"Sir?" marahang itinulak ni Miss Cabarubias ang pinto ng opisina ko at pumasok siya roon. Tinanggal ko ito sa trabaho noon dahil hindi ko nagustuhan ang naging attitude nito, pananamit at kilos kapag kaharap ako. Ibinalik ko lang no'ng nagmakaawang huwag na siyang tanggalin at aayusin na lang ang mga naging problema ko sa kanya. Ngayon ko na lang ulit ito nakitang naka-skirt na pagkaiksi-iksi. Fit na fit din ang pang-itaas niya at halatang sinadyang tanggalin ang butones. "What is it, Miss Cabarubias?" pormal ang expression ng mukha na ani ko rito. "Wala na po kayong meeting later. Natapos na po, may ipag-uutos pa po ba kayo?" "Magligpit ka na ng gamit mo at umalis sa opisina ko." Agad itong napahakbang at hinawi ang mahabang buhok. "S-ir, wala naman po akong ginagawang masama."