Augustus POV
"May mga mortal na namang nakapasok sa gubat, Augustus."
rinig kong wika ni Theo. Ngayon ay pareho kaming nakaharap sa malawak na kagubatan.
Hindi maari! Bakit sa ganitong panahon ay palagi na lang may napapadpad sa bundok na ito? Bakit sa tuwing kabilugan ng buwan ay palaging may napadpad na mga mortal?
Ginawa na namin ang lahat nang aming makakaya para itago ang lugar na ito. Pinilit naming alisin ito sa mga alaala ng mga taong nanggaling ito roon. Pinilit namimg alisin ang lugar na ito sa mapa. Ni hindi namin hinahayaang may kung anong bakas ng alaala ang lugar na ito ngunit kusang may mga taong napapadpad pa rin at alam kong hindi siya titigil. Alam kong hindi siya titigil hanggang sa hindi niya makuha ang kanyang gusto.
Hindi puwedeng may makakapuntang mortal na tao sa lugar na ito dahil tiyak na manganganib ang mga buhay nila. Tiyak na nanganganib ang buhay nila laban sa halimaw na iyon. Kaya kailangan nilang makabalik sa mundo ng mga tao sa mas madaling panahon.
"Nanganganib sila, Theo. hindi sila dapat magtagal sa lugar na 'to isa-isa silang mamatay, isa-isa silang iaalay sa pulang batis kaya dapat nilang lisanin ang gubat na ito sa mas madaling panahon." matigas na sambit ko na alam kong alam na ng kawal ko ang sinasabi kong iyon. Mas lalo lang kumuyom ang aking kamao sa puntong ito lalo pa at ramdam na ramdam ko na naman ang galit sa aking sarili.
Kung kailan ko na nakalimutan ang pangyayaring iyon ay saka pa bumalik ang sitwasyon na mayroon ako mahigit isang daang taon na ang nakalipas.
Muli ko na namang naaalala ang nangyari, mahigit isang libong taon na ang nakalipas.
"Anong balak mong gawin?" umiling ako't iniwasan ko ng tingin si Theo. Pati ako ay hindi ko alam ang aking gagawin ngunit isa lang naman ang nais kong mangyari at iyon ay ang protektahan ang mga mortal na iyon laban sa hayop na si Alastair.
Napatingin ako sa malawak na tanawin nitong bundok. Hindi ko na napigilang lumabas unti-unti ang mga pangil ko sa galit na nararamdaman sa oras na malaman ni Alastair na may mga mortal na tao na namang napadpad sa mount pulog o parang malam na niya ang lahat na ito sa una pa lamang.
Hindi pwede. Kailangan ko silang iligtas kagaya nang ginawa ko dati. Kailangan ko silang mailayo sa lugar na ito bago pa malaman ni Alastair na may mga mortal na namang napadpad sa lugar kung saan namumugad ang mga bampira. Kung saan kami nanatili mahabang taon na.
"Uunahan ko siya, uunahan ko si Alastair bago mahuli ang lahat bago muling dumaloy ang dugo sa pulang batis, Theo." Sambit ko sa aking kawal.
Mariin akong tiningnan ni Theo. Sa mga mapupula kong mata pinaikot ko ang tingin sa paligid. Siniguradong walang kahit na sino man ang nakakarinig sa kanila lalo pa at alam kong nasa paligid lang sila at posibleng marinig nila ang pag-uiusap ko ng aking kawal.
"Nasa likod mo ako, Augustus. ako ang bahala sa mga kawal. Iligtas mo sila tulad ng ginawa mo noon kay Veronica, ilang libong taon na ang nakalipas," ngayon ay bigla kong naitagong muli ang aking mga pangil nang marinig ang sinabi ni Theo.
Unti-unti na namang naging malinaw sa akin ang pangyaayring nagaganap mahigit isang libong taon na ang nakalipas. Ngunit sa puntong ito ay pinapangako ko sa sarili ko na kailanman ay hinding-hindi na iyon mangyayari. Hindi ako makakapayag kahit pa ibuwis ko ang aking buhay para lang doon.
Ayaw ko nang dagdagan pa ang mga pagsisisi ko sa aking buhay.
Veronica... Isang libong taon na ang nakalipas at heto na naman at may panibago na namang bibiktimahin si Alastair. May bago na naman akong suliranin at ililigtas. May bago na naman akong susundan at lalabanan. Si Alastair, ang walang awang bampira at wala ni ano man ang iniisip kung hindi ang sarili lang.
Natigilan ako sa mga naalala tungkol kay Veronica sa unang mortal na niligtas ko mula sa kapahamakan isang libong taon na ang nakaraan. Muli kong pinagmasdan ang dalaga sa salamin kong saan nakaupo sa may lagusan na 'di nito alam.
