"Daddy," ang tinig ng anak habang yakap yakap ito at umiiyak. "Sorry daddy.." "Shhhhh. Dapat si daddy ang mag-sorry sa'yo dahil hindi kita naalagahan pero huwag kang mag-alala ngayong nandito na si daddy ay babawi ako." Turan sa anak. Tumingin siya kay Grace na kitang umiiyak din habang nakamasid sa kanilang mag-ama. Ibayong kaligayahan ang nararamdaman ni Grace sa sandaling iyon dahil sa nakikitang senaryo. Hindi niya aakalaing sa pagpapanggap niyang iyon ay matatagpuan ang ama ng kaniyang anak. "Daddy, ibig bang sabihin. Dito ka na rin titira para sama-sama na tayo," maang na tanong ng anak. Napansin ni Grace na muling lumingon si Terrence sa kaniya sa tanong ng anak kaya lumapit siya sa mga ito. "Anak, hayaan na muna natin ang daddy mo," aw