Chapter 2

1160 Words
Chapter 2 NAKANGITI kong pinagmamasdan ang larawan ng bampirang ginuhit ko. Malinaw pa rin sa isip ko ang kanyang mukha kahit ilang taon na ang lumipas mula nang una at huling beses ko siyang nakita. “Wow! Ang guwapo naman niyan!” manghang sabi ni Rina at pinagkumpara ang gawa namin. “Tingnan mo ‘yung final project ko sa Con Arts, bihira ka lang makakahanap ng isang professional stick man artist,” buong pagmamalaki niyang sabi. Sinenyasan ko siya na hinaan ang boses at sinilip ng tingin ang subject teacher namin. Pangalawa pa naman siya sa listahan ng mga terror teacher. Tumingin ulit ako sa ginuhit niya. “Maganda pa rin tulad ng artist,” mahinang sagot ko. “Well, ako pa ba? Anyways, sino ba ‘yang drinawing mo?” tanong niya. Nakangiti kong binalik ang tingin sa larawan. “He’s the vampire who saved my life.” Makalipas ang ilang oras na nilaan namin sa pagguhit ay natapos na rin ang klase. Nag-aya si Rina na kumain at agad lumabas ng room. “Guys, bilisan n‘yo! Nagwawala na ang halimaw sa tiyan ko!” Natatawa kaming sumunod ni Bruno. Habang naglalakad ay napansin kong nakatingin siya sa transparent envelope na hawak ko. Mukhang tinitingnan niya ang drawing sa loob. “Sana lahat, pinagpala sa ganda at talent! Ikaw na talaga, Fleur,” sabi niya at umakto na may pinatong na korona sa ulo ko habang naglalakad. “Sira!” sagot ko at bahagyang natawa. “Sino ‘yang ginuhit mo? Boyfriend mo? And bakit may pang–okay, isang vampire,” siya na rin ang sumagot sa tanong niya. “Yup,” nakangiting sabi ko. “Baka next time, mag-act-like-a-vampire ka na rin tapos sipsipin mo na ang mga dugo namin,” biro ni Rina at umakto na kinikilabutan. “Well, guys, hindi ‘yan mangyayari. Don’t worry,” sabi ko sabay iling. “Ewan ko ba sa ‘yo, girl. Masyado kang maganda para ma-obsessed sa mythical monsters,” sabat ni Bruno sabay flip ng kanyang invisible hair. “Beautiful monsters,” pagtatama ko. “Monsters are monsters,” sagot niya. “By the way, Fleur.” Tumingin ako kay Rina. “Curious lang ako, ‘di ba sinasabi mo na may vampire na nagligtas sa ‘yo sa gubat noong bata ka?” tanong niya. Nakangiti akong tumango bilang tugon. “Bakit ka pala nasa gubat noong mga oras na ‘yon?” Tipid ko siyang nginitian at tinutok ang atensyon sa daan. “Niligaw ako ng mga tinuturing kong kaibigan sa gubat noong nag-camping trip kami sa Cavite.” Natigil sila nang marinig ang sinabi ko. “Habang hinahanap ko ang daan pabalik, hindi ko namamalayang bangin na pala ang tapakan ko. Doon na siya nagpakita,” dagdag ko. Napahinto ako nang makita ang pamilyar na babaeng mag-isang nakaupo sa ilalim ng puno habang kumakain. Siya ‘yung babaeng binu-bully sa counter noong nakaraan. “Bakit, Fleur?” tanong ni Bruno. “Wait lang,” sabi ko at pinuntahan ito. Napansin ko ang gulat sa mukha niya nang makita ako. Nginitian ko naman siya agad. “Kumusta?” tanong ko. Napatingin siya sa envelope ko. Napakunot ako ng noo nang mapansin ang gulat na reaksyon niya habang pinagmamasdan ito. “S-sino ‘yang ginuhit mo?” nauutal na tanong niya. Tinaas ko ito at pinagmasdan ang larawan. Binalik ko ang tingin sa kanya. “Well, actually, naniniwala ka ba sa vampires?” Nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang tanong ko. Mukhang nawirduhan siya. Iniisip niya na rin sigurong matanda na ako para magpaniwala pa sa mga gano’ng klaseng nilalang. Sabagay, hindi ko rin siya masisisi. Nasa makabagong panahon na kami kaya inaasahan ko na ang ganyang reaksyon niya. “Mukha na ba akong weird?” tanong ko. “Don’t worry, alam kong hindi pa ako nasisiraan ng bait.” Bakas pa rin sa mukha niya ang gulat habang nakatingin sa akin. “Sige, pupuntahan ko na ang mga kaibigan ko,” paalam ko at ngumiti sa kanya. “Sandali!” Nagtataka ko siyang tiningnan. “Kilala ko siya . . . isa siya sa kambal,” sabi niya. “Huh?” naguguluhang tugon ko. “Pero isa siyang bampira,” dagdag ko. “Magkita tayo sa likod ng school mamaya, may ipapakita ako sa ‘yo,” seryosong saad niya. Hinintay ko siyang ngumiti at sabihing joke lang ang sinabi niya at sinasakyan niya lang ang trip ko para hindi ako mapahiya pero nanatiling seryoso ang kanyang mukha. Kahit naguguluhan at napuno ng mga tanong ang isip ko ay dahan-dahan na lang akong napatango bilang tugon. “Nga pala,” sabi ko. “Ako si Fleur, ikaw?” Nilahad ko ang aking kamay sa tapat niya. Tiningnan niya muna ito at inangat ang tingin sa akin. “Ako si Iris, aasahan kita mamaya,” sagot niya. Napangiti ako nang kinuha niya ito at nakipagkamay. NAKANGIWI kong tiningnan ang history book na hawak ko. Matamlay akong sumandal sa upuan at bahagyang napadausdos. “Ayusin mo nga ang upo mo, Fleur,” sita ni Rina rito sa library. “Naiinip na ako, maghahanap ulit ako ng book,” walang ganang sabi ko. Tumayo na ako at pumunta ulit sa bookshelf. Tumingin-tingin ako sa bawat libro na nandito. “Nababasa ko pa lang ang title, inaantok na ako,” sabi ko sa sarili at naghanap ulit ng babasahin. “Hindi ka dumating,” halos atakihin ako sa puso nang sumulpot sa harap ko si Iris. “Bakit hindi ka pumunta?” tanong niya. “Sorry, nagkaroon kasi ng emergency,” nahihiyang sabi ko. Ang totoo, walang emergency na nangyari. Hindi lang ako pinayagan ng mga kaibigan ko na puntahan siya. Iniisip nila na baka totoong mangkukulam daw si Iris at gawan niya ako ng masama. Sumunod na lang ako kahit hindi ako naniniwala. “Sorry talaga.” Binalik ko ulit ang tingin sa mga libro at naghahanap ng babasahin. “Balita ko, naghahanap ka ng impormasyon tungkol sa mga bampira.” Agad akong napalingon sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang biglang maging pula ang bilog ng mga mata niya. “P-paano–” putol na tanong ko dahil sa sobrang gulat. Mariin akong pumikit at dumilat ulit para tingnan ang mga mata niya, baka kasi namamalik-mata lang ako. Mas nanlaki pa ang mga mata ko nang makitang kulay pula pa rin ito. “Tabi,” bigla itong tumama sa bookshelf nang may babaeng bumangga mula sa likod niya. “Magdahan-dahan ka naman,” inis kong sabi nang dumaan ito sa gilid ko. “Ayaw niyang tumabi,” sagot naman nito. Tumingin ako kay Iris. Napansin kong bumalik na sa pagiging amber ang kulay ng mata niya. “Paano mo nagawa ‘yon?” Isa ka bang–” “No,” tipid niyang sagot. “Pero alam ko kung saan mo sila makikita. Interesado ka bang malaman?” seryosong tanong niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD