Matapos nilang mag-usap ni Lawrence ay tila nabawasan ang bigat sa kaniyang dibdib. Kahit papaano ay maluwag na tinanggap ni Lawrence ang halos dalawang taon nitong panliligaw sa kaniya. Nang ihatid siya nito ay muli ay nagpasalamat siya kay Lawrence sa pag-iintindi nito sa kaniyang sitwasyon. "Wala iyon. Sana ay maging masaya kayo ng pinsan ko. Sige, hindi na ako magtatagal." Anito saka kumaway ito. Nakatingin lang siya habang pasakay ito sasakyan nito at nang umusad na ito ay nagpasya na siyang pumasok. Isasara na niya ang gate ng biglang may tumigil na sasakyan. Napatigil siya ng makitang si Terrence iyon na may hawak pang bulaklak. "Terrence," wika sa kabiglaan sa biglaang pagsulpot nito. "Anong ginagawa mo rito." Aniya sabay sulyap sa papalayong sasaky