PUMAYAG si Stella na sa yate naman sila mag-tutorial. Ang gusto pa ni Glenn ay overnight sila roon. Ang bilis magsawa ni Glenn sa libangan. Dalawang gabi silang naglaro ng basketball, dahil hirap maka-shoot nang malayuan, tumiigl na. Gusto na lang daw nito lumangoy. Marahil ay wala talaga itong hilig sa larong basketball noon. Kumontra si Fabio na maglayag sila hanggang gabi pero okay naman sa araw. Kasama naman nila sa paglakbay sina Joren at Carlo. Mahusay ring magmaneho ng yate si Joren. Malaking yate ang ginamit nila dahil may aayusin pa umano sa makina ng maliit na yate. Alas siyete pa lamang ng umaga ay umalis na sila. Marami silang dalang pagkain na naluto na. Uuwi rin naman sila sa hapon. Dahil hindi pamilyar si Glenn sa ibang uri ng likas na yaman, ito ang tinalakay nila. Dagat

