Chapter 3

2007 Words
Halos ilang minutong nakatulala si Fauleen sa labas ng building ng Lagdameo Group of Companies. Hindi pa rin siya makapaniwala. Ang sabi ay ni-decline daw ang appointment nila. So, bakit pa siya pinapunta ng Tita Ave niya?! Bakit hindi sinabi sa kanila na nag-decline pala ito?! Naikuyom niya ang kanyang mga kamay. Nanginginig ang buo niyang katawang sa sobrang galit. Sino ba namang hindi magagalit? Pinagmukha siyang tanga ng mga ito. Ramdam na ramdam niya pa ang mga tinginan ng mga taong nadadaanan siya sa lobby. Mas lalo pa siyang nainis dahil sa mukha noong receptionist na iyon. Parang nang-aasar kasi na ewan. Mas lalo lang tuloy siyang na-badtrip. ‘Ugh! Kainis!’ Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata at saka kinuha ang kanyang cell phone. Halos masira nga ang screen niya sa diin ng kanyang pagkaka-type niya roon. Ni-dial niya ang number ng kanilang driver at nagpasundo na siya roon. Ilang sandali lang din naman ay pumarada na ang sasakyan nila sa harapan niya kaya agad siyang pumasok doon at ni hindi na hinintay pang pagbuksan siya ng pinto ng driver nila. Pagbagsak niyang isinara ang pinto at ibinagsak din ang kanyang likod sa sandalan ng upuan. Ipinagkuros niya ang kanyang mga braso at saka isinandal din ang kanyang ulo sa head rest. Ibinaling niya ang tingin sa labas. Bahagya pa siyang napabalikwas nang biglang nag-break ang driver nila. Napamura siya sa kanyang isipan. “Kuya, ano ba iyan!” reklamo niya rito. Inis nan ga siya dahil sa nangyari tapos may ganito pa. “Sorry po, Ma’am. May bigla po kasing pumaradang sasakyan, e.” Agad na kumunot ang kanyang noo at tiningnan ang labas ng sasakyan nila. Napasinghap na lang siya nang isang putting SUV din ang bigla na lang sumulpot sa harapan nila. Nakahinto ito kaya hindi sila makaalis. ‘Ano ba naman kasing bwisit na ito?! Alam naman niyang nasa harapan siya ng building.’ Kunot na kunot ang kanyang noo at habang tinitingnan SUV sa kanilang harapan. Konting-konti na lang talaga at lalabasin na niya ito. Konti na lang ang pisi niya, baka masampolan niya talaga ito. Nakita niya ang pagbukas ng pinto ng putting SUV at saka iniluwa noon ang isang lalaking naka-sunglasses at nakaitim na three-piece suit. Nakita niya rin kung paanong bumati at in-entertain ng mga guards at iba pang empleyado ang pagpasok nito naa para bang napakaimportanteng tao nito. Nawala lang dito ang kanyang atensyon nang marinig niya ang pagbusina ng kanyang driver at kasabay noon ay ang pag-usad na rin nila. Napabuntong-hininga na lamang siya at muling isinandal ang kanyang likod sa upuan. Bumuga lang siya ng hininga at ipinikit ang kanyang mga mata. She’s really stressed and pissed right now. Gusto niya na lang munang magpahinga para kahit paano ay makapag-relax siya at humupa man lang ang inis niya. Hindi niya alam kung ilang minuto silang nasa daan dahil sa sobrang traffic. Nakatulog na rin naman kasi siya habang nasa biyahe. Maghahapunan na nang makarating sila sa bahay. Tahimik ang buong sala pagkarating niya. Walang bakas ng mga kamag-anak niya at ng kanyang ama ang bahay nila. Baka may trabaho pa ang mga ito. Malamang mamayang gabi ay pupunta rin naman ang mga ito rito sa bahay nila para sa family meeting. Napabuga na lamang siya ng hininga at saka dumiretso na rin sa itaas. Pagkabukas niya ng kanyang kwarto ay naabutan niya ang Yaya Meding niya na nagpapalit ng kanyang mga kurtina. Agad itong napalingon sa kanya. “O, nandiyan ka na pala. Pinalitan ko lang itong kurtina mo kasi medyo maalikabok na,e. Saka baka gusto mo ng ibang kulay. Alin ba rito ang gusto mo?” May ipinakita itong tatlong kulay ng kurtina sa kanya. Sandali niyang tiningnan iyon at tinuro ang medyo beige na kulay. “Nako, buti na lang at meron pa nito. Sige, teka lang.” Nginitian siya ng kanyang yaya. Sinakop nito ang ibang kurtina tapos ay lumabas ng kanyang kwarto. Napabuntong-hininga na lamang siya at saka napaupo sa kanyang kama. Tinanggal niya ang kanyang stiletto at itinabi iyon sa may bedside table. Ang bag niya naman ay itinapon niya lang sa kanyang kama. Bumuga siya ng hininga at saka humiga. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at saka idinipa ang kanyang mga braso. Dinamdam niya lang kung gaano kalambot ang kanyang kama at kung gaano kalamig ang hangin na pumapasok sa kanyang kwarto. Huminga siya nang malalim. “O, okay ka lang?” Napadilat lang siya at bahagyang napabangon nang marinig iyon. Sumalubong sa kanya ang nakangiting mukha ng kanyang Yaya Meding. Isinara nito ang pinto ng kanyang kwarto. Lumapit ito sa kanya kaya bumangon na rin siya. “Yaya,” tawag niya rito. “O, bakit?” tanong nito at saka kinunutan siya ng noo. Bumuga siya ng hininga. Mas lalong kumunot ang noo ng kanyang yaya. Naglakad ito papunta sa kanyang bintana para isabit ang bago niyang mga kurtina. Ngumuso siya at binalingan naman ito. “Hindi ako nagtagumpay, ya,” panimula niya. Agad na napatigil ang kanyang yaya at napalingon sa kanya. “Ha? Anong ibig mong sabihin?” Bumuga siya ng hininga at ipinagkuros pa ang kanyang mga braso. “Nag-decline daw iyong Lincoln na iyon. Hindi ko siya nakausap, ya.” Sandaling napatitig ang kanyang yaya sa kanya. Ilang sandali lang ay nilapitan siya nito at iniwan muna nito ang kurtinang hawak. “Nako, paano iyan? Palyado ang plano ng tita mo?” tanong nito sa kanya. Bumuntong-hininga siya at kinagat ang kanyang labi. “Ewan, ya. Nakakainis nga, e. Sobrang nakakainis!” Nasabunutan niya na lang ang kanyang sarili. Bumuga siya ng hininga. Nginitian lamang siya ni Meding. Lumipat pa ang matanda sa kanyang tabi at tinapik ang kanyang balikat. “Paniguradong aburido na naman ang mga tita mo mamaya. Siguro, kailangan mo na sigurong magpahinga? Panigurado akong masi-stress ka lang mamaya at mapapagod ka lang mamaya. Hinagod nito ang kanyang likod. Huminga naman siya nang malalim at saka tumango-tango na rin. Ilang segundo pa ay tumayo na rin ang kanyang yaya at bumalik na sa ginagawa nito kanina. Siya naman ay tumayo at umalis na muna ng kama. Dumiretso siya sa banyo para maligo na muna at saka nagbihis na rin ng pantulog. Pagkalabas niya ay naayos na rin ng yaya niya ang kanyang kurtina. Itinabi na lang muna niya ang kanyang gamit na bag kanina at saka humilata na sa kama. Kinuha niya ang isang malaking unan at saka niyakap iyon at inayos ang kanyang comforter. Huminga siya nang malalim at ipinikit ang kanyang mga mata. Ilang sandali lang ay nakatulog na rin siya. Hindi alam ni Fauleen kung ilang oras siyang nakatulog. Nagising na lamang siya nang may naramdaman siyang parang tumatapik sa kanyang balikat. Tinanggal niya ang pagkakayakap sa unan at saka ikinurap-kurap ang kanyang mga mata. Kinusot niya pa iyon at saka bahagya siyang bumangon. “Fauleen, gising na.” Rinig niyang sabi pa ng gumigising sa kanya. Nang maka-adjust na ang kanyang mga mata ay bumungad sa kanya ang mukha ng kanyang Yaya Meding. “Ya? Bakit po, anong oras na ba?” Humikab siya at muling kinusot – kusot ang kanyang mga mata. Umayos siya ng upo at saka sumandal sa headboard ng kanyang kama. “Nandiyan na ang mga tita mo at saka kakain na rin ng hapunan. Baba ka na?” anito sa kanya. Napabuga na lang siya ng hininga at napairap. “Tss. Kukulitin na naman ako ng mga iyan,” reklamo niya pa. Narinig niyang bumuntong-hininga ang kanyang yaya. “Sige, na. Hindi mo naman kasalanan iyong nangyari kanina. Sabihin mo na lang ang totoo,” sabi pa nito sa kanya. Saglit niyang tiningnan lang ang kanyang yaya. Bumuga ulit siya ng hininga at tumango na rin. Sabay silang lumabas ng kanyang yaya. Nakaangkla pa nga siya sa isang braso ni Meding habang pababa sila. Ni hindi na siya nagbihis pa. Bakit pa siya magbibihis, e, maghahapunan lang naman sila. Nang makarating sila sa may dining area ay naabutan niya na lang na nandoon na halos lahat ng mga kamag-anak nila. Hindi niya tuloy napigilan ang mapairap nang makitang ngumiti sa kanya ang kanyang Tita Ave. Napailing na lamang siya. Kumalas siya sa pagkakaangkla sa braso ng kanyang yaya. Tamad na naglakad siya palapit sa dining at saka umupo sa kanyang puwesto na katabi ng kanyang ama. Sa kabilang tabi niya ay ang kanyang Tita Ave naman. Tahimik ang mga ito at nakatingin lamang sa kanya. Wala siyang naging imik at diretso na sa pagkuha ng pagkain. Ilang sandali lang ay narinig niya ang pagtikhim ng Tita Ave niya. “So, hija, what happened? Shall we prepare for the wedding already? Is it a big wedding? Magpapagawa ka na ba – “ Hindi na naituloy ng kanyang Tita Ave ang dapat na sasabihin nito nang ibinagsak niya ang kanyang mga kubyertos. Lumunok siya at tiningnan ang tiyahin na nawalan ng ngiti sa mukha. “Nothing. Nothing happened, Tita,” walang emosyong sabi niya. Agad na umani iyong ng pagkagulat at singhapan sa kanyang mga kasama. “What?!” gulat na bulalas ng kanyang Tita Ave at nanlalaking matang nakatingin pa sa kanya. “Teka, paanong wala, Fauleen? Hindi ka pumunta?!” sabi pa ng isa niyang pinsan na si Fiera. “Oh my gosh, you’re really not gonna help us with this?! Hanggang kailan ka magiging pabigat sa pamilyang ito, Fauleen?!” Otomatikong naikuyom niya ang kanyang mga kamay. Nag-igting ang kanyang panga dahil sa sinabi ng kanyang pinsang si Faye. “Faye, that’s enough.” Narinig niyang sabi ng kanyang Kuya Fabio. Naramdaman niya ang pag-iinit ng kanyang mga mata. Huminga siya nang malalim at kinalma ang kanyang sarili. Bumuga siya ng hininga at mariing tiningnan ang mga kamag-anak nila. Isa-isa niyang tiningnan ang mga ito bago itinuon ang tingin sa kanyang Tita Ave. “Walang nangyari dahil ni-decline ni Lincoln Lagdameo ang appointment mo. Hindi siya pumayag na makipagkita sa akin kaya wala na rin akong choice kundi ang umalis. Masaya na kayo?” Pinasadahan niya ulit ng tingin ang iba nilang kamag-anak. Namilog ang mga mata ng kanyang Tita Ave. “What?!” hindi makapaniwalang sambit nito. Napasinghap pa ang iba nilang mga kasama. “Ave, akala ko ba nagawan mo ito ng paraan?!” Tumayo ang kanyang Tito Armand. Iniiwas niya ang tingin sa mga ito at binalingan naman ang kanyang ama na noon ay napahilot na lang sa sentido nito. “Oo, nga, Ave. What happened?!” Ang Tito Ariel niya. “Hindi ko alam, okay?! Wala rin akong memo na natanggap!” “Gosh! Bakit kasi pa-hard to get iyang si Lincoln!” sabat pa ni Faye. “Tss. Kasi alam niyang hahabulin siya dahil marami ang nangangailangan sa kanya,” sagot naman ni Fiery. At nagpatuloy sa pag-aaway ang mga ito. Nasapo niya na lang ang kanyang ulo. Talagang sa hapagkainan pa kasi nagtatalo ang mga ito. Umiling siya at dahil sobrang busy ng mga ito sa pag-aaway ay tahimik siyang umalis na lang doon. Nawalan na rin naman siya ng gana kaya pumanhik na lang siya sa itaas. Agad siyang dumapa sa kanyang kama. Kinuha niya ang kanyang cell phone at nag-scroll sa kanyang social media. Napatigil siya sa isang post ng kaibigang si Blaire. Napalunok na lang siya at napatitig dito. Magkahalong inggit at galit ang kanyang nararamdaman habang titig na titig sa picture ng kaibigan. Magkasama dapat sila ngayon, e. Magkasama dapat silang nag-aadventure ngayon. It was supposed to be her life. She was supposed to have the freedom, now. Ito na sana ang hinihintay niya, but now she’s here…nagmumukmok sa kwarto niya at nakakulong na naman dito sa Pilipinas. Nakagat niya ang kanyang labi. Mabilis niyang pinahid ang lumandas na luha sa kanyang pisngi. Ibinaon niya ang kanyang ulo sa kanyang kama at saka doon itinago ang pag-iyak. ‘Why is it always so hard? Gusto ko lang naman magsimulang muli. Gusto ko lang maging malaya.’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD