"Xylca, alam mo bang nasa Pilipinas na si Pierce?" Nabitawan ko ang binabasang dokumento ng bagong biling commercial lot. Parang hinigop lahat ng lakas ko sa nabasang text message mula kay Barbie. Umahon ako sa swivel chair at nanginginig ang mga kamay na mabilis na tinawagan ang kaibigan. "Barbs, totoo ba?" bungad ko agad pagsagot nito. "Ang bilis a. Oo. Nagpunta siya rito sa kompanya. Kaibigan pala ng mokong na amo ko. Small world talaga. Kinumusta nga ako kanina. Nabigla nga ako dahil kilala pa pala niya ako. Akala ko kasi ano... Iyon na nga, kakauwi lang niya noong isang linggo. Limang taon din pala siyang nasa US 'no." Dumagundong sa galak ang puso ko. "Barbs, nandiyan pa ba siya?" "Oo, nasa taas pa. Bakit? Punta ka rito?" Inabot ko ang bag at agad na lumabas ng opisina. "Oo,