Chapter 2

1251 Words
Chapter 2 “Ra–” “Huwag kang sisigaw, mahahalata tayo.” Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang bumulong siya. Huh? Ano ba ang sinasabi niya? “Yakapin mo ‘ko,” utos niya. “Bakit ko gagawin ‘yon?” kunot-noong tanong ko. “May sumunod lang naman sa atin na higit sa sampung lalaki at ngayon ay pinaliligiran na tayo. Mukhang hindi nag-work ang palusot ko kanina,” sagot niya. Napalingon ako sa harap. Nanlaki ang mga mata ko nang makita na marami na sila kaysa kanina. “Yakapin mo na ‘ko.” Agad ko siyang niyakap. Kahit walang kasiguraduhan kung nililigtas ba ako nito o chinachansingan lang. “Ugh! Babe, ugh! Why so naughty? Dito mo pa talaga gusto. But gusto ko rin ‘yan. Ugh!” ungol niya habang hinahagod ang mga kamay niya sa likod ko. F*ck! Gustong-gusto ko na siyang saktan dahil sa ginagawa niya pero kailangan ko siya para makapagtago. Nanatili lang akong nakayakap hanggang sa tumigil na siya sa pagsasalita. Humarap siya sa mga lalaki pero natakpan niya pa rin ako. Matangkad siya, hindi siya mataba pero kaya niyang sakupin ang katawan ko. Sa kanya pa lang, makakapagtago na ako. “Bakit n’yo ba kami sinusundan? Kita n’yong may ginagawa kami ng girlfriend ko, umalis nga kayo!” galit na pagtataboy niya sa mga lalaki. “Sorry, Boss, pero kailangan talaga naming makita ang babaeng kasama mo,” sabi ng isa. “F*ck,” mahina kong mura habang nagtatago. “Ayoko nga!” sigaw niya sa mga lalaki. Napansin ko na parang na-freeze siya sa kanyang kinatatayuan at tumahimik ang paligid. Hindi na siya nagsalita pa. Ano nang nangyayari? “Ipapakita mo sa ‘min ang babae sa likod mo o babarilin kita?” Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. F*ck! Hindi puwede ‘to. Kasalanan ko ‘to. May madadamay pa nang dahil sa akin. “Con! Huwag ka nang magtago sa lalaking ‘yan kung ayaw mo siyang mamatay!” sigaw ni Mr. Zamora. F*ck! Ano na’ng gagawin ko? Malalim akong bumuntong-hininga. Mukhang wala na akong dapat gawin. Nahuli na ‘ko. Hindi ko na kailangang magtago. Lalabas na sana ako pero agad na hinawakan ng lalaki ang braso ko at tinulak para manatili sa likuran niya. “Hindi kita pababayaan.” Nagulat ako sa sinabi niya. Dahan-dahan akong napakunot-noo. Masyado siyang concern para sa isang estranghero na ninakawan ko ng halik. “Tumigil ka na. Mamamatay ka nang dahil sa ‘kin kaya palabasin mo na ako, hindi kita kilala kaya puwede ba? Alis na!” iritable kong sabi pero nanatili lang siyang nakahawak nang mahigpit sa braso ko. “Kung ayaw mong matapos agad ang buhay mo, boy, palabasin mo na siya,” rinig kong sabi mula sa harap. Lumuwag ang pagkakahawak niya sa braso ko kaya agad ko naman itong tinanggal. Lumabas ako mula sa likuran niya. Tumingin ako ng masama sa mga lalaki. Ngayon ay nakangiti na sila sa akin. “Sabi na kasi, Con, hindi mo kami matatakasan,” nakangising wika ni Mr. Zamora. Nanatili lang akong nakatingin ng masama sa kanila. Lalapit na sana ako pero hinawakan ulit ng bastos na lalaki ang kamay ko. Inis akong lumingon sa kanya. “Huwag kang sasama sa kanila.” Natigil ako nang makita ang ekspresyon ng kanyang mukha. Hindi naman kami magkakilala ng lalaking ‘to pero grabe siya kung mag-alala. “Sige, Con, huwag mo siyang iwan para sabay kayong mamamatay.” Sh*t! Tiningnan ko ng masama ang lalaki. “Tanga ka ba? Madadamay ka sa ginagawa mo!” sigaw ko sa kanya. Stress na nga ako sa mga lalaking humahabol sa ‘kin, dinadagdagan niya pa. Napabuntong-hininga lang siya at ngumiti. “Sandali.” Humarang ulit siya sa harap ko. Nasisiraan na talaga siya ng ulo. Jusko! Hindi niya ba naiintindihan na nasa delikadong sitwasyon siya? “Ano ba’ng atraso niya sa inyo?” tanong niya. “May utang siya sa amin, malaki, kaya mo bang bayaran?” nakangising saad ni Mr. Zamora. “How much?” Agad kong binalik ang tingin sa bastos na lalaki. “50,000.” Gulat akong lumingon kay Mr. Zamora. “Hoy! Hindi, ah!” pagtanggi ko. Malaki ang utang ko pero hindi aabot ng gano’n. Tumingin sa ‘kin ang bastos na lalaki. “Con, right? Ano’ng full name mo?” seryosong tanong niya. Huh? So magge-getting to know each other kami ngayon? “Conarea De Vera,” sagot ko. Ngumiti siya at tumango. “Nice name, Con. By the way I’m Dom, ang cute, ‘no? Con, Dom, ConDom,” pagbibiro niya. Ang galing! Nagsingit pa siya ng joke sa seryosong sitwasyon. Napalingon ako sa mga lalaki nang marinig ang mahina nilang tawa. Sumeryoso na ang kanilang mukha nang mapansing nakatingin ako. “So, Mr. Dom, paano? Babayaran mo ba ang utang ni Con?” nakangising tanong ni Mr. Zamora. Binalik ko ang tingin kay Dom. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at ngumiti. “Give me your bank account number.” Nanlalaking mata ko siyang tiningnan. Nilabas ni Dom ang kanyang phone at lumapit kay Mr. Zamora. Ilang minuto silang naging abala sa pagtingin ng screen ng bawat isa. Mukhang may transaction na magaganap. Napansin ko ang gulat na may halong saya sa reaksyon ni Mr. Zamora habang nakatingin sa kanyang phone. Nakipagkamay siya kay Dom pagkatapos ay nakangiting tumingin sa akin. “Sa uulitin, Con,” paalam niya. Nagsimula na siyang maglakad kasama ang kanyang grupo. Gulat akong tumingin kay Dom. Hindi ko inaasahan na mayaman pala siya. Hindi rin ako makapaniwala na nagbayad siya ng malaki para sa isang tao na ngayon niya lang nakilala. Pangalan ko nga lang ang tanging alam niya. “B-bakit mo ‘ko niligtas?” nauutal kong tanong. Nakangiti siyang lumapit sa ‘kin. “Bihira lang dumating sa buhay natin ang taong bigla na lang manghahatak at manghahalik kaya hindi dapat sayangin,” sagot niya. Nanatili akong nakatingin sa kanya. Hindi ko alam kung anong ire-react ko. Kanina, ginagawa niyang biro ang seryosong sitwasyon. Tapos ngayon, lumilinya siya na parang nasa isang romantic novel kami. Pero ang mahalaga na lang ngayon ay niligtas niya ako at dapat ko siyang pasalamatan. “Sal–” “Well, paano mo papalitan ang binayad ko?” nakangising tanong niya na nagpatigil sa ‘kin. Bigla akong kinabahan nang tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Bahagya akong lumayo at tinakpan ang katawan ko. Napalunok ako ng laway nang lumapit siya ulit. Kasabay ng bawat hakbang papunta sa ‘kin ang hakbang ko paatras. “Ano’ng kaya mong gawin para mabayaran ako?” Tumindi ang kaba ko nang mabangga ang likod ko sa pader. F*ck! Corner na ako. “Tell me, Con? Hindi sapat ang thank you sa halagang 50,000” Binaba niya ang kanyang tingin sa dibdib ko. “Sandali!” sigaw ko. Bahagya siyang lumayo nang nakataas ang dalawang kamay. Malalim muna akong huminga bago ituloy ang sasabihin. “I-I’m an artist, ido-drawing ko ang lahat ng gusto mong ipa-drawing kapalit ng halaga na binayad mo kay Mr. Zamora,” sagot ko. Napahawak siya sa kanyang baba at dahan-dahang tumango. Ilang segundo siya na natahimik na para bang may malalim na iniisip. “Sige,” tipid niyang sagot sabay ngiti. Nakahinga na ako ng maluwag, madali lang pala siyang kausap. “Iguhit mo ‘ko,” dugtong niya. Nakaramdam ako ng kaba nang makitang unti-unting naging ngisi ang kanyang ngiti. “Draw me without anything.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD