Kabanata 22 "Ngunit may hindi ka dapat na gawin. Huwag na huwag kang magpapakita sa iyong sarili Angelika." Lumapit naman siya sa akin at hinaplos ang aking mukha. "Wala akong ginawang ikasasama ng mga nilikha ko Angelika, bagkus, ako'y isang gabay lamang upang mapabuti ang inyong mga landas. Manalig ka Angelika. Sa oras na magtagumpay ka'y magiging maayos din ang lahat." Sa isang kurap ng aking mga mata ay bigla na lamang itong nawala sa aking harapan. Halos manlumo ako at halos natuyuan ang aking lalamunan. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako kung talagang si Luna ba talaga ang nagpakita sa akin. Ngunit paano ko ba maipapaliwanag itong nangyayari sa akin. Marahil ay siya nga si Luna. Huminga ako ng malalim at inayos ang aking sarili. Mula sa malayo ay tanaw ko ang aking sarili na na