OLIVIA
"Liv!" Niyakap ako ng mahigpit ni Nicolo nang pumasok ako sa kwarto niya, hindi ko na kasi siya napuntahan kahapon because of the stupid date that I had to go to, pagkauwi ko naman sa palasyo ay natutulog na daw siya.
I ruffled his hair, "Hey, brother." I said fondly.
"Is Mama with you, Liv?" He asked.
Umupo ako sa gilid ng kama niya at pinaupo siya sa tabi ko. I put my shoulders around him, "No, pero habang wala pa si Mama, ako muna ang kasama mo dito. Is that okay?'
He shrugged, "I guess so, I like you."
Napangiti ako sa pagka-inosente ni Nico. My brother is brilliant. Patient, kind, empathetic, sensitive. Perhaps a little too sensitive for his own good. He knows everything, but he's humble. God knows where he got that from. Hindi kasama sa ugali namin ang pagiging humble.
"Lucky me," I teased. "Di bale we're gonna have fun together." I whispered conspiratorially.
"Can we go to the zoo?" He turned a hopeful gaze at me.
"Oo naman, ipapasyal kita doon if you want and sa mga museum at parks na gusto mong puntahan."
"Thanks, Liv!" Hinalikan niya ako sa pisngi saka tumayo. Napansin ko naman na hindi pa maayos ang uniform na suot niya.
Napakunot ang noo ko. "Nico, where's Ate Julieta? Bakit wala kang kasama sa pagbi-bihis." Ako na ang nag-ayos ng necktie niya dahil baka bukas pa siya matapos kung hindi ko siya tutulungan.
Tiningnan niya ako ng masama, pinagtaasan ko naman siya ng kilay.
"I'm a big boy, Liv, I don't need anyone's help," mayabang na sabi nito.
"Sure, brother," pakikisakay ko na lang.
"Ay, Miss Liv, nandito pala kayo," pumasok si Ate Julieta na stressed ang itsura.
"Saan ka galing, Ate? Kanina pa nagbibihis mag-isa si Nico."
"Pasensiya na po, hinihintay ko kasing dumating yung kapalit ko. Ngayon na kasi magsisimula ang training niya dapat kaya lang ay wala pa siya hanggang ngayon," pagpapaliwanag nito.
"Who?" takang tanong ko.
"Yung bagong yaya po ni Nico na papalit sa akin, Miss."
Oh. Naalala ko na. Yung babaeng chismosa sa umistorbo sa pagtugtog ko kahapon.
"Fire her," I said in an icy tone.
Tumayo na ako at inayos ang collar ni Nicolo. Ang lakas naman ng loob ng babaeng 'yon na ma-late ng dating at paghintayin ang kapatid ko. Sa unang araw pa man din ng trabaho niya. Hindi ba niya alam na may pasok sa school ngayon at ayaw ni Nicolo ng nale-late?
"Pero, Miss Liv, siya na po kasi ang napili ni Manang Amelia para maging bagong yaya ni Nicolo."
"I don't care, Ate Julieta. Nicolo's needs comes first," sagot ko sa matigas na tinig.
Hinila ni Nicolo ang kamay ko,"It's okay, Liv, maybe my new nanny has a good reason why she's late."
"She better have," bulong ko. "For sure ay wala pa din breakfast si Nico since ite-train mo din siya supposedly sa bagay na 'yon?"
Tumango lang si Ate Julieta in an apologetic manner. Umagang-umaga pinapainit ng babaeng 'yon ang ulo ko.
Huminga ako ng malalim para kalmahin ang sarili ko.
"Fine," I looked at Nicolo's anxious face, I smiled slightly at him. "Nico, do you like french toast and bacon for breakfast?"
He smiled brightly. "Yes! Are you cooking?" Excited na tanong pa niya.
"Why, yes, of course." Bumaling ako kay Ate Julieta, "ako na ang magluluto ng almusal ni Nicolo. Pakisabi na lang sa ibang staff na ayusin ang dining hall."
Ate Julieta sighed in relief.
***
Amused na pinapanood ko si Nicolo habang kumakain ng breakfast, kami lang dalawa ngayon dahil nasa ibang bansa si Papa para sa isang meeting.
"Nicolo, there's enough food to feed a small army, dahan-dahan lang."
Nicolo wiped his mouth with his napkin and smiled sheepishly, "Sorry, Liv, I just missed your cooking."
Napangiti ako, my brother is such a sweet kid. Isa sa mga taong madali akong mapangiti. Bago pa man ako makasagot ay may babaeng dumating na halos matumba na sa harap ko sa pagmamadali. Napahawak pa ito sa mga tuhod niya sa pagod.
My eyes narrowed. Kailan pa naging oval ang palasyo na pwedeng gawing takbuhan ng kung sino-sino? Nang mag-angat ng tingin ang babae ay lalong sumama ang mood ko when I realized it was the girl from yesterday.
"Sorry! Sorry po, Ate Julieta! Traffic po kasi at saka rush hour po kaya ngayon lang po ako dumating." Hinging paumanhin nito. Tumingin ito kay Nicolo saka ngumiti kumaway. Nahihiyang kumaway din naman sa kanya ang kapatid ko.
Bumaling ito sa akin, I looked back at her for a long, judgmental second.
"Hello po," parang napipilitan pa ito na batiin ako.
Masungit na tiningnan ko naman siya. "You're late, Miss..." napatigil ako. "What's your name again?"
Nakita kong parang inirapan ako nito pero hindi ko masiguro dahil mabilis lang iyon bago ngumiti ng ubos ng tamis. Too sweet for my liking. "Aerin po, Miss. Aerin Harvey."
"Harvey. That's your surname?"
"Yes, Miss Olivia, galing sa tatay kong porenjer na nakabuntis sa Nanay ko sa Gapo."
