SKYE Pagkatapos ng tanghalian, magkakasamang lumabas ang boys - except for Cliffer and One - para gumala at libutin ang resort. Si Cliffer ay naiwan dito sa villa dahil mas gusto raw matulog na lang. Si One naman ay sinundo ni River at magkasama ngayon sa labas for some business matters. Napagpasyahan din naming mga babae ang lumabas ng villa. Nauna lang ako sa kanilang lumabas at sinabing hihintayin ko na lang sila sa beach front. Gusto ko rin muna kasing mapag-isa habang tinitingnan ang paligid. Tumayo ako sa may dalampasigan at tumanaw sa malawak na dagat. Hindi ko napigilang ngumiti nang mapait habang nakatingin sa asul na dagat at sa malamlam na kulay ng kalangitan. Napag-usapan namin noon ni Uno na pagkatapos ng kasal namin, pupunta kami sa beach for the honeymoon. Isang buwan ng