Chapter 2

2056 Words
Maghapong hindi na bumaba si Fauleen nang araw na iyon. Ni hindi siya kumain ng hapunan. Nanatili lang siya sa kanyang kwarto at dinalhan na lang siya ng pagkain ng Yaya Meding niya. Si Yaya Meding ang kanyang yaya simula pagkabata. Dahil busy pareho ang kanyang mga magulang sa kanilang mga trabaho ay ito ang palagi niyang kasama sa bahay at eskwela. Ito lang din ang tanging taong hindi sumuko sa kanya. Suportado siya nito, pero hindi siya kinokonsinti sa mga ginagawa niya. Kung may tamang disiplina man siyang nakuha, masasabi niyang sa Yaya Meding niya iyon nakuha. Wala naman kasing inatupag ang mga magulang niya kundi trabaho. Hanggang sa mamatay ang kanyabg mommy dahil sa cancer ay trabaho ang kapiling nito. Hindi niya alam kung nakatulog siya dahil sa pag-iyak o dahil pagod siya at may jetlag. Nagising na lang siya na umaga na. Kinusot niya ang mga mata saka bumangon sa kama. Sinulyapan niya ang wall clock ng kanyang kwarto at mag-aalas siyete na rin pala. Padarag siyang bumaba ng kama at pupuntahan na sana ang kanyang maleta nang makita niya itong wala ng laman. Pumasok siya sa kanyang walk-in closet at doon niya nakitang naka-arrange na ang kanyang mga damit. Bumuntong hininga siya. 'Si yaya siguro ang nag-ayos.' Kumuha siya ng pares na pambahay at saka bumalik sa kwarto. Inilapag niya lang ang mga iyon sa kama tapos ay dumiretso na siya sa banyo. Mabilis siyang naligo at nagbihis tapos ay nagdesisyong bumaba. Hindi niya alam kung anong gagawin ngayon. Una niyang chi-neck ang kanyang bank account sa kanyang cellphone. Kailangan niyang mag-book ng ticket pa-New York. Hindi siya pwedeng magtagal dito. Ayaw niya. Tahimik nang bumaba siya. Nakita niya ang iilang kasambahay na naglilinis. Maya maya pa ay lumapit si Meding sa kanya. "Nasa dining na ang papa mo. Sumabay ka na roon," sabi nito sa kanya. Medyo nag-alinlangan siya noong una pero tinanguan siya nito kaya napabuntong-hininga na lang siya at pumanhik na sa dining. Nakayuko at tahimik na umupo siya sa tabi nito. Akala niya madadatnan niya pa ang mga kamag-anak niya rito pero silang dalawa na lang naman ng daddy niya. Pati ang dalawa niyang nakatatandang kapatid ay wala na rin. Tahimik siyang kumain sa tabi nito habang nagkakape ito. Tanging pagtunog lang ng kanyang mga kubyertos ang maririnig sa buong dining. Okay lang naman iyon sa kanya. Wala rin naman siyang maisip na pag-uusapan nila. Sa tagal nilang nagkawalay, wala siyang maalalang napagkasunduan nila ng ama noon. Tumikhim ito pagkatapos ng napakahabanv katahimikan. "We already asked for an appointment from the Lagdameo Group. You will be going to their main office this afternoon." Kaagad siyang natahimik at nag-angat ng tingin sa ama. Diretso lang ang tingin nito habang sumisipsip ng kape. Kumunot ang noo niya. "Hindi pa ako pumapayag…" Doon ito natigilan at bumaling sa kanya. "At talagang susuway ka?" malamig nitong sabi. Umawang ang kanyang bibig. Binitiwan niya ang hawak na mga kubyertos. "If I marry him I cannot go back to the states! Paano ang buhay ko roon?!" Bumigat ang kanyang paghinga. Ibinaba ng kanyang ama ang kape at mariin siyang tinitigan. "Paano ang buhay natin?! Ang pinaghirapan ng pamilya at ng mama mo! Mababaliwala na lang?! Don't be so selfish, Fauleen! The family needs you on this!" Halos mapatalon siya nang hinampas nito ang lamesa nila. Tumalsik pa ang kape nito. Natulala siya sa gulat. Walang lingong iniwan naman siya ng ama roon. Napayuko siya at nakagat ang labi. Unti unti na namang nag-init ang kanyang mga mata at ilang segundo lang ay pumatak na naman ang mga luha sa kanyang magkabilang pisngi. Lumunok siya para pigilan ang paghikbi. Naikuyom niya ang dalawang kamay sa ibabaw ng mesa. 'Ako na naman ang selfish?! Ako na naman? Buong buhay ko nga sinunod ko sila, tapos ngayon na malaya na ako, na nagpa-plano na ako para sa buhay ko magsasakripisyo na naman ako?! Para ano? Para sa kanila?! Tapos selfish na naman ako!' Hindi na niya napigilan ang paghikbi. Halos hindi na siya makahinga dahil sa sikip ng kaniyang dibdib. Dumiin ang pagkakagat niya sa kanyang labi. "Fauleen…" Sandali siyang natigilab at dahan dahang nag-angat ng tingin. Sumalubong sa kanya ang kanyang Yaya Meding na nakatayo sa kanyang tabi. "Y-Yaya…" tawag niya rito. Bumuntong-hininga ang matandang babae at umupo sa kanyang tabi. Mabilis siya nitong niyakap. Mas lalo siyang humagulgol sa balikat nito. "Y-Yaya…" sambit niya sa pagitan ng pag-iyak. "Sshh…tahan na…tahan na, hija. Tahan na…" Naramdaman niya ang paghagod ng kamay nito a kanyang likod. Mas lalo siyang umiyak. "Tahan na, Fauleen. Tahan na." Tila walang salitang makakapagpatahan sa kanya nang mga oras na iyon. Umiyak lang siya nang umiyak habang patuloy sa paghagod at pagpapatahan sa kanya ang kanyang Yaya Meding. Nang medyo kumalma na siya ay saka ito kumalas sa yakap niya. Humihikbi pa rin siya. Pinahid ng mga hinlalaki nito ang mga luhang lumalandas sa kanyang pisngi tapos ay hinawakan nito ang kanyang kamay. Tiningnan siya nito sa mata. "Anak…."umpisa nito. Huminga siya nang malalim. "Y-Yaya, ikukulong na naman nila ako… ikukulong nila ako rito sa Pilipinas…ngayong nagsisimula na sana ako, y-yaya. Nagsisimula na akong lumipad! Buong buhay ko sumusunod ako sa mga gusto nila. Ngayon na nga lang ako makakawala, ibabalik na naman nila ako rito!" Humigpit ang kanyang hawak sa kamay ng kanyang yaya. "Y-Yaya, ipapakasal nila ako sa isang lalaking hindi ko kilala! Ni hindi ko pa nakita! Ipapakasal nila ako para masalba ang kompanya namin!" Mariin niyang ipinikit ang mga mata. "Wala rito ang pangarap ko! Wala rito ang buhay ko, yaya! Nasa New York! Doon ko gusto! Hindi rito!" Tuloy tuloy ang pagbagsak ng kanyang mga luha. Sandali silang natahimik ni Meding. Maya maya pa ay bumuntong-hininga ang matanda. "Naintindihan kita, hija…naiintindihan ko ang pinagdadaanan mo. Mula bata ka pa, saksi na ako sa mga pinagdaanan mo." Humigpit ang hawak nito sa kanyang kamay. Unti-unti nitong iniangat ang kanyang mukha. Dahan dahan siyang dumilat. Huminga nang malalim si Meding. "Masayang masaya ako na nagsisimula ka na ng sarili mong buhay, Leen. Masayang masaya ako. Noon pa man gusto ko na ring maging masaya ka. Masaya akong unti unti ay nakakamit mo na ang mga pangarap mo, Leen. Pero…" Sandali itong tumigil. Kumunot ang noo ni Fauleen. Bumuntong hininga si Meding. "Anak, hindi mo ba naisip na baka ito na ang panahon para mapalapit ka ulit sa daddy mo? Anak, ilang taon na ang lumipas simula noong nagkahiwalay kayo. Namatay ang mama mo, nagsipag asawa na ang mga kuya mo. Kung tutuusin kayong dalawa na lang ng daddy mo ang magkasama ngayon. Masaya ako na magkakaroon ka na ng oras sa sarili mo, pero anak, hindi ba mas masaya kung magiging maayos ka na rin at ang daddy mo? Mas magiging kompleto ka, Leen…" Nanatili siyang nakatitig sa kanyang yaya, kunot na kunot pa rin ang noo. "Y-Yaya…s-sinasabi mo bang dapat ko silang sundin?" nag-aalangang tanong niya. Bumuntong hininga si Meding at sinapo ang kanyang isang pisngi. "Ang sinasabi ko, Fauleen, bakit hindi kayo magkaayos na ng daddy mo bago mo ipagpatuloy ang mga pangarap mo sa ibang bansa. Magkakaayos kayo kung nandito ka. Leen, ilang taon na ring mag-isa ang daddy mo. Hindi man niya aminin, alam kong nalulungkot siya at wala ka sa piling niya. Ilang taon na ang nasayang anak. Siguro oras na para maghilom ang mga sugat ng iyong nakaraan. Hindi ako boto sa pagpapakasal mo sa isang taong hindi mo kilala. Ang inaalala ko lang naman, Fauleen ay kayo ng daddy mo. Gusto ko sanang magkaayos na rin kayo sa wakas. Pagkatapos noon, pwedeng pwede ka nang bumalik ng America at ipagpatuloy ang pangarap mo." Hindi siya sumagot. Nag-iwas siya ng tingin dito. Ilang minuto silang binalot ng katahimikan hanggang sa nagdesisyon siyang tumayo. "S-Sa kwarto na lang po muna ako. **** Buong umagang nagkulong si Fauleen sa kanyang kwarto. Hindi mawala wala sa kanyang isipan ang sinabi ng kanyang Yaya Meding kanina. Tama naman ito. Matagal na panahon na ang naging hindi nila pagkakaintindihan ng ama. After her mother died, she wished to be reconciled with her dad, but her mother's death was so hard to take that her dad buried himself with work. Mas lalo lang lumayo ang loob nila sa isa't isa. Kahit na hindi sila kagaya ng mag-aamang close na close, mahal na mahal pa rin niya ang daddy niya. She could still remember how Meding told her about her childhood. Kung gaano raw katuwang tuwa ang daddy niya sa kanya noong bata pa siya. Nag-iisa kasi siyang babae kaya ganoon na lang ang tuwa ng daddy niya. But change is the only constant in the world. Nang magkaisip siya, unti unti namang nilubog ng kanyang mga magulang ang mga sarili sa trabaho. She is a menopausal baby kaya malaki ang agwat ng edad ng mga kuya niya sa kanya. Hindi rin sila ganoon ka-close. She would want to be reconciled with her dad, but that reconcilation means giving in to what her family wants. It's sacrificing her freedom. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at isinandal ang ulo sa headboard. Naka-indian sit siya sa kama at may unang nakapatong sa kanyang mga hita. Bumuntong hininga siya at pinahid ang mga luhang walang tigil sa pagbagsak. Inabot niya ang cellphone at de-nial ang number ni Blaire sa New York. Ilang ring lang ay sumagot na ito. "Who's this?" bungad nito. Lumunok siya. "It's me, Fauleen." Kinagat niya ang labi para itago ang paglabas ng hikbi sa kanyang bibig. "Oh! Good thing you called girl! How is it? Is your problem solved already? When are you coming back?" Mas lalo lang bumigat ang kanyang dibdib. "I-I'm sorry, I c-cannot go back…" Mariin siyang lumunok. "What?!" Huminga siya nang malalim at pinahid muli ang mga luha. "S-Sorry, Blaire. Everything's a mess with my family right now… I-I'm sorry…" Nakagat niya ang labi at agad na in-end call ang tawag. Mariin siyang pumikit at niyakap ang unang nasa kanyang hita. 'Why can't we just get all the things that we want? Why does something needs to be sacrificed?' Mas lalo siyang umiyak at mahigpit na niyakap ang malaking unan. **** Tulalang nakaharap si Fauleen sa kanyang full body mirror na nasa tabi ng pinto ng CR. Nakasuot siya ngayon ng isang black pantsuit na pinaresan niya ng isang 5 inches black stilleto. Dala niya ang kanyang itim din na handback. She just put on a light makeup and let her straight and brown hair down. Huminga siya nang malalim bago tuluyang lumabas ng kwarto. Pagkababa niya, nandoon na ang kanyang Tito Arthur at Tita Ave, kapwang nakangiti sa kanya. Bakit hindi? Pumayag na siya sa gusto ng mga ito. Her Tita Ave smiled and went to her. "You look gorgeous, hija. Very gorgeous. Now, just make sure to be very persuasive and light in talking to Lincoln. He likes girls like that. Present all the benefits that he could get in this merging," malawak ang ngising sabi nito sa kanya. Sinulyapan niya ng tingin ang kanyang ama na nakatitig lang din sa kanya. Bumuntong-hininga siya. 'This is for you, daddy.' "Anyway, you need to go now. Your appointment is at three pm. Just say my name, hija. Make us proud!" masayng sabi ng Tita Ave niya bago siya iginiya palabas ng mansyon. Walang imik na nagpatianod siya rito hanggang sa sasakyan. Nang maisarado ang pinto ay nakangiting kumaway pa sa kanya ang kanyang Tita Ave. Itinuon niya na lang ang tingin sa harapan. It took them almost an hour before they reached the Lagdameo Group of Companies. Bumaba siya sa mismong harap ng building habang ang driver niya ay dumiretso sa parking. Sandali niyang tiningnan ang matayog na building. It's luxurious and huge, indeed. Huminga siya nang malalim bago tuluyang pumasok sa loob. "Good afternoon, ma'am. May I know your business here?" tanong ng receptionist sa kanya. Lumunok siya. "I have an appointment with Mr. Lincoln Lagdameo at 3pm." "Name, ma'am?" "Uhm my tita set the appointment. It's Ave Maria Vargaz. I'm her niece, Fauleen Vargaz." Ipinakita niya ang kanyang identification card. Agad namang may tiningnan sa computer ang receptionist. Ilang sandali pa ay binalingan na siya nito. "I'm sorry ma'am, but your appointment was declined by Mr. Lagdameo. You cannot meet him today." Agad na nanlaki ang mga mata ni Fauleen. "What?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD