Kabanata 7

2118 Words
Miranda’s POV Alas 7 na nang umalis kami sa aming pinatilihan.. Madilim pa ang gubat nang pasukin namin kaya dala-dala namin ang flashlight na siyang nagsisislbing ilaw sa paglilibot namin ng gubat. Hindi nanatili sa iisang lugar lamang ang aking mga mata at sa kung saan saan na lang ito napupunta. Hindi ako mapakali at pinilit kong alamin ang kakaibang laman ng gubat na ito lalo pa at kahapon pa ako hindi mapakali rito. Kahapon pa ako hindi mapakali nang iniisip lalo pa at alam kong may mal isa kagubatang ito, may mal isa bundok na ito. Abala sila Oliva at Miranda sa kanilang boyfriend. Mahigpit na nakahawak ang kanilang mga kamay habang ako ay tanging ang flashlight lang ang aking hawak. Seryoso kong nilibot ang buong kagubatan hanggang sa hindi ko na namalayang tuluyan na pala silang nakalayo sa akin. Napatingin ako sa aking relos. Ngayon ay alas 7:30 na nang umaga at kahit papaano ay ramdamm kong sumusikat na rin ang araw. Hindi sa nakasanayang alas sais y media ang sikat ng araw sa bundok na ito. mas matagal ito sa nakasanayang oras ng pagsikat at ganoon rin ang paglubog ngunit alam kong kahit pa sisikat ang araw ay hindi pa rin naman napapasok ng liwanag ang loob ng kagubatang ito. Kahit mataas pa ang araw bukas nang dumating kami ay madilim na itong guibat kaya sanay na akong isipin na kailanman ay hindi na ito napapasok ng liwanag. Napatingin ako sa aking mga kasama. Habang patagal nang pataga lay papalayo nang papalayo rin ang kanilang mga presensya. Hindi na ako nag-atubiling habulin ang mga ito lalo pa at alam kong pareho naman silang mag-eenjoy kasama ang mga mahal nila sa buhay. Habang ako itong walang kasama ay walang ibang pwedeng gawin kung hindi ang libutin ang buong gubat na ito at alamin at nakatagong kakaiba na kahapon ko pa lang napapansin. Marahan ang bawat paghakbang ko. Bawawt hakbang ko ay kaakibat iyon ng mga masusuring tingin na sa kung saan na lamang napupunta; sa puno, sa lupa, ni bawat paghakbang ko ay masuri kong pinagmasdan at baka makakuha ako ng kahit na anong impormasyon na siyang sasagot sa sarili kong mga tanong. Pinatay ko ang aking flashlight lalo pa at tuluyan na ring nagliwanag. Hindi man nakapasok ang sikat ng araw ngunit kahit papaano ay tanaw na tanaw at maliwanag na maliwanag na rin ang aking paligid. Inilagay ko ang flashlight sa aking at bago ko pa man mabalikwas ang takip nito ay kaagad kong naramdaman ang mabilisang pag-ihip ng hangin sa aking paligid. Malamig ang hatid niyonna siyang ramdam na ramdam ko lalo pa sa aking leeg sa balikat. Hindi ko tuluyan nailagay ang flashlight sa aking bag sa halip ay mabilis ko na lang iyong inilabas muli at mabilis na binuksan at masuyong itinapat sa matahimik na gubat. Pinalibot ko ang aking paningin sa buong kagubatan. Alam kong hindi normal ang hangin na iyon lalo pa at tahimik ang kagubatang ito at ni kunting galaw lang ng mga dahon ay wala akong napansin. Wala akong naramdaman ihip ng hangin bukod doon kaya hindi ko maiwasang lumaganap na naman ang aking kuryusidad sa sarili. Mas lalo lang lumawak ang aking kuryusidad ngayon. “May tao ba rito?” wika ko. nagbabakasaling may lilitaw bukod sa akin at sa mga kasama ko. Sa kung saan-saan na lang napupunta ang aking flashlight. Hindi na ako nakapaghintay pa at muli kong ginalaw ang aking mga paa ngunit hind isa parehong direksyon na tinahak ko kanina. Sa direksyon kung saan alam kong patungo doon ang ihip ng hangin n amabilis na dumaan sa akin kanina. Nasa harpaan ko lang nakatuon ang aking atensyon at kailanman ay hindi na ako lumingon pa pabalik. Habang malayo nang palayo ang aking paghakbang ay mas lalo lang lumawak ang mga bagay na nasa aking isipan. Mas lalo ko lang naramdama ang kakaibang pangyayari sa kagubatang ito. Patuloy ako sa paghakbang. Napahinto ako nang mamataan ko ang isang kahina-hinalang marka. Mabilis na bumaba ang aking paningin doon. Isang yapak ng paa ang aking nakikita ngayon. Itinuon ko ang hawak kong flashlight doon kasabay ang pag-upo ko at nang mas makiita ko nang mas malinaw ang marking iyon. Napatingin akong