"Tropang bobs!" kilig na kilig na kaway ko sa mga kaibigan ko. Inihatid ako ni pogi sa school kanina, katatapos ko lang i-meet ang mga prof ko. Ngayon ay ang mga kaibigan ko naman. Tuwang-tuwa tumayo si Theresa at niyakap ako. Na-miss naman ako ng kaibigan kong ito. Kahit na nagkaka-chat naman kami. "I miss you, girl!" "Naku! Miss mo lang ako kasi wala ka nang makitang kasingganda ko." "Anong wala? May isang staff ang faculty, si Miss Angel, sobrang ganda no'n." "Kilala ko iyon. Nagpupunta iyon sa akin para kunin ang modules ko. Mas maganda pa rin ako roon." "Yabang mo talaga, eh. Lagi mo na lang buhat ang bangko mo." Hinila na ako nito patungo sa pwesto ng mga kaibigan namin. "Ang swerte mo naman at nakikita mo nang malapitan si Miss Angel." Komento ni Ben Thong, mukhang crush