Kitang-kita ko kung paano nito pinagmasdan ang mga katatagang nakaukit sa batong matagal ko nang inaalagaan. Ang batong iloang siglo nang nandoon at kailanman ay wala akong balak na hawiin iyon sa kagubatan at gayon man sa aking alaala.
Lagusan kung saan nakaukit ang mga pangalan namin ni Veronica. Sa malaking bato na iyon ang siyang nagsisilbing lagusan namin patungo sa lugar ng mga mortal na mga tao.
Augustus 1890
Veronica 1920
Ang mga letrang sariwang-sariwa pa sa aking mga alaala bago ko siya pinalabas sa lagusang 'yon ay hindi na kailanman pa hinayaang makabalik muli sa lugar na ito at hindi pwedeng mangyari pang muli. I removed everything happened in this forest at tulad ng palagi kong ginagawa ay kinakalaban ko si Alastair para lang manatiling buhay ang taong palagi niyang naging biktima laban sa mga nais niyang gawin.
Nanganganib ang mga mortal na taong pumupunta rito. Walang pinaglagpas si Alastair. Lahat ay papatayin niya't iialay sa batis na pula at iyon ang siyang naging problema ko. Kay bilis kung tumakbo ang panahon. Mahigit isang-daaang taon na ang nakalipas at sariwang-sariwa pa sa akin ang lahat. Lahat lahat ay kailanman ay alam kong hinding-hindi ko na iyon makakalimutan pa.
Kailangan kong magmadali bago pa mahuli ang lahat. Bago pa ako maunahan ni Alastair, ang bampirang hangal na siyang naging kalaban ko libo-libong taon na rin. Ang bampirang walang ibang hinangad kung hindi ang sarili lang. Hindi ko alam kung hanggangff kailangan kami magkakaganito. Kung habang buhay ba o kung kailangan namin kakalabanin ang isa’t-isa.
Si Alastair- ang immortal kong kaaway.
Kitang-kita ko ang pagmamadali ng dalagang umalis mula sa kinauupuan niya kanina. Halatang napansin niya ang mga nakaukit na letra doon. Naalerto ako't inalam kung may ginawa ba siya roon. Ngunit wala naman. Mas lalo lang akong napatitig sa dalagang iyon nang dumaan sa pang-amoy ko ang simoy ng hangin na iyon. Hindi ko alam ngunit may kakaiba akong naramdaman sa babaeng iyon. Alam kong hindi siya norman at halata iyon sa kanyang bago, pagkatao at angking galaw.
Sa ilang saglit kong pagtitig sa babaeng iyon ay mabilis akong lumapit sa malaking bato kung saan nakaukit ang pagmamahalan at ang sumpaan namin ni Veronica noon. Kasing bilis ng hangin ang aking galaw at nagtungo sa batong iyon. Sinundan ko ng tingin, ang papalayong mortal na 'di nag-atubiling lumingon sa kinatatayuan ko. Siguro nabasa nga niya ang mga pangalang ito gayon ramdam na ramdam ko ang pagtataka sa kanyang mukha. Kitang-kita ko ang gulat sa kanyang mga mata nang makita niya ang mga katatagang nakasulat doon.
Siguro nagulat siya sa nakita niya kaya ganoon na lang siya kung magmadaling umalis at lumisan sa puting batong ito. Ang lagusan. Ngunit wala na akong magagawa. Kahit ilang beses kong itinago ang batong ito ay may isang tao pa ring kakaiba at nakikita ang bagay na siyang matagal ko nang iniingatan. Alam kong siya ang sadya ni Alastair at kailangan kong pigilan iyon.
Kailangan kong sundan at suriin ang bawat galaw ng babaeng ito ngayon.
Tiningnan ko ang babaeng mortal at sinundan gamit ang mapupula kong mga mata. Alam kong hindi lang siya nag-iisa. Alam kong marami sila kaya kapag nalaman ito ni Alastair ay tiyak na hindi niya ito papalampasin. Tiyak na anumang minuto ay sisimulan na niyang lagasin ang mga 'to, sa oras na malaman niyang may mga mortal na tao na namang napadpad rito.
"Gagawin ko ang makakaya ko. Hindi ko hahayaang makulong kayo sa sinumpang lugar na 'to. Hindi ko hahayaang matulad ka kay Veronica, ililigtas kita, Ililigtas ko kayo," kaagad akong naalerto nang mamataan ang dalawang lalaking papunta ngayon sa kung saan ako nakatayo. Kasaing-bilis ng hangin ay nilisan ko ang lagusang ito.
"Kailangan niyong lisasin ang lugar na ito. Hindi dapat kayo mananatili rito nang ilang oras kung maaari," bulong ko sa sarili ko para sa mga mortal na hindi ko hahayaang mangyari dito ang nangyari noon kay Veronica.
Ilang oras akong nakaabang sa kanila. Nasa tuktok ako nitong bundok. Alam kong hindi nila ako matatanaw gayong nasa pinakataas ako nitong bundok at tanging kaming mga bampira lang ang nakakarating dito.
Muling bumalik ang mga alaala kong naiwan sa aking pag-iisip libong taon na ang nakalipas. Pumikit akong hinyaang mamataan muli ang alaalang parang kahapon lang nangyari.
Veronica... Ang babaeng unang bumihag sa aking puso. Alam kong matagal na siyang lumisan sa mundong ito gayong kay ikli lang ng mga buhay ng mga mortal na ito. Alam kong kailanman ay hindi ko na siya makikita pang muli...
Ngunit nang makita ko ang babaeng mortal na iyon sa lagusan, parang muli na namang namumuo sa katawan ko ang nararamdaman ko noon kay Veronica. Alam kong kakaiba siya at iba siya mula sa mga normal na taong mortal. Ngunit hindi ko alam ang kung ano man ang kaibahan niya roon ngunit isa lang ang alam ko at iyon ay ang nanganganib ang kanilang buhay sa puntong ito, sa kamay ni Alastair.
Hindi ko gusto itong lukso ng aking dugo sa mortal na babaeng 'yon gayong posible itong maglagay sa akin sa alanganin at magsisilbing kahinaan ko laban sa lahat. Posible iyong maglagay sa panganib ng babaeng mortal na 'yon.
Mabilis pa sa hanging nilisan ko ang lugar kung saan ako nagmamatyag. Sinigurado ko na walang bakas itong mahahalatang may isang 'di pangkaraniwang nilalang ang nakamatyag sa kanila. Proprotektahan ko sila laban kay Alastair.
Proprotektahan ko sila tulad nang kung paano ko pinoprotektahan ang babaeng hanggang ngayon ay laman pa rin ng aking puso't isipan. Si Veronica- ang babaeng napadpad sa tagong lugar na ito kasama ang kanyang mga kaibigan. Ang kaibigan niyang tuluyan nang naglaho sa bundok na ito't inalay sa batis na pula. Kailangan kong protektahan ang babaeng 'yon laban sa mga kamay ni Alastair.
Kinabukasan ay maaga akong nagtungo sa bundok kung nasaan malinaw kong matanaw ang babaeng iyon. Malinaw kong pinagmasdan ang bawat galaw nito. Alam kong kumbinsido silang wala sino man ang taong nandito sa lugar na ito. Sigurado akong alam nilang sila lang ang nandito at wala nang iba kaya malaya nilang gawin ang numang nais nila sa gubat na ito.
Sa ilog ang tungo ng dalaga. Hindi ko man alam ang posibleng gagawin niya sa ilog na ito ngunit isa lang ang alam ko at iyon ay ang maliligo siya gayong dala niya ang kanyang towel ang mga sabon para sa katawan.
They’re so blind at kung maari lang ay hindi ko hahayaan si Alastair na malaman ng mga mortal na taong ito ang aming pagkatao.
Hindi ko maiwasang magulat sa nakita ko. Pinilit kong umiwas ng tingin ngunit hindi ko alam kung bakit kusa na lamang itong bumaling patungo sa kinaroroonan ng babaeng iyon. I keep on eye on her lalo pa sa imaheng taglay niya ngayon na hindi ko maiwasang mabuhayan ang aking p*********i na ilang dekada na ring nanahimik.
She’s naked., fully naked. Nakatampisaw sa malalim na tubig ang kanyang pang-ibabang katawan kaya hindi ko iyon tanaw ngunit kitang-kita ko ang hugis ng kanyang pangangatawan. She’s gentle at her every moves and I can’t do anything but to stare at her naked and tempting body shape. Sa mahigit isang daang taong pananahimik ay ngayon unti-unti na namang nabuhayan ang aking p*********i. Hindi ko maipagkakailang dahan-dahang umiinit ang aking sistema dahil dito. Kahit ilang beses kong sinubukang umiwas at huwag magpadala sa lukso ng aking damdamin ay hindi ko maiwasang matukso. Lalo pa at alam kong iyon ang siyang bagay na hindi ko makakalimutan, ang bagay na pinaparanas ni Veronica sa akin dati.
Hindi ako kailanman kumurap. Wala na akong pakialam pa kung tuluyan nang lunurin ang aking sarili sa bagay na iyon. Alam kong para sa aking kalagayan ay hindi uso ang ganitong pakiramdam. Dapat hindi ko nararamdaman ang mga bagay na iyon. Iyon ang nagsisilbing kahinaan sa nilalang tulad ko at kailanman ay alam kong hindi pwedeng magkatagpo ang landas ng isang mortal at bampira.