Kabanata 11: Muling Pagkikita

1309 Words
5 YEARS LATER "Melissa! Dito pa sa kabilang table pahingi daw ng sabaw! Doon pa sa dulo humihingi ng dagdag na kanin!" Tawag ng Tiyang Tutay niya. Matapos ang high school ay kinuha na siya ng kanyang Tiyang, kinuha siya bilang serbidora ng kantina nito na matagal nang nag-ooperate sa Makati. Malakas ang canteen na iyon dahil nasa tapat nila ang iba't ibang mga company. At ang mga trabahador doon ay kadalasang sa kanila kumakain. Simula ng maka-graduate siya ay dito na talaga siya nagtrabaho dahil wala naman kakayahan na pag-aralin siya ng college ng kanyang mga magulang. Nais naman sana niyang mag-aaral kaya lang hindi rin kakayanin at isa pa malaking tulong sa kanyang pamilya ang pagtatrabaho niya sa canteen ng kanyang Tiyang tutay. Limang daan din ang araw niya doon, libre pagkain, libre bahay at libre din ng mga pangangailangan niya sa katawan. Kaya naman ang 15, 000 na sinasahod niya buwan-buwan ay buo niya iyong nakukuha. At ipinapadala niya sa kanyang mga magulang napakalaking tulong niyon sa mga ito, malaking kaluwagan lalo pa at ang mga nakababatang kapatid niya ay nag-aaral pa. Mahigit limang taon na rin na hindi niya nakikita si Jarred, ang kanyang naging kasintahan noon na bigla bigla na lamang naglaho. At walang pasabi kung ano ang nangyari hindi naman niya masyadong sineryoso ang relasyon na iyon. Pero syempre kahit papano ay masakit din sa kanya dahil ilang buwan din silang naging magkasintahan at nasanay na rin siya sa presensya nito at isa pa iyon ang una niyang pag-ibig. At siya pa ang talagang naglakas ng loob na magtapat noon para makapagtapat na rin ito at naging sila ng dahil din sa kanya. Pero hindi na lamang niya iniisip iyon, siguro hindi talaga sila para sa isa't-isa kaya lang simula ng mangyari iyon at nakagraduate na siya ng high school. Hindi na rin ulit siya nagtangka pa na pumasok sa isang relasyon, ayaw na niya yung parang tinutortur ang isipan niya sa sa biglaang pagkawala ng lalaki. Masakit lamang sa dibdib kapag ganon, kaya tama ng mag-isa na lamang. Ni hindi nga niya alam kung ano ba ang nangyari dito dahil kahit na sa bahay ng lola nito ay wala siyang ma kausap man lang at matanong kung ano ang nangyari basta ang balita niya ay wala na ang magkapatid doon sa bahay ng lola nito. Lumipat na daw ng bahay at binenta na ang bahay ng mga ito. Wala man lang pasabi sa kanya, ano iyon biglaan? Samantalang magkausap pa lang sila nong umaga, ang ganda pa nga ng plano nolang dalawa. Nakaramdam din siya ng sama ng loob para sa lalaki, oo kasi kahit na bata pa siya noong una naging seryoso naman siya sa relasyon nilang dalawa ni Jared. Naging tapat naman siya at sa loob ng ilang buwan ay umikot ang mundo niya para sa lalaki. Siguro para kay Jared ay pag-ibig lamang iyon ng isang bata lalo pa at tatlong taon ang tanda nito sa kanya. Pero natitiyak naman niya sa kanyang sarili na naipadama niya ang pagmamahal niya sa lalaki kaya lang simula ng mangyari iyon na bigla na lang itong naglaho. Halos isang buwan na siyang nahirapan pero buti na lang talaga nalampasan na niya ang sitwasyong iyon. Ilang gabi rin siyang hindi nakatulog ayon sa kakaisip kung ano ang nangyari sa lalaki, umiiyak at nagtatanong kung anong naging kasalanan niya. Bakit bigla-bigla na lamang itong nawala hanggang sa kinaya na niya at dinagdag na lamang niya iyon sa kanyang experience about sa love. Kaya naman natakot na siyang sumubok ulit kahit na nasa tamang edad na sana siya ngayon. "Opo Tiyang! Nandiyan na po!" malakas na sigaw niya sa may edad ng tiyahin. Ganito araw-araw ang ginagawa niya sa canteen na iyon tatlo naman silang serbidora, isang maghuhugas, dalawang magluluto at ang kahera ay ang kanyang tiyahin. Pero dahil sa dami ng tao lalo na kung magtatanghalian ay hindi talaga niya halos kayanin. Pero kailangan niyang kumilos para makatulong sa kanyang pamilya hindi naman kasi siya naka-graduate ng college para makapagtrabaho sa company. At isa pa simula ng pumasok siya dito ay medyo gumaan gaan ang buhay nila. Hindi naman sa nagpapabaya ang kanyang mga magulang at iniaasa na lamang sa kanya lahat. Ngunit dalawa pa ang maliliit sa kanyang kapatid, tatlo pa ang nag-aaral. Hindi rin naman kalakihan ang kinikita ng kanyang Itay sa pagluluto nito ng pandesal at paglalako kaya kailangan ng tulong ng kanyang mga magulang. Hindi rin siya sumusubok na magtrabaho sa iba dahil baka hindi siya makahanap agad ng trabaho kapag nag-resign siya dito sa canteen. Papano na sila, papaano na ang kanyang mga kapatid lalo na yung mga nag-aaral. Narinig niyang sumigaw na ang customer kaya nagmamadali na siyang kumuha ng sabaw para bigyan ng mga ito. Pagdating niya sa table ng mga humihingi ng sabaw ay humingi siya ng pasensya. At magalang niyang ibinigay ang sabaw sa mga ito. Sa may bandang dulo naman ay humihingi ng extra rice kaya naman nagmadali ulit siyang nagtungo sa kusina para kumuha. Sa totoo lang nakakapagod sobra nakakagutom at minsan ay nahihilo na talaga siya. Pero hindi mo kasi maisingit ang pagkain kapag ganoong tanghali kaya yung kasamahan niya ay kumakain na mga 10: 00am pa lamang ng umaga. Pero siya ay hindi talaga nakakakain kaya minsan alas dos na ng hapon siya nakakakain pag humupa na ang mga tao. Mahirap para sa kanya pero kinakaya na lamang niya, isa pa mabait din naman sa kanya ang kanyang tiyahin. Kahit nga mga damit niya at mga personal na gamit na hindi naman na dapat nito binibili para sa kanya bilang tauhan nito. Ito ang bumibili kaya ibinabalik na lamang niya ang kabutihan nito sa kanya. Kumukuha siya ng kanin pero agad na inagaw ng isa niyang kasamahan dahil may mga bagong dating daw. Ito na ang magse-serve ng extra rice at asikasuhin na lamang daw niya ang mga bagong dating. Ang isa kasi niyang kasamahan ay nahihiyang mag-assist sa mga tao kaya naman ang ginawa niya ay agad na iniwan ang ginagawa dito at lumabas na para salubungin ang mga bagong dating. At ng maayos na ang table na gagamitin ang mga ito at makuha na rin ang mga order. "Sir, minsan lang naman kayo kumain sa ganitong klase ng kainan pero sinasabi ko sa inyo the best ang niluto dito. Lalo na yung favorite mo na dinakdakan naku sabi ko sayo mapapathumbs up ka talaga kapag natikman mo." narinig niyang wika ng isang lalaking kararating lang. Pero hindi niya iyon tinapunan man lang ng tingin dahil nasa grupo ng mga kababaihan ang kanyang atensyon, inayos niya ang mesang pagkakainan ng mga ito apat na magkakasama iyon at maging ang mga orders ng mga ito'y kinuha na niya. "Ano ka ba, huwag kang mag-alala. Okay lang, dati naman na akong kumakain sa mga ganitong kainan at saka mukhang malinis naman at masarap talaga ang pagkain. Sige na kumuha ka na ng table. May meeting pa ako kay Mr Madrigal, kaya kailangan nating bilisan." sagot ng lalaking nagtataglay ng baritonong boses. Pero napakunot ang kanyang noo dahil bakit tila yata parang pamilyar sa kanya ang boses na iyon. Kaya naman nilingon niya ang mga ito nakatalikod ang lalaking nagsalita, agad naman niyang inayos ang table na para sa dalawang tao lamang dahil dalawa lang naman ang mga ito. "Sir dito na po kayo. " nakangiti at magalang na wika niya sa mga ito at saka itinuro ang table na para sa dalawang lalaki. Noon naman sabay na lumingon ang dalawa. At sa paglingon ng lalaking nagsalita kanina ay napatitig siya dito ng husto at ganoon na lamang ang kanyang pagkagulat. Naghinang ang kanilang mga mata. Unti-unti ring nawala ang magandang ngiting nakapagkit sa kanyang mga labi ng mapagsino ang lalaki. "Jarred?!" "Melissa?!" Panabay pa nilang bigkas sa pangalan ng bawat isa. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD