Celestine’s Point of View Pagkapasok ko sa kwarto ay doon lang nag-sink in sa akin ang lahat. Hindi ko lubos maisip na nagawa ko ‘yong sabihin; na nakaya kong magdesisyon nang gano’n. I didn’t expect my desire to be with Soul is that much to the extent that I am willing to compete for his love against my sister. Huminga ako nang malalim bago ako umupo sa sulok ng kama. I stared at the blank ceiling and started to rethink my actions. Napapikit na lang ako bago hinayaang mahulog ang katawan ko sa kama. “Can I still take it back?” bulong ko sa sarili ko. Parang hindi ko kaya. I only said those words out of impulse. Hindi ko kayang maging kabit lalo na kung ang magiging karibal ko lang din naman ay kapatid ko. Gumulong-gulong ako sa kama dahil sa labis-labis na frusration na nararamdaman