muli sa aking paligid at muling sinuyo kung mag tao ba rito at nang malamang wala ay Muli akong bumaling sa markang iyon. Alam kong yapak ito ng tao. Hindi ako pwedeng magkamali at sa nakikita ko ay hindi pa ito matagal. Kung tutuusin ay detalyadong-detalyado pa ang markang ito kaya alam kong kanina og kahapon pa ito nailikha. Hindi ako pwedeng magkamali nang iniisip at iyon ay ang may ibang taong nandito bukod sa amin ng mga kasamahan ko. Nagapatuloy ako sa paghakbang. Bukod sa yapak ng pang nakita ko ay wala na akong ibang napansin pa. Hindi ko alam kung bakit nag-iisang yapak lang iyon kaya iyon ang mas lalo kon pinagtataka. Nagpatuloy na lang ako sa paghakbang patungo sa direksyong tinahak ko. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin sa paghakbang kong ito basta ang tanging nais ko lang ay ang malaman ang sagot sa sarili kong mga tanong. Isang malaking puno ang bumungad sa akin. Gugustuhin ko man ang humakbang pa nang tuluyan ngunit alam kong wala na akong madadaanan sa direksyong nauis ko. Nais kong sumilip kung ano ang nasa dulo ng dereksyon ito ngunit hindi ko magawa lalo pa at masyadong malaki ang punong nasa aking harapan kaya sapat iyon upang tuluyang maharangan ang aking paningin. Muli say binuksan ko ang hawak kong flashlight at itinuon iyon sa malaking puno na nasa aking harapan. Nilibot ko ang aking paningin sa buong kagubatan at ang malawak ngunit madilim at matahimk na gubat ang siyang inaasahan kong madatnan. Hindi na rin ako naninibago pa sa pakiramdam at kalagayan ng kagubatang ito. I even wonder how long this forest like this. Kung may mga hayop bang naninirahan dito bukod sa mga ibon at mga hayop na makikita lamang sa himapapawid. Isang araw na kaming nandito sa gubat na ito ngunit ni isang beses ay hindi ko pa nakitang may nilalang bukod sa amin ang lumitaw sa aking paningin. Ni hayop na masaya at malikot na gumagalaw sa loob ng kagubatang ito ay hindi ko napansin. Akmang hahakbang na sana ako papalayo sa punong iyon nang mapansin ko ang kakaibang marka sa punong nasa aking harapan. Kapansin-pansin ang markang iyon at hindi ko maiwasang mapatingin doon nang masuyo. Hindi ko maiwasan ang mapakunot ng noo lalo pa at hindi ko alam kung sino ang taong may likha ng markang ito dito. Alam kong hindi pa ganoon katagal ang markang ito nang inilikha. Lalo pa at masyado pang sariwa ang pagkakaukit nito. “ALASTAIR” malaking titik ang pagkakasulat sa pangalang iyon. Mas lalo lang napskunot ang aking noo. Mas lalo ko lang idiniin ang hawak kong flashlights doon at mas lalong binigyan ng masususyong atesnyon. Alam kong pangalan ang nakaukit dito. Ngunit kanino? Sino ang taong nag-ukit ng pangalang ito? Lalo pa at alam kong hind pa matagal nang maukit ang kakaibang katatagan sa malaking punong ito. Ano-ano ang koneksyon ng mga pangalang nakaukit sa malaking batong iyon kanina? At sino naman ang taong lilikha ng ganitong klaseng pamamaaran? Kasabay ng paglawak ng aking pag-iisip ay siyang dahan-dahang paggalaw ng aking kamay. Nais kong malaman sa araw na ito ang sagot ng sarili kong mga tanong. Alam kong may dahilan kung bakit nila ito ginawa. Alam kong may ibig sabihin ang siyang namamalagi sa likod ng mga pangyayaring ito at hindi ko alam kung ano-ano ang mga iyon. Marami na ang mga taong ang siyang mamalagi sa aking isipan. Habang malayo nang palayo paghakbang ko at patagal nang patagal ang pananatili namin sa bundok na ito ay mas lalo lang lumawak ang aking kuryusidad at hindi ko alam kung tama pa ba ang mga ito. Pakiramdam ko ay bumabagal ang takbo ng mundong ginagalawan ko. Habang marahan kong inangat ang aking kamay at dahan-dahan iyong inilapit sa katatagang nakaukit sa malaking punong ito ay pakiramdam ko ay dahan-dahan rin akong nawawala sa aking sarili. Hindi ko alam kung bakit parang kay gaan ng aking pakiramdam at wala nang ibang laman ang aking isipan kung hindi ang hawakan lang ang katatagang iyon. Ilang pulagada na lang ang layo ng kamay ko patungo sa katatagang nakaukit nang mabilis kong naramdaman ang biglaang pag-ihip ng hangin at kasabay n’on ay ang pagbaba ng aking kamay dahilan upang maibalik ang dati kong sistema. Ngayon ko lang napansin na kakaiba ang nararamdaman ko kanina ngunit ngayon ay tuluyan na rin akong natauhan. Sa katatagang iyon pa rin nakatuon ang aking atensyon ngunit ngayon ay alam ko at kabisado na akong may ibang taong nagmamasa sa akin ngayon. Lalo pa at ramdam na ramdam ko ang presensya ng nilalang na dumaan sa aking harapan ngunit hindi ko naman iyon tanaw. Kaya ngayon ay mas lalo lang akong nahihiwagaan at masd lalo lang lumawak ang aking kuryusidad ngayon. “Magpakita ka. Alam kong kanina ka pa nagmamasid sa akin,” malakas na sambit ko at kasabay n’on ay ang pagtuon ko ng hawak kong flashlight sa aking harapan. Wala akong ibang namataan sa puntong ito. Ni hindi ko na naramdaman pa ang ihip ng hangin sa aking paligid. “Magpakita ka!” sigaw ko kasabay ng paglingon ko sa paligid ngunit ilang segundo akong naghihintay at hindi ko pa rin nakuha ang atensyon na hinahangad kong maramdaman o ang mapansin. Tahimik ang buong gubat. Wala akong napansin ni kunting galaw o kunting ihip ng hangin. Nilibot ko ang aking paningin sa buong gubat at pinilit na mapansin ang kakaibang pakiramdam o selyales ngunit wala akong mapansin. “Hindi mo alam ang pinasok mo.” Isang malamig na boses ang mabilis na humihip sa aking atensyon. Hindi kaagad ako lumingin ngunit alam kong nasa likuran ko lang siya ngayon, sa harap ng malaking puno kung saan ako nakaharap kanina. Hindi ko alam kung ano ang nararapat kong maramdaman ngayon. Hindi ko alam kung ano ang nararapat na maging reaksyon. Kung matakot ba ako o aastang wala lang sa puntong ito. Lalo pa at alam kong sa puntong ito ay nandito na, nasa aking tabi na ang mga sagot na nais kong malaman simula nang dumating ako rito. “Si-sino ka? A-ano ang kailangan mo sa ‘kin?” hindi ko maiwasang mautal lalo pa at naghahalo ang takot at kaba na siyang aking nararamdaman sa puntong ito. Alam kong kakaiba siya sa mga taong kilala ko, sa mga taong nakasanayan kong pakisalamuhan. Marahan akong humarap ngunit napahinto rin ako nang marinig ko siyang nagsalitang muli. “Ikaw, ano ang ginawa mo dito?” malamig na boses ang pinakawalan niya. Ang boses na kailanman ay hindi pamilyar sa akin. I can feel his lifeless voice at hindi ko alam kung bakit at ano ang dahilan ng mga lamig sa likod ng boses na iyon. “Who are you?” tanong kong muli. Sa puntong ito ay gustong-gusto ko na siyang harapin at nang makita ko ang kanyang mukha ngunit hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung bakit, kung takot ba akong harapin siya o takot akong alamin ang mga sagot sa likod ng aking mga tanong. “Ang mortal na tulad mo ay hindi gugustuhin makilala ang tulad ko,” ang katatagang binitawan niya. Hindi na ako nag-aksaya pa ng ilang minuto at mabilis ko rin siyang binalingan ng tingin ngunit bago pa man ako tuluyang nakalingon sa kanyang kinaroroonan ay wala na siya roon. Kasing-bilis ng hangin ang kanyang pagkawala at hindi ko alam kung anong klaseng nilalang ba ang tulad niya. Ni hindi ko man lang nakita kung tao ba siya o kung ano ang istura niya. Ngunit ramdam na ramdam ko ang kakaiba sa kaniyang awra. Ang boses niyang nagpapalakas ng lukso ng aking dugo. Mabilis kong nilibot ang buong gubat sa pag-asang makita ko siyang muli. Sa pag-asang mamataan ko siyang muli at nang makausap siya at makilala. Ngunit wala. Nakailang hakbang na ako ngunit hindi ko na siya nakita pang muli. Ni hindi ko na muling naramdaman ang malamig na ihip ng hangin na iyon kanina lang. Hindi ko alam kung anong klaseng nilalang siya. Ngunit alam kong matagal na niya akong pinagmamasdan mula nang dumating ako dito sa gubat. Alam kong matagal na niya akong napansin at pinagmasdan nang palihim. Ngunit bakit? Ano ang tinutukoy niyang Mortal na tulad ko? Anong klaseng nilalang siya? At ano ang ibig niyang sabihin sa mga katatagang binitawan niya? “Mali ako nang pinasok.” Ang katatagang kailanman ay hindi ko maalis sa aking isipan. Ang unang katatagang kanyang binitiwan at unang katatagang tumatak sa aking isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD