Five years after... Tumugtog ang bridal choir habang mahinang naglalakad ang napakagandang bride patungo sa matikas na groom na naghihintay sa altar. Namasa ang mga mata ko habang tinitingnan ang pagrampa ng bride. Sa wakas ay may nagwagi rin sa amin pagdating sa pag-ibig. Pinunasan ko ang uhog at luha saka binigyan ng tissue si Myca na kanina pa rin umiiyak. Sinulyapan ko ang mga kaibigan. Sina Pariah at Barbie ay naiiyak na rin maliban kay Sheki na walang emosyon sa mukha. Sa buong ceremony ay umiiyak lang talaga kami kaya nang matapos na ang lahat pati ang picture taking ay mugto na ang aming mga mata. Dumiretso rin kaagad kami sa powder room para mag-retouch bago humarap uli sa kamera. Mabait ang asawa ni Dean na si Daphne at bagay na bagay silang dalawa. "Dean, una mong buksan