Chapter 18 “You again, Mr. Dom,” nakangiting bati ni Mr. Zamora sa kanya. “One Million,” agad na wika ni Dom na nagpalaki ng mga mata ko. Tama ba ang narinig ko na One Million? “Dom,” tawag ko sa kanya. Hindi niya ako pinansin. Nanatili siyang seryoso habang nakatingin kina Mr. Zamora. “I’ll give you One Million para tigilan n’yo na si Con,” walang emosyong saad niya. Nagkaroon ng malapad na ngiti at ningning ang mga mata ni Mr. Zamora. “Sure, tumutupad ako sa usapan, Mr. Dom.” Hindi maganda ‘to. “Dom, masyadong malaki ang One Million,” pag-apela ko, pero hindi niya ito pinakinggan. Lumapit na si Dom kay Mr. Zamora, sinubukan ko siyang pigilan pero tinanggal niya lang ang kamay ko sa pagkakahawak at tumuloy na. “Dom, huwag kang magpauto kay Mr. Zamora,” inis kong saad. Nak

