Kabanata 8: Ang Pagdalaw

1321 Words
Pasipol-sipol pa si Jarred papasok ng kanilang gate, hanggang sa makauwi na kasi siya sa kanilang bahay ay hindi pa rin nawawala ang kasiyahan sa kanyang puso dahil may unawaan na silang dalawa ni Melissa. Nakakatawa mang isipin pero grabe, napakabbilis ng mga pangyayari. May girlfriend ma siya at si Melissa iyon, ang babaeng nakaagaw ng kanyang atensyon. Iyon nga lang mukhang magkaka-problema silang dalawa ni Jerold, siguradong malalaman nito ang tungkol sa relasyon nilang dalawa ni Melissa. Ngunit ayaw niyang isuko si Melissa kay Jerold. Sabihin pang may gusto ito sa babae, hindi naman alam iyon ni Melissa ang nararamdaman nito dahil na rin sa sobra nitong katorpehan. Kaya kung tutuusin wala naman siyang kasalanan. Si Melissa din ang unang nagtapat sa kanya at ito rin ang nag-decide na sila na. Gusto rin naman niya ito kaya sino ba naman siya para tumanggi pa. Simula ng makilala niya ang babae, wala ng oras na nawaglit ito sa kanyang isipan. Noong una sinasabi niya sa sarili na mali ang magkagusto siya kay Melissa, pero ngayon masasabi niyang walang mali doon. Lalo pa at single naman ito at wala pang boyfriend. Kahit nga damdamin ni Jerold para dito ay hindi nito alam kaya sino ba naman ito para pagbawalan ang babae. Siguradong magagalit ang kapatid sa kanya, pero palagi naman na siyang nagpapaubaya dito. Kaya naman siguro this time hindi na siya papayag na ipaubaya na naman si Melissa. Haharapin na lamang niya ang galit nito. Palagi naman siyang nagpapaubaya eh kaya hindi naman siguro masama na try niya ngayon na tumanggi. At saka hindi naman niya kasalanan na siya ang mapagkamalan ni Melissa dahil si Jerold mismo ang may gawa non. “P*ta! Aray!” daing niya ng pagbukas niya ng pinto ay may tumama agad sa kanyang pisngi. Kamao ni Jerold iyon, sakto sa pisngi niya. “F*ck you Kuya! How could you do this to me?! Alam mo kung gaano ko kamahal ang babaeng iyon! Alam mo na simula pa lang may pagtingin na ako sa kanya, Bakit nagawa mo syang sulutin ha!” galit na galit na sigaw ni Jerold, na noon ay pasugod na naman. Agad naman siyang umiwas sa pangalawang pagkakataon at sinubukan niyang ang kanyang kapatid para tumigil na ito sa pagwawala. Pero galit na galit pa rin nito sa kanya at kahit na nayakap na niya ito mula sa likuran ay galit na galit pa rin at nais pa rin siyang suntukin nito. “Jerold, ano ba ang nangyayari sayo huminahon ka nga mag-usap tayo hindi yung basta basta ka na lang manununtok diyan.” Saway niya dito habang pigil-pigil pa rin niya ito. “ Ah talaga ba kailangan kong huminahon, kailangan kong kumalma pero ginawa mo akong gag*! Bakit sa dinami-rami ng lalaki, ikaw pa talaga kuya ang sumulot kay Melissa. Alam na alam mo naman na sa simula pa lamang ay nagugustuhan ko na siya at pangarap ko siyang maging girlfriend kapag nagkaroon na ako ng lakas ng loob na magtapat sa kanya. Pero ano 'tong ginawa mo. Kaya pala minamadali mo akong pauwiin kanina dahil may binabalak ka palang masama. Anong klase kang kapatid?! Akala ko pa naman mapagkakatiwalaan kita, yun pala may nararamdaman ka rin kay Melissa at may binabalak ka rin palang angkinin sya! Ang tanga ko naman, buong-buo lamang ang tiwala ko na hindi mo ako lolokohin kaya nga hinahayaan pa kita na ikaw magbigay ng flowers sa kanya pero yun pala may balak ka rin kay Melissa.” Galit pa rin na pahayag nito sa kanya pero hindi pa rin niya binibitawan ang pagkakahawak niya sa braso nito. “Huminahon ka nga kasi para makapagpaliwanag ako sayo, hindi iyong basta basta ka na lang magbebentang diyan ng walang katuturan! Sana man lang kinausap mo muna si Melissa at ipagtapat mo na rin sa kanya kung ano ang nararamdaman mo para hindi ganyan na pinaghihinalaan mo pa ako ng kung ano-ano.” Sagot na lamang niya dito at hinahamon na rin ito na magtapat na pero alam kasi niya na hindi nito iyon magagawa dahil napaka torpe nito. “Hindi ko na kailangan pang kausapin si Melissa alam ko na ang lahat kuya kaya huwag mo nang bilugin pa ang ulo. Kalat sa buong campus at sa gc na nakita kayong dalawa sa lucky room. Hinding hindi kita mapapatawad kuya sa ginawa mong ito. ang masakit lang pinagkatiwalaan kita tapos ganyan lang pala ang gagawin mo sa akin!” Umiiyak na pahayag nito sa kanya. Parang nawala ang Jerold na parang bata kong umasta ng sandaling iyon mukhang seryoso na nasasaktan ito sa kanyang ginawa pero hindi naman siya ang may kagagawa ng lahat. At isa pa si Melissa naman ang may kagustuhan ng lahat, agad-agad na inanunsyo nito na may relasyon na sila kaya kung tutusin wala siyang kasalanan doon. “Bahala ka kung iyan ang iniisip mo, basta ako wala akong alam diyan at wala akong ginagawang masama! Hindi ko nagustuhan doon pananakit mo sa akin Jerold ha, ng dahil lang sa babae sasaktan mo ako ng ganito.” tiim ang anyong wika niya dito. Tsaka niya ito binitawan. Napansin din niya ang pagdilim ng anyo nito, “Gusto kong ibalik sayo ang mga katagang iyan, bakit ng dahil lamang sa isang babae nakuha mo akong traydorin at sinira mo ang tiwala ako sayo.” Mahina ang boses pero may diin ang bawat katagang binigkas nito. Mababanaag sa mga mata nito ang sama ng loob sa kanya. Iyon lamang at tumalikod na ito siya naman ay napabuntong hininga na lamang na nasundan ito ng tingin hanggang sa makapasok na sa loob ng bahay. Nakaramdam naman siya kahit na konting pagkakonsensya at pagkaawa para sa kanyang kapatid. Pero hindi pa rin niyon matatabunan ang kasiyahang nararamdaman niya sa kanyang puso. Iniisip niya na baka ilang araw lamang ay limot na ng kanyang kapatid ang nangyari, ganon naman ito palagi kapag may hindi siya naibigay nagtatampo ito. Minsan nga inaabot pa ng ilang araw pero magkasama pa siya rin sila at umaasa siya na ganon din ang gagawin nito kaya mas mainam na hayaan na lang muna niya. Kaya naman pagkapasok nito sa kanilang bahay ay sumunod naman siya. Kahit na galit sa kanya ang kanyang kapatid ay hindi nawawala ang nakapagkit na ngiti sa kanyang labi. Hanggang sa makapasok na siya sa kaniyang silid pero huhubarin pa lamang niya ang kanyang uniform ng magring ang kanyang phone. May tumatawag sa number, pero unknown number iyon. Nagtataka tuloy siya dahil wala naman ibang nakakaalam ng kanyang number pero sinagot na lamang niya iyon dahil baka emergency. "Hi Love." Wika ng babae sa kabilang linya, ang ganda ng boses. Nagtaka siya, sinong love ang sinasabi nito. Tsaka pano kaya nalaman ng babae ang number niya, ito ang unnag beses na may tumawag sa kanya. Mukhang pina-prank lang siya dahil naririnig pa niya ang tawanan sa kabilang linya. "Miss wrong number ka yata, personal number ko ito. Ayoko ng kung sino-sino ang tumatawag sa'kin kaya sorry pero kailangan kitang i-block." masungit na pahayag niya dito. "Hey, Jarred. It's me, Melissa. Sorry di agad ako nagpakilala." Malumanay ang boses na wika ulit nito. "Oh, hi! Aahmm... pano mo nakuha ang number ko? At s-sorry, akala ko kung sinong nangpa-prank lang." Sagot niya dito. Kandautal pa nga siya. "Nasa tapat ako ng bahay nyo, kasama ko ang mga friends ko. Pwede bang lumabas ka saglit, may ibibigay lang sana ako." Wika pa ng babae. "Ha? Seryoso ba? Teka wait..." wika niya sabay silip sa bintana. Baka kasi niloloko lang siya ni Melissa, pero nagulat siya ng makita nga ang magkakaibigan sa labas. At mas nagulat siya ng makitang papalapit sa gate si Jerold, para siguro papasukin ang mga ito. Agad siyang napatakbo palabas ng bahay, pero huli na kasi napapasok na ni Jerold ang mga ito. Nagkatinginan silang dalawa ni Jerold, at may pagbabanta ang paraan ng pagtingin nito sa kanya. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD