"Ito na ba ang lahat ng modules mo?" tanong ni Ate Angel. Ang gaan-gaan talaga ng mga ngiti nito. Crush na nga ito ni Kuya Rowen, ang ganda raw kasi. Sabi ko ligawan n'ya, pero sabi ng lalaki halata naman daw mayaman. "Oo, Ate Angel. Ito rin pala iyong video ko roon sa isang activity." Tinanggap naman nito ang flashdrive. "Sabi ko naman sa 'yo i-email mo na lang." "Okay na po iyon. Iyon naman ang instructions ni Sir Penipole." "Oo nga pala, nabangit din ba n'ya na required kang pumunta sa school sa Monday?" "Opo, nasabi ko na rin po iyan kay Kuya Mec. Kaya naman pupunta po ako." "Okay, see you there." Tumango ako at nag-shake hands pa kami nito. Nang eskortan siya ng guard paalis ng silid ay kumilos na rin ako para makabalik sa bahay ni Pogi. No'ng araw na may nangyari sa ami