Chapter 22 Buong araw akong nasa kuwarto. Nakararamdam na ako ng gutom pero ayokong lumabas. Nababalot pa rin ako ng hiya sa nangyari kanina. “F*ck! Ano ba naman kasing ginawa mo, Con?” dismayado kong tanong sa sarili. Dumapa ulit ako at tinakpan ang ulo ng unan. Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa o kaya biglang maglaho tulad ng bula. Napalingon ako sa pintuan nang may kumatok. Mariin kong tinakip sa tainga ko ang unan at nagkunwaring walang naririnig. Hindi ko kayang harapin ngayon si Dom dahil sa wala akong mukhang maihaharap sa kanya. “Con, you can go out now. Kanina pa sila umalis,” mahinahong tawag niya mula sa labas. “Let’s eat.” Naramdaman ko ang pagkulo ng aking tiyan nang marinig ang sinabi niya. Gusto ko na lumabas pero mayroon pa rin akong pag-aalinlangan, nahihi

