KATATAPOS lang ng hapunan ay nagyaya si Glenn na maglaro ng basketball. Dahil busog pa, tumambay muna sila sa swimming pool at nagbabad sa tubig. Atat na si Glenn maglaro lalo nang mapansin nito si Fabio na nauna na sa basketball court at nagsu-shoot ng bola. “Noname, laro na tayo. Ayon na si Fabio, oh!” ani Glenn, umahon na sa tubig. No choice siya kundi umahon na rin. Hindi na muna sila gagalaw nang mabilis. “Sige na nga,” aniya. “Yes!” tumakbo na si Glenn patungong court. Nakipag-agawan ito ng bola kay Fabio. “Give me the ball!” sigaw nito. “Hey! You should know the rules, Glenn!” sabi naman ni Fabio, pilit pinagkakait kay Glenn ang bola. Napasintido si Stella nang mapansing marumi ang laro ni Glenn. Tinutulak nito sa dibdib si Fabio. “Daya mo!” angal ni Glenn nang mai-shoot ni Fa

