Kabanata 4

1115 Words
Celestine's Point of View "Cea!” Napapikit ako nang tawagin ako ni Soul, but I didn't stop. Nagpatuloy ako sa paglalakad nang mabilis dahil ayokong maabutan niya ako. Not this time. Hindi pa ako handa. Naikuyom ko ang aking magkabilang kamay nang manumbalik ang sakit na ilang taon ko nang pilit kinakalimutan—ang sakit na dulot ng panghihinayang. It has been eating me ever since I decided not to fight for us; when I let my unselfishness get ahead of me and let go of him. That decision has been haunting me every night that I couldn't sleep sane unless I get a dose of alcohol. Ilang beses akong nagmura habang pilit na inaalala ang dinaanan ko kanina. Nagsisisi akong lumabas pa ako para uminom. I should have stayed in the hotel room and wait 'til I fall asleep. Well, hindi ko rin naman kasi inaasahan na magkikita kami. Boracay is way too big for the both of us, and there are probably a hundred of or even more bars and clubs around. Mukhang pinaglalaruan talaga ako ng tadhana. Fate must have seen enough of my issues and dramas and wants me to face them one by one. Kung iyon nga, gusto ko rin naman 'yong mangyari, pero hindi pa ngayon. Hindi muna ngayon. Hindi lang sarili ko ang kailangan kong ihanda kundi pati ang anak ko. I don't want to hurt him on the process. At ayoko ring madulas at maipaalam sa kanila na nagbunga ang kapusukan namin ni Soul dahil maraming masasaktan. Maraming buhay ang masisira, at isa na roon ang buhay mismo ng anak ko—ang pinaka-importanteng tao sa buhay ko. He's the least person I wanted to hurt. "Saan na ba kasi 'yon?!" gigil kong sambit habang pilit na inaalaa ang mga palatandaan ko kanina. Sa taranta ay nakalimutan ko na tuloy. Bwisit! Saglit akong lumingon sa likuran ko para tingnan kung sinusundan pa rin ba ako ni Soul, pero natigilan ako nang makita kong wala na siya. Agad akong nagpalinga-linga dahil doon ko lang din napagtanto na napunta ako sa medyo tahimik at madilim na parte ng beach. Hindi kalayuan sa kinaroroonan ko ay rinig ko ang tugtog na nagmumula sa night clubs. Napamura na lang ako bago nagdesisyon na bumalik na. Pero muli akong natigilan nang may makasalubong akong grupo ng mga banyaga na sa tingin ko'y nakainom na. Napatingin sila sa akin at ngumiti. "Hi there, pretty. Are you alone?" tanong ng isa na may British accent. Pinasadahan niya pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Bigla tuloy akong kinabahan at napayakap sa sarili ko. Nakasuot lang kasi ako ng two piece na pinatungan ng puti na see through dress, dahil plano kong magbihis pagkatapos ko nang uminom. "I...I am with someone," sagot ko at huminga nang malalim bago payukong dumiretso ng lakad dahil ayokong makita ang mga nakangisi nilang mukha. Napalunok ako nang mapadaan ako sa gawi nila. Binilisan ko pa ang paglalakad dahil ramdam ko ang titig nila sa akin. "Hey!" tawag ng isa sa akin pero hindi na ako lumingon. Hanggang sa maramdaman kong may humawak ng kamay ko kaya napatili na lang ako. Pagtingin ko ay si Soul pala na bakas ang pag-aalala sa mukha. Tumitig sa akin ang asul niyang mga mata, "Binastos ka ba ng mga 'yon?" tanong niya bago tiningnan ang mga foreigner. "N-No," mabilis kong sagot dahil ramdam kong susugurin niya ang mga 'yon kapag hindi ako nakasagot agad. "Wala silang ginawa sa akin. Kinausap lang nila ako," dagdag ko pa para kumbinsihin siya. Tumango lang siya bago ako muling tiningnan. "Are you okay?" malambing niyang tanong. Naikuyom ko ang kamay ko bago mabilis na inalis ang pagkakahawak niya. "O-Oo," sagot ko at muling naglakad. "Aalis na ako. Salamat sa tulong." "Sandali..." Hinawakan niyang muli ang kamay ko para pigilan ako. Marahan niya akong hinila paharap sa kanya. "Aalis ka nang gano'n-gano'n lang?" "Oo," diretsong sagot ko habang nasa ibang direksyon ang tingin. "There's no need for me to stay here anyway." "Wait," muling pigil niya. Pilit niyang hinuli ang tingin ko. "I don't mean to assume anything, but are you trying to avoid me?" tanong niya, pero sa pagkakasabi niya ay alam kong hindi iyon tanong. He sounded like he knew the answer already; and it was more of a statement rather than a question. Gusto ko na lang matawa sa sinabi niya. How stupid is he to say that? Malamang! Kalmado kong sinalubong ang mga mata niya. "Isn't it obvious?" tugon ko at pilit na ngumiti. "I am clearly avoiding you, so please do me a favor: stop following me," dagdag ko at inalis ang kamay niya. Tumalikod na ako at mabilis na naglakad. "Let's talk," sambit niya nang ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko. "I have so many things I wasn't able to say, Cea. Ang dami kong gustong sabihin sa 'yo," dagdag niya bago ko naramdaman ang unti-unti niyang paglapit sa akin. Napahinga ako nang malalim nang magsimulang bumigat at kumirot ang dibdib ko. May kung anong bumara sa lalamunan ko kaya napalunok ako bago siya hinarap. "And those are better left unsaid, Mr. Consunji," sambit ko sa kanya at pinilit ang sarili na ngumiti kahit sa kaloob-looban ko ay muli na naman akong nadudurog. Muli na namang nagbukas ang mga sugat na akala ko'y tuluyan nang naghilom. Mahigpit kong ikinuyom ang magkabilang kamay ko para kontrolin ang emosyon ko at mapigilan ang sarili kong maiyak habang sinasalubong ang titig niya. "It's been years already, kaya tama na. By now, you probably have moved on, j-just as I did,” dagdag ko pa at kamuntik na akong mautal dahil tila may bumara sa aking lalamunan. “Just l—” “I really have to go. Someone is waiting for me back in the hotel,” putol ko sa sasabihin niya sana. “And don’t you dare follow me because I will not hesitate to file a report against you,” banta ko sa kanya at matalim na tiningnan ang mga mata niya. “I just want to remind you that you’re nothing but a stranger to me now, Mr. Consunji,” dagdag ko pa bago tuluyang tumalikod at naglakad na. Matapos kong makahakbang ng ilang beses ay doon na tumulo ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Napapikit na lang ako at huminga nang malalim. Ang sakit pa rin pala. Akala ko okay na. Akala ko ayos na ako; na nabuo ko nang muli ang puso ko, pero hindi pa pala. Isa lang palang ilusyon ang lahat. Hanggang ngayon ay hindi pa rin pala talaga ako nakakausad. I am still stuck from the pain of giving in to his forbidden lust.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD