Chapter 12 NARAMDAMAN ko ang mainit niyang hininga na dinampi sa aking tainga. “You want more?” mapang-akit na bulong niya. Pagod na ako at medyo inaantok pero hindi pa ako nangangalahati sa pagtitingin-tingin ng mga adult manga. Binigay ito ni Dom para pag-aralan at magkaroon ako ng ideya kung paano iguguhit ang detalye ng bawat posisyon na inilalarawan sa kuwento. “No, ayos na ‘to,” sagot ko nang hindi siya nililingon. Hindi ko maiwasang mailang sa mga nakikita kong drawing pero kailangan ko lang tiisin. Hindi magtatagal ay masasanay rin ako. Nagawa ko ngang iguhit ang katawan ni Dom na walang suot. Natigil ako nang maalala ito at mariing napapikit para kalimutan pero mas lalo ko pang nakita sa isip. “F*ck, Con. Focus,” sabi ko sa sarili at sinubukan nang mag-drawing. Ilang

