Ilang araw ang lumipas pagkatapos nang pakikipagkita ko kay Hendrix Zimmer ay dumating ito kasama ang asawa nito. Wala pa sina Mommy no'n. Iyak nang iyak si Miss Keia na yumakap sa akin. "Hindi ko alam kung paano itong nangyari. Pero kami ang magulang, kami ang tunay mong magulang." Sa higpit nang yakap nito'y pakiramdam ko'y ayaw na n'ya akong pakawalan. "Pasensya na po. Pero may magulang na po ako at si Cathaline Apolinario po iyon at William Apolinario." Hindi ko pwedeng kalimutan na napakabuti ng magulang ko sa akin. "Hijo, ito ang evidence na magpapatunay na match ang DNA ninyo ng asawa ko, ito naman ang result ng test sa atin. Pati na ang result ng DNA test ninyo ni Theo, si Theo iyong anak kong may kakambal na namatay sa ospital. Hindi pa sapat ang investigation namin, inaal

