SKYE
"Bakit wala kang anumang sinabi sa 'kin, Uno?"
Pagkatapos naming mag-usap ni Cliffer, umalis ako ng MG-Tech In at dumiretso dito sa ospital. Sa dami ng nalaman ko ngayong araw, naguguluhan pa rin ako. At naalala ko na naman ang huling pinag-usapan namin ni Cliffer kanina bago ako umalis ng kompanya...
"Since when?" tanong ko nang makabawi sa lahat ng nalaman ko.
"Since when what? Ang pagtatraydor niya o ang pang-aakit kay Uno?"
Kunot-noong binalingan ko siya ng tingin. "You mean matagal na rin niyang inaakit si Uno?"
"Walang nabanggit si Uno kung gaano na katagal. Pero, ang pagtatraydor ng babaeng iyon, mahigit isang taon na rin niyang alam. And he told me to keep it from you. Kaya kahit matagal nang gustong tanggalin ni Uno si Fayre, hindi niya ginawa dahil kailangan niyang malaman kung kanino ito direktang nagtatrabaho. Wala siyang nakuha rito until recently.
"Malakas ang kutob ni River na ang nakuhang ebidensiya ni Uno ang kompanyang pinagtatrabahuhan ni Fayre. At kung kanino man nagtatrabaho ang babae, maaaring ito rin ang gustong magpapatay sa kanya."
Madali sanang matutukoy kung sino ang totoong kalaban ni Uno kung hindi lang nakuha sa kanya ang ebidensiyang nakuha niya. At mas mapapadali rin ang paghahanap sa taong gustong pumatay sa kanya kung nandito lang siya ngayon. Pero, dahil comatose pa rin siya at hindi nagigising, nahihirapan sina Tito Nathan at River na i-track down ang mga taong iyon. Kahit marami na silang tao at koneksyon para sa kaso, nahihirapan pa rin sila dahil mukhang hindi rin basta-basta ang kalaban. Even if we act faster, as if the enemy was still one step ahead of us.
At ngayong alam na ni Fayre na maaaring pinaghihinalaan na siya, siguradong mag-iingat siya sa mga kilos niya para lang hindi namin malaman kung kanino siya direktang nagtatrabaho.
Now speaking of Fayre... may isang bagay pang gumugulo sa isip ko. Mataman kong tiningnan si Cliffer.
Sinalubong naman niya ang mga mata ko at bahagyang kumunot ang noo niya. "What?"
"That video..." tukoy ko sa video nina Fayre at One na napanood ko kanina. "Bakit may kopya ka sa phone mo? At bakit may video in the first place?" mariing tanong ko.
"Evidence purposes."
Muling kumunot ang noo ko. "What do you mean?"
"If something went wrong while One interrogating those three people. Like if they went violent or harrass him, at least we have evidence."
Hindi ko napigiling iikot ang mga mata ko. "Right. At may nakita ako na hindi ko dapat makita."
Tumaas ang isang kilay niya. "Kung hindi mo iyon nakita, hindi mo makikita ang tunay na kulay ng kaibigan mo."
"Kaibigan." I felt a bitter taste on my mouth after saying that word.
Muli akong nagtanong. "What happened after that scene?"
"What scene?"
"The nude scene?" I said sarcastically. Sinamaan ko ng tingin si Cliffer nang bahagyang tumawa. "It's not funny, Cliff. Just tell me what happened after that scene."
"Nothing."
"What?"
"Nothing happened."
Ilang sandali rin akong tahimik at nakatingin lang kay Cliffer bago nagsalita. "Are you sure?" paniniguro ko.
I admit. That woman is undeniably beautiful and sexy. She has an angelic face and a hot body that any man would want from a woman. Limang taon na rin kaming magkakilala ni Fayre at hindi maitatangging head-turner din talaga ang mukha at katawan niya.
Sa pagkakakilala ko naman kay One - at least sa dating One na kilala ko noon - hindi siya basta-basta humahanga at tumitingin sa babae. Well, ang kilala kong One noon ay eighteen pa lang. Still a teenager boy. Ewan ko na lang kung gano'n pa rin siya ngayon. Because the One today is now a man. Kaya imposibleng hindi man lang siya naakit lalo na't nakita na niya ang lahat-lahat sa babaeng iyon.
"Hundred percent sure," Cliffer stated as if he was really sure about it. "Pareho ng tipo ng babae ang kambal. Imposibleng patulan ni One si Fayre."
Alam ko ang tipo ng babae ni Uno. Ako lang at wala ng iba. Sa tipong babae ni One, hindi lang ako sigurado. Ni hindi ko nga matandaan kung may nasabi siya noon kung ano ang tipo niyang babae. Except for Ash, of course.
"And one more thing, Skye." Muli kong ibinalik ang atensiyon kay Cliffer. "Don't do that again."
"Don't do what?" takang tanong ko.
"Comparing One to his twin. That you just did earlier."
I was taken aback and fell silent.
"Alam mo na 'yan noon pa man. And the twins don't like it, remember? Kaya gano'n na lang kainit ang ulo niya." He took a deep breath. "Hindi rin naman niya ginustong tumayo at humarap sa ibang tao on behalf of his twin. At siguradong hindi rin naging madali para sa kanyang tanggapin ang lahat ng planong ito. To act and pretend as his twin. But, he still do it. Kahit alam niya kung gaano kahirap at kadelikado, ginawa pa rin niya. Para kay Uno. Gano'n niya kamahal ang kakambal niya."
His words were like sharp knives that piercing through my heart. Alam kong may nagawa at nasabi akong mali. At ang marinig mismo ang mga salitang iyon mula kay Cliffer, bigla akong nakaramdam ng guilt. Nangibabaw kasi ang galit at inis ko kay One kaya nakapagsalita ako nang gano'n sa kanya kanina.
"Alam kong masama pa rin ang loob mo sa kanya. But, for Uno's sake; and for everyone's sake, I'm asking you to control your temper and be easy on him, Skye. Because believe me, hindi lang ikaw ang nahihirapan sa sitwasyon n'yo ngayon."
Mariin kong pinaglapat ang mga labi ko para pigilan ang sariling mag-reason out sa kanya. Kahit gusto kong mag-rant na hindi madali ang hinihingi niya, pinili ko na lang tumahimik. Kakasabi pa lang niya na kontrolin ko ang temper ko para kay Uno kaya kahit mahirap, susubukan ko. Besides, minsan lang din talaga magsalita nang mahaba ang lalaking ito. At kapag ginagawa niya iyon, dapat mo talaga siyang pakinggan.
Huminga muna ako nang malalim bago magsalita. "Okay."
"Anong okay?"
"I'll try to control my temper."
"Don't just try. You do it, Skye."
Sinamaan ko siya ng tingin. Ang gago, nakuha pa 'kong ngisihan nang nakakaloko.
I tsked. "Iyon lang ba ang kailangan kong malaman? Kung meron pa, sabihin mo na." Baka mamaya niyan, hindi lang pala si Fayre ang nagtangkang umakit kay Uno.
"Yes, that's all you need to know. At kung may dapat ka mang malaman, si Uno lang ang makakapagsabi sa 'yo," sagot niya. "Dahil sigurado akong may hindi pa siya sinasabi sa 'yo," dagdag pa niya.
Maingat kong hinawakan ang isang kamay ni Uno na walang dextrose at marahang pinisil iyon. Hanggang ngayon, walang bakas ng paggalaw kay Uno. Ni hindi kumikislot ang daliri niya tanda man lang na nagkakamalay na siya. Ang normal at stable na heartbeat niya sa ecg monitor ang tanging palatandaan na buhay pa rin siya at kasama namin.
Malungkot akong ngumiti habang nakatitig pa rin sa mukha niya. "Tell me, Uno. Tama ba si Cliff? May itinatago ka pa ba? May hindi ka pa ba sinasabi sa 'kin?"
