Celestine’s Point of View Ilalayo ko na sana ang mukha ko kay Soul nang hawakan niya ang magkabilang pisngi ko. He pulled me closer to him to deepen the kiss. Ramdam na ramdam ko ang marahang paggalaw ng mga labi niya na para bang ninanamnam ang bawat sandali. Napapikit ako at ibinalik ang intensidad ng halik na ibinibigay niya sa akin. ‘Just this once,’ sambit ko sa isipan ko bago ko inangkla ang magkabilang kamay ko sa kanyang leeg. “Just this once, susundin ko ang dikta ng puso ko,” dagdag ko at mas nilaliman pa ang halik at hinayaan ang sarili na tuluyang malunod sa mga labi ni Soul. Nang maghiwalay ang mga labi namin ay tinitigan niya ako. His eyes looked at me with sadness and desire. “I will fight for our love, Cea. Gustuhin mo man o hindi, hinding-hindi na kita bibitawan,” sambi

