"Mace, huwag ka munang magpapakita sa akin at sa asawa ko." May angry emoji pa ang ate ko nang i-chat n'ya ako, naka-insert din doon ang isang video clip, kung saan kumakanta ang dalawa. Oh s**t! Nakalimutan ko ang performance naming apat. Magbabayad ba si Mec ng milyones? "Para hindi tayo mag-penalty, kami na ang sumalo sa kalokohan mo. Sana man lang in-inform mo kami na kailangan pala naming mag-perform. Wala nang natira sa kahihiyan namin. Isinagad na namin hanggang next Christmas." Muli itong nag-send ng video clip. Kumakanta sila ng Christmas song na sa tingin ko'y naging remix na dahil hindi nila kabisado ang lyrics. "Next year ka na magpakita. Dahil umiinit talaga ang ulo ko sa 'yong bata ka." Galit na galit, gustong manakit. Mabilis akong tumipa. Katatapos lang naming kum