“Ohh.. sabi ko na nga ba at magkakilala kayo eh. Pano maiwan ko muna kayo Melissa.” paalam ni Emy sabay lapit nito sa isang mesa na may costumer na humihinging kanin.
“Melissa, let me explain. Nais kong mapag-usapan natin ang nakaraan. Hindi ko akalain na nandito ka lang pala samantalang kung saan-saan na kita hinanap, talagang mapagbiro ang tadhana, napakalapit mo lang pala pero sa malayo pa ako naghahanap.” pahayag nito sa kanya.
Parang nais niyang bigwasan ang hinayupak na ito, aba akala umasta eh wala silang panget na nakaraan. Akala mo ay close pa rin sila na isang sabi lang nito na let me explain ay ayos na ang lahat.
Gusto pang makipag usap siya dito, at akala mo may karapatan talaga itong mag-demend sa kanya.
“Please, pwede bang mag-usap tayo? May mga nangyari lang ng time na iyon kaya bigla akong naglaho. Sana pagbigyan mo naman akong makausap ka.” pakiusap pa nito.
“Nagtatratabaho ako Jarred, pwede ba wag mo akong guluhin!” mahina pero may diin ang boses na wika niya dito.
“After nitong work mo, hihintayin kita sa labas. Mag-usap tayo sa lugar na makakapag-usap tayo ng payapa.” hirit pa nito.
“Pwede ba Jarred.”
“Please, pumayag ka na sobrang tagal ng panahon na ang ginugol ko paghahanap sayo kaya please pagbigyan mo na akong magkausap tayong dalawa. Hindi mo lang alam kung gaano ako nakonsensya sa mga nagawa ko sayo. Hayaan mo sana akong makapagpaliwanag para mawala na rin itong bigat ng dibdib ko sa tuwing naiisip ko ang mga kamalian ko sayo. ” muling hirit nito.
Nagulat siya dahil parang totoo ang mga sinasabi nito, di kaya nahirapan din ito aa nangyari sa kanila. Baka naapektuhan din ito kahit papano, pero sana man lang tumawag ito aa kanya noon.
“Miss, pahingi naman ng sabaw dito!”
“Miss, extra rice naman dito oh, tsaka tubig na malamig na rin!”
Sabay-sabay na sigaw ng mga customer, panira naman ang mga ito. Kaya lang nasa trabaho nga pala siya.
“Okey po, nandiyan na!” sagot naman niya sa mga ito, tsaka tatalikod na sana siya siya pero agad na hinawakan sa braso ni Jarred.
Piniksi naman siya ito.
“Ano ba Jarred, nagtatrabaho ako. Mapapagalitan ako sa ginagawa mong iyan eh!” singhal niya dito.
Pero ang kulit talaga muli na naman siyang hinawakan sa braso.
“Pagbigyan mo na kasi ako Melissa kahit 30 minutes lang please.” mukhang desperado na talaga ito.
“Melissa! Nasaan ka na ba?! Ang tagal daw ng take out nong isang costumer!” narinig niyang sigaw ng kanyang Tiyang Tutay.
“Haysss ayan kasi eh! Ualis ka na nga!” pabulong na singhal niya sa lalaki.
“Nandiyan na po Tiyang!” sagot niya sa tiyahin.
“Hindi ako aalis dito hanggat di ka pumapayag orkakausapin ko na lang ang may ari ng karendirya na ito para payagan ka.” wika pa nito na lalo lamang siyang nabwesit.
Ipapahamak pa siya ng kumag, akala mo ay ganon lang kadaling magpaalam sa kanyang tiyang. Isumbong pa siya nito sa kanyang Tatay.
“Oo na! Hayyss ang kulit kasi, kainis!” inis na sang-ayon na lamang niya dito.
“Yes! Finally, pumayag ka na rin. Kukuhain ko ang number mo at f*******: account mo mamaya ha?” wika pa nito.
Pero iniwan na niya ito at nag-asikaso na.
Mapapahamak pa siya ng dahil sa pasaway.
Para dito gano'n-gano'n lamang kadaliang hingin ang kapatawaran niya, ni hindi nga humihingi ng tawad dahil nais lamang siyang makausap.
Sabagay mabuti na rin siguro mapag-usapan nila, hindi iyong gano'n na iniwan na siya nito sa ere na iniisip kung ano nga ba talaga ang nangyari ng araw na iyon.
Iyon din talagang masasabi niyang torture sa kanyang isipan. Alam naman niya sa sarili na wala syang ginawa, na wala kang kasalanan sa lalaki pero bigla bigla na lamang siya nitong iniwan.
Kaya lang kinakabahan talaga siya kapag kinausap niya ito, sa totoo lang hindi niya alam kung ano ang sasabihin pero tama na rin siguro yun. Mas lalo lang kasing gugulo ang kanyang isipan kapag hindi rin niya ito kinausap sigurong mapapraning na naman siya at gugulo na naman ang kanyang utak.
Baka magmunimuni na naman siya kung ano ang sasabihin ng lalaki at baka pagsisihan pa niya na hindi niya kinausap ang lalaki.
Tapos mag-overthink na naman siya sa mga sasabihin ng lalaki kaya tama lamang talaga ang desisyon niya.
Minabuti niya na asikasuhin muna ang mga customer, nakita niya na tapos ng kumain ang dalawa tumayo na ang mga ito at palingon-lingo naman si Jarred parang hinahanap siya nito pero hindi na lamang siya nagpakita dito.
Baka kasi magbago pa ang isipan niya, kinakabahan din kasi talaga siya.
Pero nagulat siya ng makitang patungo ito sa cashier kung saan nakaupo ang kanyang tiyang. Kaya naman mabilis siyang napatakbo papalapit sa lalaki, mukhang magtutungo ito sa kanyang tiyang para siguro ipagpaalam niya.
“Ano ba hindi ba sinabi ko na sayo na pumapayag na nga ako, bakit kailangan pang lumapit sa tiyang ko?Kainis na ito ipapahamak mo pa talaga ako!” Nakasimangot na wika niya dito sa bahay.
Bahagya niya itong hinila palayo sa cashier mabuti na lamang at may mga harang sa part na iyon ng kahera kaya hindi agad ito nakita ng kanyang tiyang.
“Ano bang sinasabi mo? Bakit ipapahamak eh magbabayad lang ako ng kinain namin, diba dito ang cashier?” Kunot noong balik tanong nito sa kanya.
“Ah, oo nga pala sige na akala ko kasi malapitan mo si Tiyang para sabihin ang tungkol sa usapan natin.” Nahihiya namang hinging paumanhin niya dito.
Masyado lamang talaga siyang kabado dahil ayaw niyang magkaroon ng problema sa kanyang tiyang sigurado kasi na makakarating iyon sa kanyang nanay at tatay.
“Okay hintayin mo ako diyan ha, kukuhanin ko ang number mo at f*******: account mo. Hindi pwedeng hindi ka pumayag, hihintayin kita tatapusin ko lang yung mga meeting ko then ipapasundo na lamang kita dito sa driver ko.” wika pa nito.
Ang nakakainis lamang sa lalaki para bang wala lang dito ang nangyari sa nakaraan nila, para bang normal ang paghihiwalay nila.
Na wala itong nasaktan o kung ano pa man pero sabagay malalaman naman niya kung valid ba talaga ang reason nito para gawin ang bagay na iyon sa kanya. Iyong tipong halos mabaliw-baliw na siya sa pag-aalala dito at syempre naiisip din niya noong una baka kung ano nangyari dito.
Medyo gumaan lamang ang pakiramdam niya at natiyak niya na ligtas ito ng malaman niyang hindi na pala ito nakatira sa bahay ng lola ng mga ito dahil nabenta na ang bahay. Naisip na lamang niya na baka dahil sa biglaa ang pag-alis ng mga ito.
Pero ayun nga lang kahit na iniiwasan niya noon na isipin ito, pero sobrang hirap ng kalagayan niya, kaya hindi talaga niya maiwasan na hindi masaktan. Lalo pa at mahal naman talaga niya ang lalaki, kahit na hindi ganon katagal ang pinagsamahan nila, naging totoo naman siya dito.
Tila naghihintay ito ng sagot niya kaya minabuti niya ang kumuha ng papel at ballpen tsaka isinulat na lamang niya doon ang number pati na ang f*******:. Sabay abot dito.
Napangiti ito ng makita ang nakasulat doon.
"Salamat, akala ko hindi ka papayag." Nakangiring wika nito.
“Oo na, mas okay na siguro na makapag-usap tayong dalawa para mapayapa na mga isip at puso natin. Matatahimik ka na rin, sige na magtatrabaho muna ako magkita na lang tayo mamaya.” Nakangiti ng wika niya dito.
"Sige, hihintayin kita." Turan nito.
Tumango na lamang siya dito.
Tsaka tumalikod na siya.
"Melissa." Tawag nito sa kanya, kaya napalingon naman siya dito tsaka nagtatanong ang tingin niya dito.
Naghihitay kung ano ang sasabihin muli nito.
"I missed you." Turan nito.
Napaawang naman ang kanyang labi dahil sa tinuran nito.
ITUTULOY