Alas-12 na. Kanina'y nag-count down kami para sa mga bata, 8 pm pa lang no'n. Ngayong mismong 12, kami-kami na lang dahil iniuwi na ang mga bagets. Nagsimula na ang palaro. Kailangan daw naming makarami ng candy, pero mukhang goal din ni L.A at Jas iyon. Sila ang mahigpit kong kakompetensiya ngayong gabi. Ang gabing ito'y parang napakaperpekto. Masaya ang lahat, ligtas ang lahat. Dito lang talaga kami ni Mace kampante, hindi nag-iisip na mapahamak or atakihin ng kung sino. "Kailangan unahin natin iyong magagaan." Seryosong ani ni Mace sa akin. Ewan ko ba, pagkatapos nang count down ay parang napipilitan na itong maki-ride sa kasiyahan. Bagsak ang energy nito. Hindi makuhang ngumiti kanina pa. Nakapaglambingan naman na kami bago pumunta rito, pero after count down ay "No. Iyong ma