Shelly I woke up early this morning. Nang tingnan ko ang alarm clock ay wala pang alas syete ng umaga. Si Rafe ay himbing na himbing pa sa tabi ko. Maingat kong iniangat ang braso nyang nakadantay sa akin at pumihit naman sya patalikod sa akin at dumapa. Tulog pa rin. Bumangon ako at nagtungo sa kusina. Nagbrew ako ng kape. Habang hinihintay ko iyon ay kinuha ko ang damit ko sa dryer. Isinalang ni Rafe iyong kagabi at ngayon ay tuyo at malinis na. Nang ready na ang kape ay nag salin ako sa tasa at lumabas sa balcony. Maliwanag na sa labas. Pasalampak akong naupo sa may sahig. I want to feel the coldness of the pavement. Para bang sa lamig noon ako kukuha ng lakas ng loob na gawin ang dapat mamayang tanghali. I heard someone call out my name. "Shel —" It's Rafe. "I am here outsid