"Kayo na ba ni Mec?" natigilan ako sa paghalo sa spaghetti ko sa tanong na iyon ni Ate Jas. Nandito kami sa The Alpha's Foodie. Si Fallen Reveka ay kandong nito at ang apat nitong bubwit ay natutulog sa crib sa gilid lang namin. Mayroon na talagang mga higaan para sa mga bata, para may time ring tumambay ang mga Mommy rito kasama ang anak nila. Ang taba ng utak ni Ate Batsy sa ginawa n'yang iyon. "Hindi po." Totoo namang hindi kami. "Pero tinikman ko na siya, 'te." Pagyayabang ko rito. Aba'y confident pang inamin kahit kapatid ang kaharap. "Anong sabi mo? Masarap ba?" hindi ito galit. "Masarap naman, 'te. Hindi ka galit?" "Bakit naman ako magagalit? Eh nag-aaral ka namang mabuti. Maayos naman ang buhay mo, hindi naman kabawasan sa 'yo iyan dahil lang ine-enjoy mo ang ganyang experi