Chapter 1

1671 Words
"Ladies and Gentlemen, welcome to Ninoy Aquino International Airport. Local time is nine-thirty in the morning, and the temperature is at 37 degree celsius. For your safety and comfort, please remain seated with your seat belt fastened until the Captain turns off the Fasten Seat Belt sign. This will indicate that we have parked at the gate and that it is safe for you to move about. Please check around your seat for any personal belongings you may have brought on board with you and please use caution when opening the overhead bins, as heavy articles may have shifted around during the flight. If you require deplaning assistance, please remain in your sear until all other passenger have deplaned. One of our crew members will then be pleased to assist you. On behalf of the Philippine Airlines and the entire crew, I'd like to thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you on boars again in the near future. Have a nice stay!" Bumuntong-hininga si Fauleen at saka niyakap ang kanyang malaking totebag. Tumingin siya sa labas ng bintana. 'It's been so long, huh.' Nang makapag-park na ang eroplano at kinalas na niya ang seat belt. Huminga siya nang malalim saka tumayo at pumila sa mga pasaherong palabas. Kinuha muna niya ang isang malaki niyang luggage bago pumila sa immigration. Medyo mahaba ang pila kaya natagalan siya. Pagkatapos na pagkatapos sa immigration ay bumili siya ng local sim para ma-text ang kanyang tita. To: Tita Ave Tita, this is Fauleen. I arrived already. Bumuntong -hininga siya. Ilang segundo pa ay nag-reply na ito. From: Tita Ave Nasaan ka? Susunduin ka ng SUV natin. Tiningnan niya ang signboard ng gate niya tapos ay nag-reply. To: Tita Ave Gate 3 Ilang minuto siyang naghintay roon hanggang sa may lalakong lumapit sa kanya dala dala ang isang bondpaper na may sulat ng kanyang pangalan. 'Maria Fauleen Vargaz' She's guessing that he is their family driver. "Akin na po, ma'am," anito at kinuha ang bag niya. Binigay niya ito tapos ay nauna siyang pumasok sa sasakyan. Sumandal siya sa likod ng upuan saka isinaksak ang kanyang airpods sa magkabilang tenga. Bumuntong-hininga siya at pinanatili ang tingin sa labas ng sasakyan. 'Polluted pa rin pala ang Manila.' Umiling siya at hinubad ang suot na sweatshirt. Nilakasan niya ang aircon. Kahit naka sleeveless ba crop top siya, init na init pa rin siya. Ibang iba sa New York. Sandali siyang natigilan at bumuntong-hininga. Tiningnan niya ang cellphone. Hindi niya alam kung anong mararamdaman ngayon. She feels numb actually. She badly want to stay in New York, but then her father needs her. Hindi niya pa talaga alam ang buong pangyayari pero noong tinawag ng tita niya sa kanya ay bigla siyang kinabahan. She asked for details, but her tita told her that she will only know once she come home. It's about her dad, her family. She feels that something is not right kaya naman agad siyang pumayag sa gusto ng kanyang tita. She may have been not that close with her family, but she cannot take away the fact that family will always matter. Isa pa, wala na ang mommy niya. Tanging daddy niya na lang at ang mga iba niyang kapatid , kahit na hindi naman sila close, ang nasa kanya. Ilang araw mula noong tawag ng kanyang tita ay pinadala agad nito ang ticket sa kanya. Ni hindi siya nakapagtrabaho nang maayos sa pag-iisip kaya lumipad din agad siya pagkatanggap ng ticket. Takang taka at gulat na gulat si Blaire sa biglaan niyang pag-alis, pero sinabi niya namang magkukwento siya pagbalik. Sana nga lang maayos na nila agad ang problema ng pamilya at nang makabalik na rin siya agad sa New York. Tahimik siya buong biyahe nila papunta sa kanilang mansyon. Sobrang traffic ng kalsada kaya medyo magtatanghali na nang dumating siya sa bahay nila. Sinuyod niya ng tingin ang buong mansyon pagkababa ng SUV. Tahimik na ang buong bahay. Nakakapanibago. Bumuntong-hininga siya saka naglakad papunta sa main door ng mansyon. Agad na may sumalubong sa kanyang isang babaeng naka-uniform. "Ako na po ang bahala sa bag niyo, Ma'am Fauleen. Nasa sala po silang lahat." Bahagyang kumunot ang kanyang noo sa sinabi nito. 'Lahat? Lahat ng kamag-anak namin?' Ibinigay niya ang bag na dala sa katulong saka nagtungo sa living room nila. Hindi niya alam pero habang palapit siya ay parang mas bumibigat ang pakiramdam niya. Sandali siyang napatigil nang makita ang buong living room. Nandoon lahat ng kanyang pamilya. As in lahat ng mga kapatid ng kanyang ama pati na ang kanyang mga pinsan at ang dalawa niyang kapatid na minsan na lang umuwi sa kanila simula noong magkaroon ang mga ito ng sariling buhay. "Fauleen…" her father spoke. Everyone on the room then turned to her. She swallowed hard and slowly walked towards his dad. Ramdam na ramdam niya ang mga tingin ng kanyang mga kamag-anak, pero wala ni isa ang nagsalita. Ni welcome back ay hindi siya nakarinig. Bumuntong -hininga sita at humalik sa pisngi ng kanyang ama. "Hi…dad," she bowed her head. Hindi niya na maalala kung kelan ang huli niyang kita rito. Huminga siya nang malalim. "Have a seat first, Fauleen." Dinig niyang sambit ng kanyang Tita Ave. Nag-angat siya ng tingin at dahan dahang umupo sa pang-isahang upuan katabi ng ama. Kaharap na niya ang mga kamag-anak. Tumikhim siya at umayos ng upo. "A-Ano po bang nangyayari?" Hindi niya maintindihan pero parang biglang bumigat ang kanyang hininga habang tinatanong iyon. Nakita niyang nagtitinginan ang mga tito at tita niya. Ang Tita Ave niya ang nagsalita. "We're in big trouble, Fauleen. We need your help." Kumunot ang kanyang noo. "Tungkol po saan?" Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng Tito Arthur niya, ang bunsong kapatid ng daddy niya. "Bankcrupt na ang kompanya, Fauleen. Nabiktima ang daddy at tito mo sa isang investment scam. If we don't act on it, mawawala ang lahat sa atin," ani ng Tita Ave niya. Umawang ang kanyang labi sa narinig. Agad siyang napatingin sa ama pero nakayuko lang ito. Nang balingan niya ang mga kapatid ay nagsipag-iwas ito ng mga tingin. Ibinalik niya ang tingin sa kanyang Tita Ave. "You are our last chance, Fauleen…" her Tita Ave said. Mas nangunot ang kanyang noo. "Ha? Po? Paano? Bakit? D-Di ko po maintindihan…" takang sambit niya. Her Tito Arthur stood and went to him May ibinigay itong folder sa kanya. Huminga siya nang malalim at binuksan iyon. Sandali siyang natahimik at napatitig sa hawak niya. Isang iyong profile ng isang lalaki. Sa picture pa lang nito, halata ng isa itong businessman o di naman kaya ay taong may pinag-aralan. Naka-itim na suit kasi ito at seryosong seryoso ang mukha. 'Paano nila ito nakuha? At saka para saan ba ito?' Nag-angat siya ng tingin. "Sino to?" tanong niya at isa isang tiningnan ang kanyang mga kamag-anak. Ang lalaking pinsan na anak ng kanyang Tito Arthur ang sumagot. "That is our last hope. He is Lincoln Lagdameo, one of the youngest bachelor in the city. At the age of 22, he is able to conquer the real estate business. Before he acquired the position of being the CEO, hindi pa ganoon ka-establish ang real-estate business nila. It's successful, but not at the top of the line na maihahambing mo sa Legaspi Towers and Montijo Estates. Pero ngayong siya na ang may hawak ng kompanya nila, nagawa niyang makipagsabayan sa dalaqang leading ba Real Estate businesses. Fauleen, if we get him to merge with Vargaz Houses, we will be able to recover in no time. You need to marry him, Fauleen." Mabilis na nanlaki ang mga mata ni Fauleen. "Po?!" Hindi makapaniwalang tiningnan niya ang mga kamag-anak pati ang papa niya na hindi pa rin nagsasalita. "T-Teka naman po! Kasal? Kailangan ba talaga noon? S-Saka bakit ako? Teka, kuya…" Nilingon niya ang nakatatandang kapatid para humingi ng tulong pero bumuntong-hininga lang ito. "Listen, Fauleen…" her Tito Arthur begin. She turned to him. "Pag-nag-merge ang kompanya natin, hindi lang tayo makakaahon sa utang. Madadala pa natin ang impluwensyang taglay ng Lagdameo Estates. That would mean double profit for us! Hinding hindi na tayo malulugi! Masasalba na natin ang kompanyang pinaghirapan pa ng mga lolo ninyo!" Nakagat niya ang labi. Bumibigat na ang kanyang paghinga. "Pero bakit ako?!" Hindi niya na napigilan ang pagtaas ng boses. Marahas na bumuga ng hininga ang kanyang tita. "Because you're the only one with no family yet! And because ikaw lang din naman ang hindi exposed sa mga ka-sosyo natin! Fauleen, hindi pa nila alam ang sitwasyon ng kompanya! Hindi nila pwedeng malaman! They'll pull out and that would even cause us more damage. Kung malaman man nila, dapat nasolusyunan na. We need the Lagdameo Group for us to survive!" Marahas na umiling siya sa sinabi ng tita. "Hindi. Ayoko, tita! Ayoko!" Nanlaki ang mga mata ng kanyang tita at napatayo. "Anong ayaw mo?! Susuway ka na naman sa pamilya, Fauleen?!" Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata. Kinagat niya ang labi at muling umiling. "Ayoko," mariing sambit niya at walang pasabing umalis doon. Narinig niya pa ang pagtawag sa kanya pero hindi siya lumingon at patakbong pumanhik sa itaas. Pabagsak niyang idinapa ang sarili sa kanyang kama. Kagat labing hinayaan niya ang mga luhang bumagsak sa kanyang pisngi. Palagi na lang ganoon. Palagi na lang ganito. Akala niya nakatakas na siya sa pamilyang ito pero ito siya at bumabalik na naman. Mula noon hanggang ngayon, kinukuha lang siya ng mga ito pag may kailangan sila sa kanya. Pag wala na, edi wala na rin. Ang saklap lang. "Fauleen…" Marahas niyang pinahid ang mga luha at saka umupo. Bahagya siyang napangiti nang makita ang pumasok. "Yaya." Ngumiti ang babaeng nasa tapat niya. Yumakap siya rito at nagpatuloy sa pag-iyak. Ito lang ang tanging nagmahal talaga sa kanya nang totoo. "Bakit ganoon? Kinuha lang ba nila ako para doon? Palagi na lang ganito. Nakakasawa na. Bakit ba hindi na lang nila ako pabayaan? Ikukulong na naman nila ako." "Fauleen..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD