Kabanata 7: Kami Na

1156 Words
“Woi! Bro! F*ck! Dito pa talaga? Hindi ba pwedeng sa room na lang or sa cr nyo yan ginawa? P*tsa, hindi ko talaga akalain na may ganyan ka palang side at wow… Melissa? Iyong crush ng mga lower section, ohhh wow… Iba ka ring pumili ha, at talagang maganda pala siyang talaga sa malapitan.” palatak ng isa niyang ka-team na classmates niya. Napagkamalan pa yatang may ginagawa silang kababalaghan ni Melissa sa locker room, sabagay naabutan sila nito na nakapatong sa kanya ang babae. Maigsi pa naman ang uniform na palda ng high school at lantad na lantad talaga ang makinis, maputi at bilugang legs ni Melissa. Napatingin nga siya banda roon, pero agad niyang naibaling ang kanyang paningin dahil kitang-kita niya ang kulay pink nitong panty dahil nga ito ay nakapatong pa rin sa kanya. Hindi pa rin talaga siya makapaniwala na nangyayari ang lahat ng ito. Sa totoo lang hindi niya maintindihan sa kanyang sarili kung bakit pwedeng pwede naman niyang sabihin kung sino ba talaga ang totoong may gusto dito. At kung sino ba talaga iyong totoong secret admirer nito pero hindi niya magawa. Para bang nasisiyahan siya ngayon na bigla bigla itong nagtapat sa kanya na hindi niya akalaing may pagtingin pala sa kanya. Pero naisip niya na baka dahil ang inaakala nito na secret admirer ay siya kaya siya ang pinagtatapatan nito pero baka naman ang kanyang kapatid na si Jelord ang talagang nagugustuhan nito. Pero ang masama nga lang hindi niya magawa na sabihin dito ang totoo, iniisip niya na magagalit sa kanya ang kapatid. Ngunit mas nangingibabaw iyong kagustuhan ng kanyang puso na huwag ipaalam kay Melissa, para bang nasisiyahan siya na malamang siya ang nagugustuhan nito at nauna pa talaga itong magtapat kaysa sa kanya. Mabuti na lamang pala at pinauwi na niyang una si Jerold kung hindi masasaksihan pa ito ng kanyang kapatid. Baka malaking gulo ang nangyari kapag nagkataon. Kaya lang para bang umaapaw ang kasiyahan sa kanyang puso ngayon na nalaman na niyang may pagtingin din pala sa kanya ang babae. Hindi matatawaran ang kanyang kasiyahan, siguro nga para ito sa kanyang kapatid dahil si Jerold naman talaga ang secret admirer nito. Pero siya ang inaakala ng babae at marahil sa kanya talaga may gusto ito. Kaya ngayon na sinabi nitong lahat ng iyon sa kanya, para bang nawala yung pagpipigil niya sa kanyang sarili na hindi tuluyang ma-inlove sa babae. Ang ginawa niya ay pinaalis niya ang babae sa kanya ibabaw tsaka inalalayan niya itong makatayo, Pero pinahid niya ang dugo sa kanyang labi na natamaan ng ulo nito. “Nagkakamali kayo sa iniisip ninyo, na aksidente lang kami kaya nasa ibabaw ko siya pero wala kaming ginagawang masama.” Wika niya sa kanyang mga ka-team dahil kitang-kita niya na namumula ang mukha ni Melissa tila ba hiyang hiya ito sa kanyang mga kasamahan. “Kami na.” biglang wika ni Melissa na halos ikalaki ng ulo niya. Agad siyang napabaling dito at nanlalaki ang mga mata habang nakatitig dito tila ba nagtatanong siya kung ano ang trip ng babaeng ito dahil agad-agad na sinabi iyon. “Uyyyyyy…..sh***tttt dude, tanggi pa nga!” “Lah, ganda ng chikz mo pare..” “Sana all na lang talaga…grabe uyyyy…” Ilan sa mga naging reaksyon ng kanyang mga ka-team na kahit siya ay hindi rin talaga makapaniwala na manggagaling iyon sa bibig ng babae. Mukhang mali yata ang kanyang pagkakakilala dito akala kasi niya ay mahinhin ito at wala pang alam sa mga ganitong bagay. Pero bakit agad-agad ay kini-claim nito na sila na, samantalang ni hindi naman siya nanliligaw dito. Pero pansin niyang naka-cross finger ito at mamula ang pisngi na tila ba nahihiya ito sa ginagawa at medyo naniningkit din ang mga mata. Mukhang ginagawa lamang nito iyon pagpapalakas ng loob. Kaya napagtanto niya na mukhang totoong nais na nga nito na may mamagitan sa kanilang dalawa. Na magkaroon sila ng relasyon pero hindi niya alam kung ano ang maging reaksyon niya sa sinabi nito pero mukhang lalaganap sa buong campus kung ano ang relasyon nilang dalawa at siguradong hindi na niya iyon mapipigilan pa lalo pa at alam na ng kanyang mga ka-team. “Sige mauna na kayong mag-practice susunod na lang ako mag-uusap lang muna kami ni Melissa.” wika na lamang niya sa kanyang mga kasamahan tsaka hinawakan niya sa kamay si Melissa at inaya na itong lumabas ng locker. Nagkakaingay naman ang mga pasaway at talagang tuwang-tuwa ang mga ito sa natuklasan. Kaya sigurado siya na maya-maya lamang ay lalaganap na ang kung ano mang balitang meron sa kanilang dalawa ni melissa. Medyo natatakot siya tungkol doon dahil siguradong magagalit si Jerold pero sa kaibuturan ng kanyang puso ay tila ba nasisiyahan siya sa isiping malalaman ng lahat na kasintahan niya ang babae. Ang bilis bilis ng mga pangyayari at kahit siya ay hindi pa rin makapaniwala at natitiyak din niya na ganon din si Melissa. Tila ba nabibigla lamang sa mga binitawang salita kanina, pero yung saya sa kanyang puso ay ramdam niya at nag-iisip din siya kung papaano. At kung ano ang kanyang gagawin at sasabihin. Pero nais niya itong makausap ng sarili kaya inaya niya ito patungo sa park. My mini park kasi ang kanilang school karamihan doon na nagtatambay ay mga magkasintahan. Paglabas nila ng locker room ay nakita pa niya ang dalawa nitong kaibigan na tila kilig na kilig ng makita silang magkahawak kamay. Mukhang ang mga ito ang tumulak sa babae para makapasok sa loob ng locker room kanina. Pagdating nila sa park. "Anong ibigsabihin ng lahat ng ito Melissa? Hindi ko maunawaan kung bakit ka nagkakaganyan." Wika niya sa babae. Ni hindi pa sila nakakaupo pero hindi na siya makapaghintay eh. Sana nga lang hindi ito trip lang ng babae. "Hayyy ulit-ulit pa kasi, nahihiya na nga ako eh!" Bahagyang nakasimangot na wika nito. Buti na lang medyo malayo sila sa ibang mga grupo. "Gusto ko lang masiguro kung tama ba ang narinig ko kanina." Wika pa niya dito. "Tayo na nga, seryoso ako. Sinulit ko na kasi kesa naman hintayin pa kita. Ayoko kasi ng napaka torpe nakakainis kaya maghintay." Nanunulis ang ngusong pahayag nito. Napangiti siya ng wala sa oras. Akalain ba naman niyang magkaka-girlfriend siya ng ganon lang. Walang kahirap-hirap at ang nakakapagpasaya pa sa kanya. Ang babaeng unang nagpatibok ng kanyang puso ang babae. "So, tayo na? Girlfriend na kita?" Nagnining-ning ang mga matang tanong nito. "Ayaw mo ba?" Nakasimangot na balik tanong nito. "Whoa! Sinong may sabing ayaw ko? Sa katunayan, gustong-gusto ko nga eh! Yahooo.... May girlfriend na ako!" Madayang bulalas niya na nakalimutan na niyang nasa park sila. Tinginan ang mga taong nandoroon. Pero napatulala siya ng biglang yakapin siya ni Melissa. Ilang beses din siya naubo ng wala sa oras, hindi talaga niya maintindihan kung bakit ganon kadali ang mga pangyayari. Pero kahit na gano'n, aaminin niyang masaya siya. Sobrang saya. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD