Kabanata 3

1567 Words
Celestine's Point of View "Mama, I don't want to ligo anymore," sambit ng anak ko at ngumuso. "The bad guy's here and he might do something bad to you, and I don't want that." Hinaplos ko ang mukha ng anak ko at ngumiti. "No, anak. Enjoy your time here. Don't worry, mama will make sure to cast the bad guy away, okay? So don't worry about me and just have fun playing in the sea," sambit ko. "You've been anticipating this trip, right?" Umiling siya sa akin at ngumuso. "I can't enjoy the sea if a bad guy is lurking around." Tumango at huminga nang malalim. "Okay. How about we go back to our hotel room and let's after lunch then we go back here again for a swim?" suhestiyon ko dahil ayokong hindi mag-enjoy ang anak ko. Kaytagal niyang hinintay ang pagpunta namin dito kaya hindi ko hahayaang sirain lang 'yon ng multo ng kahapon ko. "Okay po, mama," sagot niya. Tumango lang ako at dinala na siya pabalik sa kwarto. --- Nang matapos mag-lunch at makapagpahinga ay muli ko siyang inaya na maligo sa dagat. At mabuti na lang ay pumayag siya. Balik na rin ang sigla at pananabik niya kaya kahit papaano ay napanatag ako. Ang problema ko na lang ngayon ay ang posibilidad na mag-krus muli ang landas namin ni Soul. Hindi pa talaga ako handa na makita siya, but I already considered the possibility of crossing paths with him, but not this soon. Kahit na natanggap ko na ang nakaraan namin ay hindi ibig sabihin no'n na nakalimot na ako; na naibaon ko na sa aking kahapon ang sakit at pait na dinanas ko. The wounds may have healed, but the scars are still there and will forever be there to remind me of my mistakes, my sufferings, my pains, and the pains I caused them. My scars will remind me of my sin; of how I gave in to Soul's forbidden lust. "Mama, I'll put sunscreen on your back," offer ni Soul habang hawak-hawak ang bote ng lotion. "Then you put something on me, too," dagdag niya bago inilatag ang mat sa buhanginan. "Come on, ikaw na higa na." "Okay," pagtango ko at ngumiti. Humilata na ako patalikod at hinayaan siyang maglagay ng lotion. Kamuntik pa akong makatulog dahil may dalang masahe ang ginawa ng anak ko. He used to massage me whenever I get home from work. He learned it by just watching videos and tutorials from a site. "Tapos ko na," aniya kaya bumangon na ako at siya naman ang nilagyan ko. I applied a generous amount of sunscreen on his body dahil mahirap na at baka magka-sunburn pa siya. Iba pa naman ang init dito sa Pinas. "Here, all done," sambit ko. "Thank you, mama," sagot niya at nagpaalam nang maligo. Hinayaan ko lang siyang magtampisaw at mag-enjoy. Hindi na ako humiga at baka makatulog pa ako at kung ano pa ang mangyari sa anak ko. I watched him play under the sun to his heart's content. Matapos ang halos mahigit isang oras ay nagsawa na siya at umahon. Pulang-pula ang kanyang mukha kaya inaya ko na siyang bumalik kami sa hotel room dahil lalagyan ko ng yelo ang mga namumulang bahagi ng katawan niya. It's one of the effective ways to avoid sunburn or to at least lessen the intensity. At dahil malapit na ring lumubog ang araw ay minabuti kong bihisan na lang siya at ihanda para sa dinner date namin mamaya. I booked a restaurant that serves filipino cuisines, dahil matagal nang gusto ng anak ko na makatikim ng mga pagkain na kinikuwento ko sa kanya sa tuwing nagbabahagi ako ng mga childhood moment at memory ko. "Mama, is there a lechon there?" tanong ng anak ko habang inaayos ko ang damit niya. "And pekbet, too?" dagdag niya kahit hindi ko pa nasasagot ang unang tanong niya. "They do have lechon, but I don't think they serve pakbet, anak," sagot ko sa kanya. At bago pa siya malungkot ay nagsalita akong muli, "Don't worry, mama will personally cook pakbet for you." "Really? Yey!" aniya at mabilis akong niyakap at hinalikan sa pisngi. "Thank you, mama!" Niyakap ko rin siya pabalik at hinalikan sa noo. "All for you, anak. Mama will do everything she can to make you happy." Lumabas na kami at pumunta sa restaurant. Agaw pansin ang anak ko dahil sa matingkad na pagkakaputi my kulay niya at sa asul na asul niyang mga mata. And this is what I am scared of the most—kuhang-kuha niya ang facial features ng ama. Kahit hindi na magpa-DNA test ay malalalaman at malalaman talaga nila, lalo na ng mga nakakakilala kay Soul na anak niya ito. Pagkarating namin ay agad kaming inasikaso ng staff. It's a fine dining restaurant that serves high quality filipino cuisine, well that's based on the reviews I saw online when browsing good restaurants nearby our hotel. "Order whatever you want, anak," nakangiting sambit ko sa kanya dahil maliliit na servings lang naman ang per order. At handa naman akong ubusin ang hindi niya mauubos. "Okay, mama." Nagsimula na siyang um-order. Ang una niyang in-order talaga ay lechon, pagkatapos ay pakbet, adobo, at dinuguan. Then we waited for a few minutes for his orders to arrive. Tinanong niya pa ako kung ano ang gusto ko pero sinabi ko sa kanya na share lang kami sa pagkain. I didn't teach my son to live luxuriously kahit na afford naman namin at kaya kong ibigay sa kanya ang marangyang buhay. I wanted him to think that we're just like any average family that barely makes end meet para paglaki niya ay maging masinop siya sa pera; para magamit niya nang maayos ang ipapamana ko sa kanya. At isa pa, mas magandang unti-unti niyang mapagtanto na maykaya kami. I don't want to shove it to him and spoil him, ako lang din ang magdudusa. We shared the food together. Labis ang lundag ng puso ko nang makita kong masaya ang anak ko. It's the greatest thing for a mother like me. Iyon ang hindi ko ipagpapalit sa kahit na anong bagay sa mundo. Besides, iyon naman talaga ang rason kung bakit iginagapang ng bawat magulang ang bawat araw—ang makitang panatag at masaya ang anak nila. Seeing my son happy gives me courage to continue staying here in the Philippines. Ang ngiti sa kanyang mga labi ang nagbibigay sa akin ng lakas ng loob na harapin ang bawat araw dito, kahit pa ang araw na kung saan makikita kong muli ang mga taong pilit kong kinakalimutan. I am bound to meet them again kahit pa anong gawin ko. I also realized that I have to face them eventually and talk things out. Maybe that's the reason why I haven't really moved on; maybe the part that we didn't get to talk and process everything is what that stops me from moving forward. I love to talk with Soul and tell him everything I wasn't able to tell him, except my regrets of not fighting for our love. Gusto ko ring makausap si Sarah at humingi ng kapatawaran at makilag-ayos kahit na hindi na niya ako tanggapin muli bilang kapatid niya basta maayos lang namin ang gusot sa pagitan naming dalawa, ayos na 'yon. Siguro pagkatapos no'n ay kaya ko nang maglaho sa buhay nila; kaya ko nang mamuhay nang hindi sila naiisip; nang hindi binabalikan ang nakaraan. Pagkatapos naming mag-dinner ay minabuti naming bumalik na sa hotel room para magpahinga nang maaga. Nang makatulog si Sull ay siya namang bangon ko para lumabas at maghanap ng bar. One of the changes that happened to me after the major turning point of my life was my association with alcohol. I drink from time to time, especially on night to help myself sleep. Dahil may mga gabing hindi ako makatulog dahil bumabalik ako sa pinakamasakit na nangyari sa buhay ko. Sinigurado ko munang tulog na si Sull dahil nagagalit kasi siya sa tuwing umiinom ako. Minsan na niya akong nahuli at labis-labis ang pagtatampo niya. Mula noon ay patago na akong umiinom. Hindi rin naman ako magtatagal. Babalik din ako after one to three shots. I just need a dose of alcohol para sumipa ang antok ko. After kong makahanap ng malapit na bar ay umalis na ako. There were several bars to choose from but I chose a lounge type one since I hate crowds and loud music. It took me almost ten minutes to get there. And I didn't regret choosing it dahil relaxing ang ambiance ng lugar. The color scheme were gold, black, and gray paired with warm lights. Malamyos din ang musikang pinapatugtog. I went to the bar counter and ordered a cocktail. Habang naghihintay sa inumin ko ay biglang may tumabi sa akin. Agad na nahagip ng ilong ko ang pabango niya kaya agad akong napatingin kung sino ito dahil pamilyar ang amoy. Pagkalingon na pagkalingon ko ay bumungad sa akin ang mukha ni Soul habang matamang nakatitig ang kulay bughaw niyang mga mata sa akin. "I knew it. Ikaw talaga 'yong nakita ko kanina, Cea." Nakaramdam ako ng kirot nang tawagin niya ako sa palayaw na siya mismo ang nagbigay. Hindi ko na hinintay pa ang order ko. Nag-iwan ako ng pera at mabilis na lumabas ng bar. No. Not this time, Soul. Hindi pa ako handang makita ka.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD