Pare-parehong tahimik ang lahat sa hapag-kainan. Si Dianel na nakayuko'y halatang inaantok pa. "Nalasing ako... nagkalat ba ako kagabi?" tanong ni Kurt. Nakapatong pa sa balikat ni Payro ang ulo nito. Sa sinabi nito'y napasilip tuloy ako sa couch na inabutan naming wasak paglabas namin ng kwarto ni Thaddeus. "Kurt, hindi gaano. Pinalinis mo na sa akin kagabi eh." Inirapan pa ito ni Payro. Nang sa akin magawi ang tingin nila ay inangatan ko sila ng kilay. "So, kayo na ba?" agad akong napakagatlabi. Ano na lang ang iisipin ng mga ito kapag nalaman nilang hindi naman talaga kami official na mag-jowa? Tapos may nangyayari na sa amin ng lalaki. Hindi judgemental ang mga kaibigan ko, protective rin ang mga ito sa akin. "Yes." Nagsalubong ang kilay na tinignan ko si Thaddeus. Hindi kami

