Kabanata 21 "Zsakae," anas ko nang makita ko siya. Puno ng sugat ang kanyang katawan. At hindi pa rin nawawala ang mga itim na marka sa buo niyang katawan. Napaluha ako ng husto at pilit kong hinihila ang mga kadena. Mabigat ang kanyang paghakbang hanggang sa tuluyan siyang nakaabot sa akin. Diretso siyang napaluhod at inakay ang anak naming dalawa. Hinagkan niya ito sa noo. Bigla naman itong tumigil sa pagpalahaw. "Hindi ko alam kung ano ang ipapangalan ko sa kanya," namamaos kong utas. Ako naman ang kanyang hinagkan sa aking noo at sa aking mga labi. Muli niyang tinitigan ang anak namin. "Zsaskea Zuellen Zoldic," mahina niyang sambit. Napangiti ako ngunit agad itong napalitan ng matinding takot at pangamba. Bigla na lamang kasing may umagos na itim na dugo mula sa kanyang bibig. "Zs