Galing dito si Martonette. Ang babaeng nakatakda sanang pakasalan ni pogi. Naipaliwanag na sa akin ni mother earth na hindi pa nakakapag-usap ang dalawang pamilya. Umaasa pa rin daw ang babae na matutuloy ang kasal. Iniisip daw ng ex-fiancee ni Mec na ginagawa lang ni Mec ang lahat ng ito upang matiyak ang kaligtasan n'ya. Kunyatan ko pa siya eh. Ako ang maglalagay nang panganib sa buhay n'ya kapag umeksena siya sa amin ni pogi. Kung gusto n'yang makuha ang lalaki, pwede ko namang ibigay si Mec. Pero tatanggalan ko muna nang kaligayan ang isang iyon. "Bakit pakiramdam ko'y nag-iisip ka na naman nang masamang balak sa akin?" natatawang tanong ni pogi nang lumapit siya. Narito ako sa garden nila, kasama ko kanina iyong mga pinsan nito. Kaso pumasok na ulit sila sa loob. Dahil nag-iinit