa mga bampira. “And speaking of vampire,” sabi ni Rina habang nagpipigil ng tawa. Lumingon kami sa direksyon nang tinitingnan niya. Bahagya akong napangiwi nang makita ang pamilyar na lalaking may kulay puting buhok. Puno ng puting foundation ang katawan niya na mukha nang naglalakad na bangkay at pulang-pula ang mga mata na parang nalulong sa masamang bisyo. “Mukhang hindi mo na kailangang hanapin, Fleur. Dumating na ang bampira ng buhay mo!” panunukso ni Bruno sa ‘kin kasabay ng masiglang pagturo ng kamay niya sa direksyon ni Max. Ngumiti ako ng peke at pinanlakihan siya ng mata para tumigil na pero mukhang sasamantalahin niya pa. “Kumusta, Fleur?” tanong ni Max at malapad na ngumiti para ipakita ang mga pangil kuno niya. Umatras palayo sina Rina at Bruno habang palihim na nagtatawanan para mas lalo pa akong asarin. Umirap na lang ako sa hangin at binalik ang tingin kay Max. “How do I look?” preskong tanong niya sabay pagpapakita na naman ng dalawang pekeng pangil. Napangiwi na lang ako habang tinitingnan siya. “Mukha na ba akong vam–” “Tanga, Max. Mukha kang tanga!” pabirong dugtong ni Bruno. Napayuko naman ako at bahagyang natawa. Bentan-benta talaga sa akin ang mga banat niya. Huminga ako ng malalim at tumingin ulit sa kanila. “Para kang bangkay! Bagong pakulo na naman ba ‘yan para mapansin ni Fleur?” tanong ni Rina at napataas ng isang kilay. “Well, magmumukha talaga akong bangkay dahil matagal na akong patay na patay sa kanya,” buong kumpiyansang banat ni Max. Tumayo ang mga balahibo ko nang kinorte niya ang dalawang kamay ng hugis-puso at tinapat ito sa kanyang dibdib sabay kindat sa ‘kin. Tiningnan ko naman siya ng may halong pandidiri. “Bakit ba ganyan ang hitsura mo?” kunot-noong tanong ko. “Sinabi sa ‘kin ng mga kaibigan mo na mahilig ka sa vampires. So nagpakabampira ako, baka sakaling magustuhan mo rin,” sagot niya sabay taas-baba ng dalawang kilay. Tumingin ako kina Rina at Bruno. Agad silang lumingon sa magkabilang direksyon at nagpatay-malisya. Napailing na lang ako sa ginagawa nila at binaling ang tingin sa ibang direksyon. Napakunot ako ng noo nang makita ang isang babae na mukhang pinagti-trip-an sa counter. “So, Fleur, nagustuhan mo ba? Maaari mo na bang tanggapin ang aking imortal na pag-ibig para sa ‘yo?” Hindi ko pinansin si Max at nanatiling nakatitig sa babae. Mas kumulo pa ang dugo ko nang sinadya siyang tisurin ng isang lalaki kaya nasubsob siya sa sahig at tumilapon ang pagkain niya. “Mangkukulam na lampa!” Mariin akong napakuyom ng kamao nang makitang pinagtatawanan pa siya ng mga estudyanteng nakapaligid, imbis na tulungan. Tatayo sana ako para tumulong pero naramdaman ko agad ang kamay ni Rina na humawak sa ‘kin. “Hayaan mo na sila,” sabi niya. “Ay, Sis! Tulungan mo na ang lahat except diyan sa weird girl. Usap-usapan dito na totoo talaga siyang mangkukulam,” kuwento ni Bruno. “Akala ko ba, hindi ka naniniwala sa supernatural?” nagtatakang tanong ko. “Basta! May something creepy sa girl na ‘yan kaya I’m warning you na ‘wag mo nang ituloy,” sagot niya sabay wagayway ng hintuturo. Napabuntong-hininga ako at tumingin ulit sa direksyon ng babae. Naaawa ako sa kanya. Ngumiti ako kay Rina. “May bibilhin lang ako,” sagot ko at marahang tinanggal ang kamay niya sa bisig ko. “Masyado ka talagang mabait, Fleur,” sabi niya na may halong pagkadismaya. “Ano ba? ‘Di na tayo nasanay, Rina,” sabat naman ni Bruno. Natawa na lang ako sa kanila at napailing. “Sorry talaga.” Tumayo na ako at naglakad na papunta sa counter. Huminto ako sa harap ng babae. Nakangiti kong nilahad ang kamay ko sa kanya. Inangat niya ang tingin sa akin. Bakas sa mukha niya ang gulat habang tinititigan ako. “H’wag mo siyang tulungan. Isa siyang freak,” rinig kong sabi ng lalaking tumisod sa kanya. “Oo nga!” pagkantyaw ng ilang estudyanteng nakapaligid sa ‘min. “Kung mayroon mang freak dito, kayo ‘yon. Wala siyang ginagawang masama sa inyo pero ganito kayo sa kanya,” sagot ko. Nagkaroon ng katahimikan sa buong paligid. Hinihintay kong may magsalita pero wala nang nagtangka pa. Binalik ko ang tingin sa babae. “Halika na,” mahinahong sabi ko sa kanya. “S-salamat.” Nahihiyang niyang kinuha ang kamay ko at yumuko. Dahan-dahan ko siyang tinayo. “Fleur, tara na!” Napalingon ako sa direksyon ng tumawag. Nakaabang na pala sina Rina at Bruno sa akin bitbit ang gamit ko. Tinuro ni Bruno ang wristwatch niya at sumenyas na male-late na kami habang si Rina ay hindi maalis ang tingin sa babae na parang kinikilatis ito. “Naku! Oo nga pala, kay Sir Terror pala ang next class namin!” natatarantang sabi ko. “Salamat ulit,” sabi ng babae. Nakangiti akong tumango sa kanya bilang tugon bago tuluyang umalis.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
127.0K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.4K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.9K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
40.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
90.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook