CHAPTER 17: The Hows of Us

3341 Words
SKYE "You know that song?" tanong ni Cliffer. "That's his favorite," he added before I could even answer. "Oh. Akala ko pa naman 'Why Not Me' ni Enrique Iglesias ang favorite song niya," nakangising pahayag ni Lander. "Oh! I know that song. Iyan ba 'yung..." At sinimulang kantahin ni River ang chorus ng kanta. "Why oh why tell me why not me, why oh why we were meant to be..." At sumabay pa si Lander sa pagkanta ng lalaki. "Baby I know I could be all you need, why oh why oh why..." Madamdaming tumingin si Lander sa direksyon ko at itinaas ang isang kamay. "I wanna love you... If you only knew how much I love you..." At bumaling siya ng tingin sa katabi at inilapit ang mukha kay One. "So why not me?" Napailing na lang ako sa kalokohan nina Lander at River. Mukhang inaasar nila ang kaibigan nila. Pero, base naman sa malamig at walang reaksyon na mukha ni One, mukhang hindi siya apektado sa pang-aasar ng mga kaibigan niya. "Next question na," biglang sambit ni Forest. "Hindi maka-relate si Skye, oh." "Alam ko 'yon," nakasimangot na sagot ko.  Halos sabay-sabay na tumingin ang mga lalaki sa direksyon ko. Napahinto rin si Forest sa akmang pag-inom sa beer in can na hawak niya. "Alam mo?" tanong niya. "Oo, alam ko. Pamilyar ako sa dalawang kantang 'yon." Hindi lang naman kanta ng G5 ang palagi kong pinapakinggan. Nakikinig din ako ng iba pang kanta ng hollywood singers. Besides, minsan na ring kinanta ni One ang 'Dying Inside to Hold You' noong mga panahong nagbakasyon kami sa rest house nila sa Batangas. Narinig ko ang malakas na pagbuntong-hininga ng dalawang katabi ko. Umiling-iling naman si Lander. "See? I told you," Forest sneered before drinking his beer.  Problema ba nila? Tsk. "Ako na bubunot sa next question." At dumukot na nga si River sa kahon. Saglit din siyang nakatingin lang sa papel bago pumalatak. "Tsk. Ang dali naman ng tanong. Bumunot muna kayo kung sino ang gagong sasagot." Walang salitang dumukwang si Cliffer at bumunot sa isang kahon. "Carredano boy," basa niya sa papel. "Okay. Ano'ng tanong?" "One's strength and weakness?" basa ni River sa papel. "Madali nga," sambit ni Lander bago diretsong tumingin sa 'kin. "Ikaw." Kumunot ang noo ko. "Anong ako? Ikaw ang dapat sumagot kaya 'wag mong ipasa sa 'kin 'yan," sabay irap ko sa kanya. Bakit ako ang sasagot? At malay ko rin ba sa strength at weakness ni One? Tsk. Nakangising napailing na lang si Lander. "You're one of a kind, Skye." "Ako naman ang bubunot sa next question." At si Forest na nga ang bumunot sa kahon. "What's the difference between the past One and the present One?" Nagpalipat-lipat ng tingin niya kina Lander at Cliffer. "Sino'ng nakaisip ng tanong na 'to?" Hindi sumagot si Cliffer, pero tumuro sa direksyon ni Lander. Ngumisi lang ang huli. "At ang sasagot..." Si River naman ang bumunot sa isang kahon. "Carredano at Montalvo?" kunot-noong sambit nito. "Ano 'to? Dalawang pangalan sa isang papel?" "Like I said, nandiyan sa mga papel ang pangalan nating lima. Wala naman akong sinabi na isang pangalan lang sa bawat papel."  Nilingon ni One ang katabing si Lander. "Dami mong alam." Lander smiled proudly at him. "Ako pa ba? Anyway, ako na ang unang sasagot." Saglit din siyang nag-isip bago muling nagsalita.  "Ang dating One, nasasaktan noon. Ang bagong One... mas nasasaktan ngayon. Pero, balewala iyon sa kanya kung nakikita naman niyang masaya ang mga taong mahal niya." Sumulyap siya kay One at muling ngumisi. "That's how selfless he is. It's admirable, indeed. But sometimes, a bit annoying, too." "Make sense. Pero, ang sagot talaga ni Montalvo ang hinihintay ko," nakangising pahayag ni Forest.  Lahat kami ay naghintay sa sasabihin ni Cliffer. Ilang segundo rin siyang tahimik lang bago sumagot.  "The One in the past, he was living. The One right now... he exists, but not living." Diretso siyang tumingin sa mga mata ng taong tinutukoy niya. "He stops living five years ago." "'Yun, oh! Kaya idol ko talaga 'tong si Talampas, eh!" humahangang pahayag ni River habang pumapalakpak. "Mana ka talaga sa tatay mong si Tito Dave. You really know when and what to talk about." Sabay tawa pa niya. Forest raised his right hand and gave Cliffer a thumb's up. "You nailed it, Montalvo." One didn't say anything. Nagkibit-balikat lang siya bago uminom sa beer niya. Simula pa man kanina, tipid na tipid na ang mga sinasabi niya. Na hindi talaga siya magsasalita kung hindi naman kailangan.  Hindi ko maiwasang mapatitig kay One at mapaisip sa sinabi ni Cliffer. He exists, but not living? Ano'ng ibig sabihin no'n? Did something happen to him five years ago? Now that I think about it, wala pala talaga akong alam kay One for the past eight years. Bukod sa pagiging busy niya na hindi ko naman alam ang pinagkakaabalahan niya, wala na akong kaalam-alam sa kanya. "Sa lahat ng tanong, ito ang pinakagusto ko." Naalis ang pagkakatitig ko kay One nang makitang may hawak ng papel si River. Ipinakita nito ang hawak na papel kay Cliffer. Kahit katabi ko na ang dalawa, hindi ko man lang nasilip kung ano ang nakasulat sa papel nang idaan iyon sa harap ko. Tsk. "Show it to him," sabi ni Cliffer. Iniharap ni River ang hawak na papel sa mukha ni One. Lumapit at sumilip ang mga mukha nina Forest at Lander. "Oh," sabay na sambit ng dalawang lalaki. Mula sa kaninang malamig at walang emosyon na mukha ni One ay biglang naging seryoso at tumalim ang tingin kay River. "No," mariing sambit niya. "Why? It won't hurt," balewalang sagot pa ni River. "Hell no," mas mariing sagot ni One. Now I'm curious. Ano kaya ang tanong na 'yon para tanggihang ipasagot ni One sa mga kaibigan niya? "Relax, dude." Inakbayan ni Lander ang katabi at ngumisi. "Knowing Skye, baka hindi rin niya ma-gets kung clue lang ang ibibigay na sagot." Binalingan ito nang masamang tingin ni One. "Still a damn no." "Depende pa rin siguro sa gagong magbibigay ng clue," sagot ni River na para bang hindi narinig ang matinding pagtutol ni One. "And it all depends on you, Kagubatan," Cliffer stated after pulling out a paper and reading it out loud. Lander chuckled. "Hoy, Ferrer! Ayusin mo ang pagbibigay ng clue. Siguraduhin mong maiintindihan ni Skye 'yan." "Just read the question first," nakaismid na turan ni Forest. "What is the meaning of his tattoo on his chest?" basa nga ni River sa papel na hawak pa rin nito sa kamay hanggang ngayon. Oh. His tattoo on his chest? May meaning ba ang tattoo ni One sa dibdib niya? The last time I saw it, I just took a glimpse of it. Hindi ko nakita nang buo ang tattoo niya kaya hindi ko rin matukoy kung ano iyon. "Remember, clue lang, Kagubatan," paalala ni River. Si Forest naman ang binalingan nang matalim na tingin ni One. "Don't you dare, Ferrer," he warned him. Isang nakakalokong ngisi lang ang isinagot ng kaibigan niya bago tumingin sa 'kin. "It sounds like a color blue. Medyo light lang." "Like light blue?" "It's something from above." "Like a bird? So, it's a light blue bird?" kunot-noong tanong ko. Huminga nang malalim si Forest. "Okay. It's a baybayin word of a girl's name. Pangalan ng babaeng hindi niya nakalimutan at pinakamalapit sa puso niya." "Ash?" panghuhula ko pa. Well, si Ash lang naman ang naiisip kong babae na pinakamalapit sa puso ni One. They were best friends and in a relationship before. Ilang sandaling katahimikan. Walang nagsalita at nakatingin lang sila sa direksyon ko. Hanggang sa kumilos ang mga lalaki - except for One. "Ikaw na. Ikaw na talaga, Skye!" "Lupit mo, Skye! 