~~~
Natapos ko ang final touch sa canvas na ipinipinta ko. Binitiwan ko ang brush at pallete bago tumitig sa painting. Napangiti ako nang ma-satisfy sa new masterpiece ko.
It was Uno, topless and wearing only white pants. He was lying under the tree and sleeping like an angel.
Today is Wednesday. And it was supposed to be a special day for the both of us. Our wedding day.
Dapat magkasama kami at masaya ngayong araw. Pero, heto ako. Nagkukulong dito sa art studio ko habang nagpipinta para lang maging busy. Samantalang si Uno naman ay natutulog pa rin at walang malay sa ospital.
Nangilid ang luha sa mga mata ko lalo na't hindi ko rin maiwasang may maalala habang nakatitig sa painting niya.
"After our wedding, I want you to paint me."
"Sure. Kahit naman hindi pa tayo kasal, puwede ko namang gawin iyon, Uno."
Inilapit niya ang mukha niya sa tapat ng tainga ko at bumulong. "I want you to paint me naked, Skye."
Bahagya akong natigilan. Tama ba ang dinig ko? He wants me to paint him naked? As in freaking naked? Walang anumang saplot sa katawan?!
Nanlalaki ang mga matang tinitigan ko si Uno. "Seryoso? Magpo-pose ka ng nude sa painting session natin?"
Ngumisi siya nang pilyo. "Yes. After our wedding day, siguradong makikita mo na ang lahat-lahat sa 'kin. So, posing nude in front of you for a painting session was nothing to me."
Just imagining him posing nude in front of me while holding my brush... "Uno Kien Montecaztres!" sigaw ko. Ramdam ko ang pamumula ng buong mukha ko.
Ang lakas ng tawa niya bago pinisil ang ilong ko. "You're so cute, Skye. At nai-imagine ko na namumula rin ang buong mukha mo habang ipinipinta mo akong nakahubad. And I couldn't wait for that to happen."
Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa mga labi ko. At kahit anong pigil ko, tuluyan pa ring tumulo ang mga luha ko habang nakatitig sa painting. Mukhang matatagalan pa pala bago ang nude painting session namin.
I miss you, Uno. I miss you so bad...
Hindi ko alam kung gaano ako katagal umiyak. Basta ibinuhos ko sa pag-iyak ang sakit at lungkot na nararamdaman ko. Nang pakiramdam ko ay kumalma na 'ko, tinuyo ng likod ng palad ko ang mga pisngi ko.
When I looked at my wristwatch, it was already seven in the evening. Hindi ko man lang namalayan ang oras.
Tumayo na 'ko at inayos ang sarili ko. I took a one last glance to my new masterpiece before stepping outside of my studio.
Nasa loob lang din ng mansion ang art studio ko. Tito Nathan and Tita Miles gave it to me as a gift when I started living with them. And I'm very thankful for that dahil sa studio ako pumupunta kapag gusto kong magpinta o 'di kaya ay mapag-isa.
Meron ding sariling studio si Uno kung saan doon naka-setup ang mga high-end computers niya. He also had the most expensive gaming computer, the 8Pack OrionX. Kapag nagpo-program siya at nagde-develop ng new game, minsan doon siya sa studio niya gumagawa. And sometimes, even hacking.
As for One, alam ko ay binigyan na rin siya ng sarili niyang studio dito sa mansion nang makabalik siya. Hindi ko pa iyon nakikita kaya hindi ko rin alam kung anong meron sa studio niya.
And speaking of One... After our confrontation on MG-Tech In, hindi pa ulit kami nagkikita at nag-uusap. Hindi na rin muna kasi ako pumasok sa company. I filed a one week leave. Hindi rin kasi ako handang harapin ang mga katrabaho ko na siguradong magtatanong kung anong nangyari sa 'min ni Uno.
At sa nakalipas na dalawang araw, palaging pumapasok sa isip ko ang huling pag-uusap namin ni Cliffer. At para bang palagi niyang ipinapaalala sa 'kin ang nagawa ko kay One. Hindi pa rin kasi ako nagso-sorry rito. And my guilt was eating me. Argh!
I should apologize, I damn know that. Pero, sa tuwing naaalala ko ang mga kasalanan niya sa 'kin... 'Yung mga panahon na wala siyang pakialam sa 'kin... My other inner self was telling me it's okay not to say sorry to him. Ang lagay ba ay ako ang unang magso-sorry sa kanya na dapat ay siya ang unang gumagawa no'n? Tsk.
Pabalik na sana ako sa kuwarto nang may marinig akong ingay at tawanan na nagmumula sa sala. Madadaanan ko muna iyon bago ako makarating sa kuwarto ko. Bahagyang nagsalubong ang kilay ko nang makilala ang pamilyar na boses ng mga lalaking iyon.
Without hesitating, naglakad ako patungo sa sala. And there, I saw Lander, River, Cliffer and Forest laughing their asses off as if there was no tomorrow. Exag na kung exag, pero gano'n ang tingin ko sa kanila. While One, he looks like he doesn't care at all while drinking his beer in can.
As if Lander noticed my presence, he was the first one to look at my direction. "Skye! Finally, you're here."
"Anong ginagawa n'yo rito?" tanong ko.
"We're celebrating. Tara, samahan mo kami."
Bago pa ako makaalma kay River, hinila na niya ako sa puwesto nila. Napasalampak ako ng upo sa tabi ni Cliffer. Nasa kaliwa ko ang lalaki habang nasa kanan ko naman si River.
Nang mabaling ang tingin ko sa harapan, katapat ko si One habang nasa magkabilang gilid naman niya sina Forest at Lander. Nasalubong ko ang mga mata niya. Wala na namang mababasang emosyon sa mga iyon. Hindi ko tuloy alam kung anong iniisip niya sa mga oras na 'to.
I averted my gaze and glanced at Lander. "Anong celebration?"
"Well, today is a special day. It was supposed to be Uno and your wedding day, right? We came here to celebrate it with you."
Naramdaman kong kumirot ang puso ko nang mabanggit na naman kung anong araw ngayon. At hindi ko alam kung nananadya ba siya o ano. Tsk.
"We're supposed to celebrate someone's agony, too. Handa na nga rin sana ang hukay para sa puso niyang namatay, pero mukhang mabait pa rin sa kanya ang tadhana at pinagbigyan pa siya," sabi pa ni Lander.
"Mabait o malupit?" nakangising sambit naman ni Forest.
"Ang gusto yata ng tadhana sa kanya ay 'yung hindi na mabubuhay at makakaahon sa sakit." Sabay tawa pa ni River.
"Ah. Sino naman 'yan?" takang tanong ko.
Sa iisang tao lang sila tumingin. Kay One.
Kilala ba ni One? At siya ba ang hinihintay nilang sumagot? Pero, mukhang wala itong balak sumagot sa tanong ko.
Malakas na tumikhim si Lander. "Anyway, kailangan ka rin naman dito, Skye. We need you for the next plan."
"What plan?"
Si Cliffer ang sumagot. "Alam mo ang team buiding ng Design and Development Department quarterly, right? Next week na iyon."
"Hindi ka ba ulit sasama?" Sa pagkakatanda ko, never na sumama sa team building namin si Cliffer. Kapag natataon na nandito siya sa bansa, hindi talaga siya sumasama kahit pinipilit na namin ni Uno. Ang katwiran niya, hindi naman daw siya regular employee ng kompanya.
Nagkibit-balikat siya. "Even if I don't want to, I have to," sagot niya habang nakatingin kay One.
