"Mr. and Mrs. Monte Ciento?" agad akong tumayo sa pagkakaupo ko nang makita kong bumababa na ang mga ito sa hagdan. Nakaalalay pa ang ama ni Mace sa kanyang asawa. "Anong ginagawa mo rito?" wala ang malambing na tinig na kinasanayan kong marinig mula rito. Matalim ang tingin, halatang hindi masaya sa presensya ko. "Kanino ka nakahingi ng lakas ng loob mo na magpunta rito sa pagmamahay ko?" matalim ang tingin nito. "Nandito po ako para makipag-usap sa inyo." Mahinahong ani ko. Kailangan kong tanggapin ang galit nila, nadungisan ang pangalan ng kanilang anak dahil sa akin. Tiyak naman akong kalaban ko ang siyang may gawa nang pagpapakalat ng pekeng video namin ni Mace. "Makipag-usap? Wala na tayong dapat na pag-usapan pa. Alam ko na rin ang ugnayan ninyo ng anak ko. Ano, Mec? Balak mo