Naka-blindfold ako nang ibaba sa sasakyan. Lahat ng gamit ko'y iniwan sa sasakyan kung saan ako naghintay sa mga taong kukuha sa akin para kay Farrah. Ang nasa utak ko lang ngayon ay tiyaking nasa mabuti itong kalagayan. Hindi ko kakayaning mapahamak ito dahil sa akin. "Anak!" galak na ani ni Cathaline Apolinario. Mahigpit ako nitong niyakap. Disgust lang ang tanging nararamdaman ko sa taong nagpalaki sa akin. Kay Cathaline at William Apolinario na kinamulatan kong magulang. Tinanggal ng babae ang blindfold. Luhaan ito, pero bakas sa kanyang mukha ang galak at pangungulila. Ang paraan nito ng pagmamahal bilang isang ina ay nakasasakal. "Hinihintay ka na namin ni Kali, anak! Halika, pasok na tayo. Dito na tayo sa bahay na ito titira." Magiliw na ani nito saka iginiya ako papasok.