'Di kita kinakaya!" "Isa kang alamat!" "Hail the slow queen." Alam n'yo 'yung ginagawa sa mga historical drama ng koreanovela kung saan yumuyuko ang mga ulo at ipinapatong ang mga kamay sa sahig para magpakita ng paggalang sa hari? Iyon ang eksaktong ginagawa ng apat na lalaki sa harapan ko. Sinamaan ko sila ng tingin. "Ang gagago n'yo. Tigilan n'yo nga 'yan. Tsk." Napasulyap ako kay One. At hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagtaas ng sulok ng labi niya na para bang nangingiti siya. Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Sandali nga. Pinagtatawanan niya ba ako? He cleared his throat before looking away and drinking his beer.  Bumalik sa puwesto ang mga lalaki. Ngumisi si Lander kay One. "See? Kahit clue, hindi niya na-gets." Muling nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga si Forest. "Taenang 'yan. Si Skye ba ang slow o ako lang talaga ang malabong magbigay ng clue?" "Both. Slow na nga si Skye, malabo ka pang magbigay ng clue." Sabay tawa ni River. "Dapat dineretso mo na lang ang pagsagot. Dami mo pa kasing pasakalye, Kagubatan. Alam mo namang pagong 'yang si Skye." "I doubt it," mabilis na kontra ni Cliffer sa sinabi ni Lander. "Kahit siguro diretsuhin mo ng sagot, baka hindi rin niya ma-gets. That's how slow she is." "Hoy, 'wag kayo!" mabilis na sambit ni River. "A philosopher once said that her slowness is annoyingly cute." At nagtawanan silang apat. "Hey! I'm just right here, you know?" I hissed. Grabe! Kung pag-usapan at asarin nila ako ay parang wala ako sa harapan nila. Ang gagago talaga. Tsk. "Skye, Skye, Skye..." Inakbayan ako ni River at nakangising tumingin sa 'kin. "Keep up naman diyan. 'Wag mo masyadong career-in ang pagiging slow. Someone might take advantage of you, you know?" Kumunot ang noo ko. "What do you mean?" "Remember Angel Fayre Velasco? Your friend? Dahil sa pagiging inosente mo, hindi mo namalayang inaatake ka na niya patalikod. May pang-aahas na siyang ginagawa." Saglit din akong natigilan bago mapait na ngumiti. Of course, they knew what she did. At malamang alam din nila ang ginawang pang-aakit ni Fayre just recently. "Speaking of that woman, malamang makita mo rin siya sa team building natin, Skye." Mabilis akong nagbaling ng tingin kay Cliffer. "Bakit naman? She was already fired, right?" "Ang two rival companies ni Uno ay magkakaroon din ng team building sa location kung saan gaganapin ang team building natin. Ang Suntoon Technologies at Al-Tech Corporation. And we found out na sa Suntoon Technologies na nagtatrabaho si Fayre." "Hindi pa lang kami sigurado kung sa Suntoon Tech ba talaga siya direktang nagtatrabaho at ang kompanyang nasa likod sa tangkang pagpatay kay Uno." Ibinalik ko ang tingin kay River. Itinuon niya ang dalawang kamay sa sahig at naging seryoso ang mukha niya. "Puwedeng setup lang din iyon ng kalaban para mabaling ang investigation sa kompanyang iyon. They will use Fayre against Uno para mas lalo tayong lituhin. There's so many possibilities and we can't just ignore it." Natahimik ang mga lalaki at wari ding may malalim na iniisip. Uminom muna si River ng beer bago muling nagsalita. "On your team building, I will be there to spy on them. Because anytime, puwede nilang lapitan si One na inaakala nilang si Uno." "I will be there, too." "Mag-eespiya ka rin?" takang tanong ko kay Lander. "You could say that. Pero, ibang tao ang babantayan ko. Balita ko kasi, may shooting doon. Manonood ako sa acting ng mga artistang gaganap. Baka kasi may madala sa mga eksena lalo na 'yung actor. Mabuti na iyong may pipigil." At nakangising sumulyap siya sa katabi niya. "'Di ba, One?" Pumalatak si One. "Gago," mariing sagot niya.  "Handa ka na bang harapin ulit ang kaibigan mo, Skye?" Sumimangot ako kay Cliffer. "Pagkatapos ng mga ginawa niya sa 'kin at kay Uno, hindi ko na siya itinuturing na kaibigan. At siguradong sa muli naming pagkikita, kalaban na ang tingin niya sa 'kin." "...the next time we meet, you're no longer my friend but enemy." Yes, I remember her exact words before she left that day. Siguradong kapag nagkaharap ulit kami, ipapakita niya sa 'kin ang totoo niyang ugali. Hindi na siya magiging mabait at friendly. Hindi na siya makikipagplastikan sa 'kin. And I should be prepared when I face her. "That's good to hear. If you still treat her as your friend, someone will knock you on the head para magising ka sa katotohanan," pahayag ni River na may mahinang pagtuktok pa sa ulo ko. Bahagya akong ngumiti at tumango. Kahit madalas silang manggago at mang-asar, I know they still cared for me. Pati na rin sa mga kaibigan naming babae. "Are we done on our game?" biglang tanong ni Forest. What? Done already? Parang wala naman akong napala sa pinagsasagot nila sa mga tanong tungkol kay One. "One more question. Mukhang may hindi satisfied sa mga naging sagot natin," pahayag ni Lander habang nakatingin sa 'kin. "This time, ang unahin naman nating bunutin ay kung sino ang sasagot." Mabilis na dumukwang at bumunot sa kahon si Forest. "Oh! Tamang-tama ang pangalang nabunot ko. The answer will come directly from you, One Montecaztres." "Oh..." the guys said in unison. One just tsked in response. River laughed at him. "Ikaw na ang bumunot sa kahon kung anong tanong ang sasagutin mo. Baka sabihin mo bias kami." Walang salitang bumunot nga si One sa kahon. Bahagyang nagsalubong ang kilay niya pagkatapos kunin ang isang papel. He glanced at Lander. "Only this paper left on the box?" Ngumisi ito. "The last question was really saved for you." Hindi na lang nagkomento si One at binuksan ang nakarolyong papel.  "Your how?" Forest read out loud when he peeked at the piece of paper. Umiling-iling si River. "Gago talaga 'tong si Kapatagan. Anong klaseng tanong 'yan? Anong how?" Mas lalong lumapad ang ngisi ng kaibigan nila. "Any how. Kung ano ang how ni One." "Be specific, Carredano boy," utos ni Cliffer. "I'm sure may how itong kaibigan natin. And to be fair, let's give Skye a chance to ask her how, too, to One." Ibinalik ni Lander ang tingin sa 'kin. "Siguradong may gusto ka ring itanong sa kanya. So, take this chance to ask him, too. But, mind you, your question should start by how. Ano? Deal?" May tanong ako, oo. Gaya ng anong nangyari sa kanya for these past years? Bakit hindi na siya nakipag-usap sa 'kin kahit man lang sa chat? What exactly happened between us? Iyon ang gustung-gusto kong itanong. Pero, ang how? Paano ko itatanong ang mga iyon gamit ang how? But, nevertheless... "Deal," sagot ko habang diretsong nakatingin sa mga mata ni One. Pagkakataon ko na 'tong magtanong. After this night, baka hindi ko na magawang magtanong pa. At suwerte ko na lang kung may makuha akong sagot mula sa kanya. "Okay. Let's make it more exciting between the two of you," sabi pa ni Lander. Kumuha siya ng dalawang bagong beer in can at ipinatong sa mesa. "Both of you will ask your how to each other. We will not force you to answer it, though. It's up to you kung gusto n'yong sagutin ang tanong sa inyo. Kung ayaw n'yong sagutin, kailangan n'yong inumin ang tig-isang beer na 'to bottoms up. Are we clear?" Nagpalipat-lipat ang tingin ni Lander sa aming dalawa ni One. "Okay." "Yes." Sabay pang sagot naming dalawa. Hindi ko inaalis ang pagkakatitig ko sa mukha ni One. Sinalubong naman niya iyon ng malamig at walang emosyon niyang mga mata. "Ladies first," narinig kong pag-udyok sa 'kin ni River. A few minutes of silence. Ramdam ko rin ang mga tingin sa 'min ng apat na lalaki, naghihintay sa anumang sasabihin ko. Ilang sandali pa... "How do you do that?" I asked. "How can you be so cold and act like nothing happened?" I added. Dahil hindi puwede ang what and why na tanong, iyon na lang ang naisip kong itanong. How could he really act like nothing happened? Na para bang balewala lang talaga sa kanya ang pag-iwas at hindi niya pagkausap sa 'kin noon. Na para bang hindi siya nangako na hindi naman niya tinupad. Ang biglang pag-disappear niya sa buhay ko sa mga nakalipas na taon. Gusto ko siyang sumbatan. Gusto kong isumbat sa kanya ang mga pangako niya. Pangakong hindi siya aalis sa buhay ko. Pangakong magiging consistent siya sa pagkausap sa 'kin kahit malayo kami sa isa't-isa. Pangakong darating sa mga okasyon na importante sa buhay ko. Pangakong mananatili siya sa tabi ko at matalik na kaibigan. Pero, hindi niya iyon tinupad lahat. And he wasn't even there when I needed him the most. I think I deserve an explanation. Kung bakit niya ginawa iyon. But, no. No explanations, no sorry's. Kahit nakabalik na siya, wala siyang anumang binanggit tungkol doon. He didn't say anything at all. At iyon ang mas lalong ikinagagalit at ikinasasama ng loob ko sa kanya. Ilang minuto ring nakatitig lang sa 'kin si One hanggang sa kunin niya ang isang beer in can at buksan iyon. Ininom niya iyon nang diretso habang nakatingin sa 'kin. Mapait akong ngumiti. Umasa ako na sa pagkakataong ito, may sasabihin siya sa 'kin. Na magpapaliwanag siya. But in the end, he chose to drink the beer and stay silent. Nang maubos niya ang beer, malakas na tumikhim si River. "It's your turn, One. Your how to Skye."  One closed his eyes, taking a deep breath. When he opened it, I almost lost in his deep eyes. He was staring at me with those warm and expressive eyes. At para bang ang dami ring gustong sabihin ng mga iyon sa 'kin. And his face... He had this soft expression on his face. The softest look I had never seen on him before. "How are you?" I was taken aback. At halos may magbara rin sa lalamunan ko nang marinig iyon mula kay One. Those three words... It was the first time that I heard it from him after eight years. When he left, he never asked me those three words. In our chat and overseas calls before, he never asked me those three words. When my parents passed away, he never asked me those three words. When Uno almost die that night and I was left alone and crying, he never asked me those threewords. Ngayon lang.  And those three words were enough to shake my emotions. To shake my entire being. Mabilis na namuo ang luha sa mga mata ko. At halos manginig din ang mga labi ko dahil sa pinipigilang pag-alpas na hikbi. I bit my lower lip to stop my tears from falling. I have this urge to throw myself at him. To hug him. To cry on his shoulder. Dahil iyon ang palagi kong ginagawa noon kay One kapag upset, frustrated o malungkot ako. And then, he would hug me back and pat my head until I feel better. That's how he always comfort me when we were still best friends. Bago ko pa man gawin ang naiisip ko, kinuha ko na ang isang beer in can at binuksan. Akmang iinumin ko na iyon nang agawin iyon ni One mula sa kamay ko at siya na ang uminom niyon bottoms up. Mas naramdaman ko ang pagbigat ng pakiramdam ko at pangingilid ng luha sa mga mata ko. Malakas akong tumikhim para matanggal ang bara sa lalamunan ko. "Matutulog na 'ko." Hindi buo ang boses ko at halos mangiyak-ngiyak na 'ko nang sabihin ang mga salitang iyon. Tumayo ako at hindi na hinintay ang sagot nila. At sa pagtalikod ko pa lang sa direksyon nila, naramdaman ko na ang pagpatak ng luha sa mga mata ko. Mabilis akong humakbang palayo at tinungo ang direksyon patungo sa kuwarto ko. Pagkapasok ko pa lang sa kuwarto, napasandal na 'ko sa likod ng pinto. Dahan-dahan akong napadausdos hanggang sa mapaupo ako sa sahig at niyakap ang mga binti ko. Isinubsob ko ang mukha ko sa pagitan ng mga tuhod ko at doon tuluyang pinakawalan ang kanina ko pang pinipigilang mga luha. At ang mahinang paghikbi ko ay nauwi sa malakas na pag-iyak. One's question kept echoing in my head. And it really hurts. Halos hindi na nga ako makahinga dahil sa patuloy kong pag-iyak. "How are you?" "I'm not... I'm not okay..." I said between sobs.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD