Chapter 3

1522 Words
OLIVIA Nakapikit ako habang tinutugtog ang hawak kong biyulin nang may maramdaman akong presensiya sa likuran ko. Dahang - dahang iminulat ko ang aking mga mata at ibinaba ang instrumentong hawak ko. Sino na naman kaya ang istorbong ito? "Snooping is rude," I said, bago humarap sa pintuan. Doon ay nakatayo ang isang babae na tila ba hindi pa makapaniwala na nahuli siya sa pang-iistorbong ginagawa niya. Tinatamad na sinuri ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. "Sino ka at anong kailangan mo?" Parang kinakabahan naman na sumagot ito, "A-ako po ang bagong yaya ni Nicolo." Napataas ang kilay ko. Nico's new nanny? What happened to the old one? The girl in front of me, yes girl, since petite siya (at parang mas matangkad pa si Nico sa kanya kapag pinagtabi sila) ay maputi at may magandang kutis at mukhang hindi marunong sa house hold chores. Nanny ba talaga ito? Reluctantly ay inaamin kong may itsura din rin naman siya though she doesn't need to know that. At mas maganda pa rin ako. "Nico's new nanny, huh? Sigurado ka ba? Mukha kang batang hamog eh," bahagyang nanlaki ang mga mata ng babae sa sinabi ko. I smirked. Lumakad ako papunta sa pintuan dala ang violin ko, I stopped in front of her. Yumuko pa ako nang bahagya at inilapit ang mukha sa kanya. "Nicolo doesn't need a new nanny, but make sure you do your job right para naman hindi masayang ang ibabayad sa'yo. Bantayan mo siyang mabuti." I gestured to the side, "tumabi ka, and next time don't go wandering around restricted rooms, especially this music room. Nakakaistorbo ka sa'kin." Iniwan ko na siya roon bago pa man siya makabawi sa pagkabigla at makasagot. Naglakad ako sa pasilyo ng palasyo papunta sa office ng Presidente. I hate this, ever since my father got elected as President of this coutry three years ago ay hindi na naging normal ang buhay ko at pamilya namin. Kahit saan ako tumingin at pumunta ay may mga kasama akong security, lahat ng galaw ko pinapansin, lalo ng media people na trabaho yata ang manira ng araw at pamilya. I know it's their job pero magkakasakit ba sila kung aalamin muna nila ang totoo bago maglabas ng kung ano-anong balita? Parang mga hindi professionals. Pumasok ako sa opisina ng Presidente at lumapit sa secretary doon, may mga ilang security personnel na nakatayo sa opisina at nagbabantay, "I need to talk to my father," bored na sabi ko sa secretary niya. The secretary flinched slightly. "Eh, Miss Olivia, nasa meeting pa po si Mr. President." I looked blankly at her, "So? Tell him It's urgent." "Pero Ma'am---" "Siya ang may gustong mag-usap kami ngayon so tell him I'm already here kung hindi ay babalik na ako ngayon din mismo sa America." Pananakot ko dito. Napakamot na lang ito ng ulo at pumasok sa nakasaradong pintuan. Maya-maya lang ay lumabas na ito kasama ang mga ka-meeting ng Presidente. Cabinet members ang ilan sa mga ito, ang iba naman ay mga staff niya. "Pwede na daw po kayong pumasok, Miss Olivia," magalang na sabi nito. Nakaupo ang Presidente sa kanyang upuan with an exasperation look on his face. "Olivia Skylar, akala ko mamaya ka pa darating." I rolled my eyes sa pagbuo niya sa pangalan ko, "Kanina pa ako dumating, Pa, pero hindi ako makasingit sa busy schedule mo." Nagbuntong – hinga ito at hinilot ang sentido. Parang nangayayat din ito at tumanda ang itsura, malamang dahil sa stress at sa lumabas na balita ng pag-alis ni Mama. I scowled, isa na namang kasinungalingan na inilabas ng media. "How's your mother?" "How would I know? We didn't get the chance to talk, hindi pa man nakakalapag ang eroplanong sinasakayan niya ay umalis na ako doon dahil minamadali mo akong umuwi. And when I got here you didn't even spare a glance at me, kinailangan ko pang bantaan yung secretary mo," naiinis ako at kapag naiinis ako ay humahaba ang sinasabi ko. Minsan kasi ay tamad akong magsalita. My father's eyes soften, "I'm sorry, Liv, I know biglaan ang pagpapauwi ko sa'yo but your brother needs a familiar face. He misses your mom." Supposedly ay kasama ni Mama si Nicolo sa America pero dahil nga nasa kalagitnaan ng school year ay hindi ito nakasama kaya umuwi ako to be with him. Ayaw din kasi ng magulang ko na biglang mahinto si Nicolo sa school. "You know Mama hates politics, Pa, pero she supported you because this is what you wanted to do pero hindi sa lahat ng oras ay okay para sa kanya ang napili mong mundo," my mother probably got fed up with politics crap kaya umalis ito. "I know that, Liv, I promise aayusin 'ko 'to." I nodded, I just hope it's not too late. Napaka-workaholic kasi ni Papa, isa sa mga pinag-aawayan nila ni Mama. Napakabait at matulungin din nito sa mga tao. "Nico has a new nanny, are you sure of her? Where did she come from?" Baka kasi serial killer pala yung dwendeng 'yon, mahirap na. "Positive, she comes highly recommended by Manang Amelia." I raised an eyebrow, Manang Amelia liked her? Ang daig pa ang isang prinsipal sa pagiging strict na si Manang Amelia? Well, the dwarf might have some redeeming quality then. "Whatever. Pupuntahan ko lang si Nico," pagpapaalam ko. "Wait, Liv, before you go. Can I ask a favor?" Biglang bumait ang tono ng tatay ko. Sigurado na iinit ang ulo ko kung ano man ang hihingin niyang pabor. "What is it?" Nagdududang tanong ko, tumayo na ako para kung hindi ko magustuhan ang sasabihin niya ay makakatakas ako agad. He smiled sheepishly. So unbecoming of a President. "I have a kumpadre---" "Of course you have," I rolled my eyes. Ilang kumpadre ba ang meron siya? "---and he has a son," patuloy niya na hindi pinansin ang sinabi ko. "Tapos?" Bored na ako agad sa topic. "Can you have dinner with him, he's a nice young man, I think magkakasundo kayo." He smiled. "You're playing matchmaker again," kapag hindi busy sa pagpapatakbo ng bansa itong tatay ko, busy naman siya sa paghahanap ng ide-date sa akin. "There's no harm in trying, malay mo magustuhan mo siya. He's successful." "I'm not interested, sigurado naman na mas successful ako sa kanya," I flipped my hair. Isa pa, I have no tolerance for other people. Ayoko silang kausap. Napaisip ito sandali, "well, of course you are, you're my daughter." Kay Papa namin minana ng younger sister ko ang over confidence namin. Walang duda. "Fine, I'll have dinner with him," sabi ko na lang dahin hindi naman niya ako titigilan sa pangungulit. *** Kung alam ko lang na ganito na naman ang mangyayari sana pala ay hindi na lang ako pumayag kahit pa ipantakot sa akin ni Papa na itatakwil niya ako bilang isang Ilustre. Why? I feel like I'm sitting in an interview with an applicant for a certain position. Mula kasi nang umupo ako forty-five minutes ago ay idinaldal na nitong date ko ang credentials niya. I looked at my watch again, fifty minutes. Fifty minutes of my time wasted. Ininom ko ang laman ng wine glass ko bago ko pa maitapon ang laman nito sa mukha ng binata na nasa harap ko. Sayang kasi at tiyak akong may mga reporters na naman na nagmamatiyag somewhere. Pagkaubos ko sa wine ay ibinaba ko ito sa mesa saka ko itinaas ang kanang kamay ko para pigilan siya sa pagsasalita. Inis na tumingin ako sa kanya. "I don't like your voice," I said in a cold tone, napaawang nang bahagya ang bibig ng binata, maramil sa pagkabigla. "It's a miracle I haven't gone deaf with how high pitched it is. Masakit sa tenga." Tumayo na ako at inirapan siya. "W-wait, Liv!" Pigil nito. Tiningnan ko ito ng masama, I don't even remember his name. "Had I known na talking Curriculum Vitae pala ang makaka-dinner ko ngayong gabi, nag-order na lang sana ako ng take out, may napala pa sana ako. And for your information, hindi din ganoon ka impressive ang career mo. Hindi ka rin gwapo, napaka normal lang ng itsura mo." Hindi ko na ito hinayaang makasagot uli, lumabas na ako ng restaurant kasama ang mga bodyguards ko, siyempre may mga naka abang na namang reporters sa labas at nagtatanong ng kung ano-ano habang papunta ako sa sasakyan ko. Hindi na lang ako sumagot dahil ayoko silang bigyan ng maibabalita na naman. This is why I chose to stay outside the country, after I finished my Masters in Cambridge ay sa America ako pumunta to be with my sister na naglalagalag doon ngayon, at wala sa immediate plans ko in the future ang bumalik sa Pilipinas, ang balak ko ay after my father's term pa ako uuwi para medyo tahimik na pero yun nga, dahil sa pakikialam ng media at sa mga maling balita nila ay nag-empake ang Mama ko at umalis ng bansa. Kailangan ko tuloy samahan ang bunsong kapatid kong si Nicolo sa loob ng ilang buwan hanggang sa matapos ang school year at makasunod ito kay Mama. Napakahirap ng buhay ko minsan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD