HINDI na ako naka-angal. Saglit pang napa-igtad ang katawan ko dahil puwersahang binagsak pasarado ng head chef ang pintuan. Umugong pa ang malakas na kalabog sa buong kusina. “Bakit kaya biglang sumungit ‘yon sa ‘kin?” mahinang usal ko. Napapaisip na lang ako kung may ginawa ba ako na hindi n’ya nagustuhan sa trabaho. Na-late lang naman ako ng konti kanina. Sampung minuto, pero samantalang mas late pa nga ang mga katrabaho ko. Ganito ba talaga ‘pag baguhan? Pumakawala ako ng malalim na buntong hininga bago nilapag sa ibabaw ng plato ang kutsara na kapit-kapit ko. Nawalan na tuloy ako ng gana. Mahaba-habang trabaho ulit ‘to dahil ang dami kong titimplahan ng kape. Kinuyom ko na lang ang nangangatog kong mga kamay at uminom ng malamig na tubig para mapababa ang kinain ko. Pagkatapo

