Shelly Nalukot ang mukha ko sa gusto nyang panoorin. Pinakaayaw ko talaga ang horror. Nadadala ko kasi sa pagtulog yung mga scenes ng pelikula. Napasubo tuloy ako ng dalawang magkakasunod ng nachos. Lambingin ko na lang kaya baka gumana. Magkatabi kami sa kamang nakasandal habang nanonood ng Fools Rush In. Nasa hita nya ang tray ng nachos pati mga inumin namin. "Pssst!" Tawag ko sa kanya I heard him chuckle. "Pssst ka dyan. Anong gusto ng mahal ko?" Our eyes met at habang kapit ko ang nachos na isusubo ko pa lang ay sinabi ko sa kanya "I'll give you a really really good massage if we skip The Omen." Saka ko sinubo ang kapit ko. Ngumiti sya. "Talaga?" Tumango ako ng sunod sunod. "Talagang talaga." Mukhang nakumbinsi ko sya. "Hmm okay. I will trade my movie for a good massage.