I glared at her bago tumango. "Sige, okay na. Oo at hindi lang naman ang sagot sa tanong ko, ang dami mo pang sinabi."
Ngumisi naman ito bilang sagot, I glared harder.
"Ate Aerin, would you like to join us for breakfast?"
"Ay nako, Nicolo, 'wag na, baka hindi ako matunawan eh." Sabi nito sabay tingin sa akin. I looked back blankly.
"Sumalo ka na sa amin, Aerin, marami naman ito," anyaya sa kanya ni Ate Julieta.
"Okay lang ba, Miss Olivia?" Bakit ba palagi akong kinakausap nito?
"I don't care, and call me Liv, not Olivia." bored na sagot ko bago tiningnan ang wrist watch ko. We still have thirty minutes before we have to leave.
"Opo, Miss Olivia," tumango ito sabay ngiti. I rolled my eyes.
"Sumabay ka na sa amin, kailangan mong kumain dahil babantayan mo si Nicolo maghapon at 'wag ka nang mahiya dahil sumasabay talaga tayong mga staff sa First Family minsan, iyon kasi ang gusto ni President."
Ngumiti sya kay Ate Julieta and kay Nicolo.
This time, the girl's smile seemed genuine, she sat besides Ate Julieta and began eating. At mukhang nagustuhan din niya ang breakfast dahil ganado siya sa pagkain.
"Do you like it, Ate Aerin?" Nahihiyang tanong ni Nicolo.
"Hmm. Masarap. Ang galing po ng chef ninyo dito, Ate Julieta." Tuloy-tuloy na sabi nito kahit may laman pa ang bibig. Nicolo giggled.
I looked at her in disgust, hindi muna nilunok ang pagkain sa bibig bago magsalita.
"No, Ate Aerin, it was Liv who cooked our breakfast," Nicolo corrected.
Aerin choked, served her right. Inabutan naman siya ni Ate Julieta ng tubig. I tried to hid a small smile behind the cup I was holding.
"Next time, don't talk when your mouth is full. Mahirap na, hahanap na naman kami ng ipapalit sa'yo, sayang ang oras namin." Pang-aasar ko sa kanya, tiningnan naman niya ako ng masama.
I shrugged bago tumayo at magsabi na hihintayin ko na lang sila sa labas dahil balak kong sumama ngayong araw sa paghahatid kay Nicolo.
***
Malapit na ako sa sasakyan ng may mapansin na lalaki na nakatayo sa harapan noon, nakapamulsa ito and he was wearing the usual black suit na sinusuot ng mga personal bodyguards namin. Napasinghap ako nang mamkmukhaan ang lalaki na naghihintay. I felt my heart skip a bit.
"Kevin?" Tawag ko dito, nag-angat ito ng mukha, he still looked the same. Gwapo pa rin pero mas matured na ang itsura. Sinuri din niya ako ng tingin, he smiled after though a bit sadly.
"Olivia," niyakap niya ako, gumanti din naman ako ng yakap. Maya-maya ay mukha ko naman ang hinawakan niya.
Kababata ko si Kevin. Actually tatlo kaming sabay-sabay na lumaki, ang isa pa ay si Madison na balak kong bisitahin pagkahatid ko kay Nicolo.
I cleared my throat, parang natauhan naman ito at binitawan ako. Sabay kaming nagpalinga-linga kung meron bang nakakita sa amin.
Huminga ng malalim si Kevin. "I'm sorry, I got carried away for a bit."
"It's okay," I said, pareho kaming hindi nagsalita pagkatapos, nakatayo lang sa harap ng sasakyan. "How's Mia?" Tanong ko maya-maya.
He winced. "Liv---"
"I was just asking how's your wife, Kev." I said in a cold voice.
"She's fine, beautiful." Sagot nito. "But not as beautiful as you. No other woman will ever be," mahinang dugtong nito pagkatapos.
"Don't say that, Kevin."
"Why not? It's the truth."
Umiling ako, "what are you doing here?"
"I'll be part of your security detail."
My face hardened, "sa kaninong utos?"
"Your father."
"And?" I pushed.
"I voluntered."
"Why?"
"Why not? Mas magiging komportable ka kung kilala mo ang isa sa mga bodyguards mo. I'm your friend, Liv." Paliwanag niya.
"How noble of you," sarcastic na sagot ko. "Pero hindi mo isinaalang-alang na maaaring hindi 'to magustuhan ng asawa mo?"
"She will understand." Matatag na sabi nito.
"At kapag hindi? Ayokong maging dahilan ng pag-aaway ninyo na nasisiguro ko naman na pag-aawayan ninyong dalawa."
"Mabait si Mia, Liv, maiintindihan niya na trabaho ko 'to."
"Well, good for her," I sighed in exasperation, "dahil kahit kailan ay hindi ako magiging mabait at lalo namang I will never let my husband work with the woman he loved before me."
"Liv---" he started.
"No, Kev. Huwag na nating pag-usapan ang bagay na 'to, sabi mo nga you're here as part of my security detail then 'yon na lang ang gawin mo. Let's just stay professional."
Magsasalita pa sana ito pero dumating na sina Nicolo at Aerin. Pumasok na si Nicolo sa sasakyan habang curious napinag-lilipat-lipat naman ni Aerin ang tingin sa amin ni Kevin.
"What?" Tanong ko, nagkibit-balikat naman ito. "Then don't look at me. Nakakairita."
"Oo na po. Sorry na, Miss Olivia." Nakasimangot na sagot nito bago sumunod kay Nicolo.
"I said call me Liv." Ang kulit ng babaeng 'to, nakakasira ng araw.
Tumingin ako ng isang beses pa kay Kevin bago pumasok na rin sa sasakyan.