Oo nga pala. Dahil si One ang umaaktong Uno ngayon, kailangan ding nandoon si Cliffer. Mahigpit kasing ibinilin ni Tito Nathan ang pagbabantay ng lalaki sa anak nila. At dahil wala na rin si Fayre, parang ang tumatayong secretary ngayon ni Uno ay si Cliffer. Close at madalas din naman talagang mag-usap sina Uno at Cliffer dahil magkaibigan din naman talaga ang dalawa noon pa man. Alam iyon ng buong kompanya kaya hindi kaduda-duda sa paningin nila kung lagi mang magkasama sina One at Cliffer.
"Dahil team building iyon, you and One should be there. At dahil alam din ng buong team ang relasyon n'yo ni Uno, it means kinakailangan n'yo na talagang umaktong may relasyon sa harap ng ibang tao," pahayag ni Lander.
"Hindi pa ba iyon ang ginagawa namin?"
"Hindi pa. Sa team building n'yo masusubukan ang totoong pagpapanggap n'yo. And in order to do that, both of you need to know each other."
"What do you mean?" takang tanong ko.
"Hindi naman lingid sa aming lahat ang galit at sama ng loob mo sa kakambal ni Uno for these past years. At alam naman din ng lahat na ginagawa n'yo lang ito para kay Uno. Kaya naman para magtagumpay ang mga plano natin, magkaroon muna sana kayo ng truce lalo na't magpapanggap kayo. You didn't see and talk to each other for eight long years, so it's understandable kung para kayong strangers sa isa't-isa. So, kung magpapanggap kayong magkasintahan, you have to be comfortable again with each other. At mukhang pareho kayong mahihirapan doon." Mas lumapad ang ngisi ni Lander. "Kaya naman, may naisip kaming paraan para magawa n'yo iyon."
"You didn't plan this, huh?" One sounded sarcastic when he asked that question.
Ngumisi si Lander kay One. "No. Biglaan ito at hindi namin pinaghandaan. At dahil hindi talaga namin pinaghandaan..." Mula sa gilid niya, may kinuha siyang paper bag. At mula roon, may inilabas siyang dalawang kahon at inilapag sa mababang table na nasa harap namin na may mga beer in can at pulutan.
Ipinatong niya ang kanang kamay sa ibabaw ng isang kahon at muling tumingin sa 'kin. "Itong kahon na 'to, dito bubunutin ang mga tanong. Naglalaman ito ng mga tanong na may kinalaman kay One. In short, may pagkakataon kang makilala si One sa nakalipas na walong taon." Ang kaliwang kamay naman niya ang ipinatong sa ibabaw ng isa pang kahon. "Nandito naman ang pangalan naming lima. Kung kaninong pangalan ang mabubunot dito, iyon ang sasagot sa tanong."
"So, it wasn't a coincidence. You really planned to drag me here all along," Forest stated. Direkta ang matalim na tingin nito kay Lander na nginisihan lang ng huli.
Kahit gusto kong sabihin sa kanila na hindi na kailangan ang lahat ng ito, may kabilang bahagi naman ng pagkatao ko ang sumasang-ayon. Na para bang gusto ring makilala ang One na nandito ngayon sa harap ko.
"Let's start. Ako na ang bubunot. At ang unang tanong..." Mabilis na bumunot sa kahon si Lander, not allowing the other guys to react. "Something you know about One that she didn't know?"
"At ang mapalad na gagong sasagot ay..." Si Forest naman ang bumunot sa isang kahon at binuksan ang nakarolyong papel. "Cliffer Montalvo," basa niya roon.
"Montalvo, tell something about One that Skye didn't know," nakangising sagot ni Lander.
Dahil magkatapat lang kami ni One, hindi nakaligtas sa paningin ko ang mariing paglalapat ng mga labi at paniningkit ng mga mata niya sa katabi ko. As if he was saying something to him.
Nang lumingon ako sa kaliwa ko, parang hindi man lang apektado si Cliffer sa masamang tinging ibinibigay ni One. Nakuha pa nga nitong ngumisi bago lumingon sa direksyon ko.
"Dying inside to hold you."