Kabanata 12: Huli, Pero Hindi Kulong

1213 Words
“Magkakilala kayo sir?” Nagtatakang tanong ng lalaking kasama nito. “Hindi!” pabiglang sagot niya. “Oo!” pabiglang sagot din nito. “Yung isa ang sagot hindi, ikaw naman sir ang sagot oo. Sino ba paniniwalaan ko sa inyong dalawa? Mukhang magkakilala naman talaga kayong dalawa.” Naguguluhang wika ng kasamahan nitong lalaki. Minabuti niyang hindi pansinin ang sinabi ng lalaki at hindi na lamang din siya tumingin sa gawi ni Jarred. Sinabihan na lamang niya ang kasamahan nito na maaari na itong umupo sa hapag kainan at tinanong na rin niya ito kung ano ang order. Nahalata yata ng lalaki na ayaw na niya pag-usapan pa ang tungkol sa pagkakakilala nila ng Boss nito. Kaya naman pagtanong niya tungkol sa order ng mga ito ay agad na sinabi sa kaniya. Siya naman ay hinahangad na sanay magmadali dahil kung maaari ay ayaw na niyang makita pa ang lalaki. Tsaka natatakot siya na baka mahalata nito na apektado pa rin siya ng presensya nito. Sabagay sa totoo lang ay talagang naiilang siya sa presensya ng lalaki hindi naman niya akalain kasi na makikita pa niya ito. At talagang dito pa talaga sa kanyang pinagtatrabahunan. Matapos niyang kuhain ang order ng mga ito ay walang lingon likod na nagtungo na siya sa kusina para makuha ang order ng sa kabilang table at kina Jarred. Ang lakas talaga ng kabog ng kanyang dibdib dahil sa hindi inaasahang pagkikita nilang dalawa ni Jarred at maging ang kanyang isip at puso ay tila ba naaapektuhan pa rin nito. Andun yung panginginig ng kamay habang inaayos niya ang order ng mga ito at tila ba mawawalan din ng lakas ang kanyang tuhod. Pero kailangan niyang magtrabaho kailangan niyang mag-serve dito kung hindi baka mapagalitang siya ng kanyang Tiya. Kaya ilang sandali lamang ay dala-dala na niya ang order ng unang table pero kinakabahan siya at nanginginig ang kanyang mga kamay habang papalapit sa kinaroroonan ng mga iyon dahil ang table na kinauupuan naman nina Jarred ay katabi lang niyon. Ramdam niya ang mga titig nito na animo tumatagos sa kanyang puso habang nagsi-serve sila sa karatig na Mesa. Pero ipinagsawalang bahala na lamang niya iyon dahil mas mainam na mag-focus na lamang siya sa trabaho kaysa magkamali pa siya ng dahil lamang sa lalaki. At isa pa sobra namang nakakahiya kung mararamdaman pa ng lalaking ito na apektado pa siya sa mga nangyari sa kanila samantalang napakatagal ng panahon na nangyari ang tungkol sa kanilang dalawa atsaka bakit parang siya pa ang nahihiya. Wala siyang kasalanan dito, ito nga ang may problema dahil dapat nga siya pa ang magalit dahil sa biglaang pagkawala nito at biglaang pag-alis na hindi man lamang nagpapaalam. Ginawa siya nitong tanga na naghihintay noong graduation day nito. Nag usap pa sila tapos hindi rin naman pala pupunta at bigla-bigla na lamang maglalaho at ngayon pagkatapos ng limang taon saka magpapakita ito. Kaya dapat hindi siya mailang, dapat chill lang. Ayaw na niyang magkaroon pa ng kaugnayan sa lalaki. Kahit na pakiraramdam niya may hindi pa natatapos na ugnayan sa kanilang dalawa. Tama na iyong paghihirap niya noon dito, tama na ang sakit na nagbigay sa kanya ng trauma ng dahil sa pag iwan nito sa kanya. Maya-maya ay sa table naman nina Jarred siya nag-serve. Hindi siya nagsalita o kung ano pa man. Hindi katulad ng ibang mga customer na magiliw pa siya sa pagharap sa mga ito at magiliw pa niya na binabati ang mga ito. Pero pagdating kina Jarred ay tahimik lamang niya na inilapag ang mga order nito sa mesa. Pero ramdam niya na may tensyon sa kanilang dalawa kahit na walang nagsasalita ni isa man pero ang mga titig nito ay ramdam na ramdam niya na hindi nito iwinawaglit sa kanya. Patapos na siya sa pagserve ng biglang magsalita si Jarred. "Kumusta ka na?" Tanong nito. Bigla siyang natigilan. Di niya alam kung tama pa ba na sagutin niya ito o kaya ay makipag-usap dito na parang wala lang nangyari, na parang wala lang silang nakaraan na dalawa. Hindi siya nagsalita bagkus nilagyan na lamang niya ng tubig ang baso na nandoroon tsaka niya kinuha ang pitsel para lagyan ng inuming tubig at yelo. Ramdam niya na nakasunod ng tingin ng dalawa sa kanya pero wala siyang pakialam doon, mas mahalaga sa kanya ang kanyang trabaho kaya magse-serve na lamang siya sa mga ito hanggang sa makaalis. Wala siyang balak na makipag-usap pa sa lalaki. Naka-move on na siya at tahimik na ang kanyang buhay kaya naman wala ng karapatan pa ito na guluhin ulit. "Woi, Melissa bakit parang tulala ka diyan? Balisa ka rin kanina pa. Aahh siguro naiilang ka doon sa dalawang bagong dating 'no? Lalo na doon sa gwapong lalaki na iyon. Kanina ka pa nga pinagmamasdan non kung saan ka pumunta ay nakasunod ang paningin niya sayo. Hala baka nagustuhan ka naman Melissa. Sabagay ang gwapo gwapo naman ni sir at saka mukhang mayaman pa tapos ikaw naman maganda ka at bagay kayong dalawa." Wika ng kanyang kasamahang si Emy na noon ay nagmamasid pala sa kilos niya. "Pasaway, ano bang pinagsasasabi mo diyan. Hindi ako niyan mapapansin dahil serbedura lamang ako dito. Mukhang mayaman yung lalaki at saka siguro nagustuhan lang yung pagserve ko kaya nakatingin sa akin, ikaw talaga ma-issue ka." Naiiling na wika niya dito. Pero ang totoo ayaw niyang malaman na nito na may kaugnayan silang dalawa kaya ganoon umasta sa Jarred. "Sus Ikaw talaga masyado mong dinadown ang sarili mo. Alam mo ba na hindi ka nga talaga nababagay dito sa canteen. Sa ganda mong iyan at napaka-sexymo pa hindi ka talaga dito nababagay. Siguro kung nakapag-aaral ka, pag-aagawan ka ng magagandang company dahil sa gandang taglay mo. At pabilis ka rin namang kumilos, listo palagi at magaling sa diskate. Tsaka malaking tulong mga kay Ate Tutay dahil kapag may mga problema siya sa canteen. Ikaw ang naghareresolba kaya huwag mong minamaliit yung sarili mo. Hindi ka lamang nakapag-aaral kaya napunta ka dito sa ganitong trabaho pero sinasabi ko sayo hindi ka nababagay dito. Alam mo kung ano ang bagay sayo ang maging girlfriend ng lalaking iyun. Bagay talaga kayong dalawa, nakita ko kasi kayo na parang nag-uusap kanina kaya akala ko magkakilala kayo pero hindi pala, sayang naman." Mahabang wika pa nito. "Emy! Ikaw talaga, ang taas-taas naman ng tingin mo sa akin ay parehas lang naman tayo. At saka girlfriend ng lalaki niyan no way, kahit kailan hindi ko pinangarap na maging girlfriend muli ng lalaking iyan!" sambakol ang mukhang wika niya dito, pero huli na ng ma-realize niya ang kanyang sinabi. "Gilfriend muli? Ibig sabihin Magkakilala na kayo dati pa at naging kasintahan ka niya?" gulat na gulat na tanong ni Emy at napahawak pa nga ito sa bibig nitong halos malaglag na sa pagkakabuka. "Ha?! Ano ka ba, w-wala hindi ganon iyon! Ano ang ibig kong sabihin muli, kasi imposibleng walang mga naging girlfriend iyan hindi ba?" Kandautal na pagtanggi sana niya, pero medyo sablay nga lang. "Oo naging girlfriend ko sya Miss, at girlfriend ko pa rin siya hanggang ngayon." Halos sabay silang napatingin ni Emy sa nagsalita. Napamulagat ang mga mata niya ng mapagsino ang nagsalita. Si Jarred, simpatikong nakangiti at tila nagniningning pa ang mga matang nakatingin sa kanya. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD