Masuyong hinahaplos ni Thaddeus ang buhok ko. Nandito kami sa bahay n'ya sa HFH. Mag-9 na pero gising pa rin kaming dalawa. Nakahiga kami sa balcony, sa sofabed kung saan kasyang-kasya kami nito. "Hindi ka pa rin inaantok?" tanong ni Thaddeus sa akin. "Hindi pa." Sagot ko naman dito. "Gusto mo na bang magpahinga?" ako naman ang nagtanong. Malaming dito sa balcony. Kaya nga nakabalot kami ni Thaddeus ng comforter na ang laylayan ay nakasayad na sa tiles. "No. Busy na naman ako next week. Gusto kong sulitin na kasama ka." "Thaddeus, pwede ka bang magkwento sa akin?" Agassi, naghihintay pa rin ako nang paliwanag mo, ani ng aking isipan. "Sure, anong klaseng kwento ba?" muli nitong ipinagpatuloy ang paghaplos sa buhok ko. "Tungkol sa 'yo. Ilang taon ka noong nangibang bansa, saan

